Hindi kayo nagcecelebrate neto pero Merry Christmas! Haha Sorry sa lahat ng reklamo ko sa buhay. Minsan paulit ulit pa nga ako. Haha Para kang foam! Inaabsorb mo lahat. Haha Ikaw yung taong, hindi ko na iisipin kung dapat ko pa bang sabihin sayo. Yung feeling na, ikaw naman yun kaya okay lang na sabihin sayo story at alamat ng buhay ko. Hahaha
Super good influence ka sakin. Nahahawa ako sa kabaitan mo(ANSABE??) Hahaha Dati kasi sa halip na intindihin ko yung situation ng iba, tinitignan ko lang yung side ko. Pero dahil sayo, natuto akong intindihin muna yung situation ng iba bago ko isipin na ganun siya or bat ganun siya. Tinuro mo sakin na baka may reason at pinagdadaanan mga tao kaya ganun sila. Ikaw yung positive side ng buhay ko. Yung tipong kahit super negative na lahat, nakikita mo pa din yung positive side. Kaya nga love na love kita! Hahaha Pinalalakas mo lagi loob ko. Haha
Happy Holidays! Walang bibitaw! Sabay natin abutin at tapusin lahat ng sinimulan natin! Wish ko for you na bigyan ka ng lakas ng loob ni Lord na gampanan lahat ng responsibilities mo. At remember na, nandito lang naman ako palagi. Hindi man ako makatulong, papalakasin ko din loob mo! Haha (Joke lang naman yung mga nega na comment ko eeeeeeeeehhhh. Haha) I love you! Nandito lang ako palagi, promise. <3

BINABASA MO ANG
CHRISTMAS MESSAGES 2K14
De TodoDahil mahal na mahal ko kayo at sipag na sipag ako, para sa inyo to! Wala namang ibang meaning yung numbers, para lang hindi names ang ilagay ko. HAHA Merry Christmas and Happy New Year! I love you all!