Chapter 2 (His Smile)

263 4 0
                                    

Chanel's POV

      Uwian na namin. Aga noh!? Orientation lang naman kase ngayon eh.

Btw kasama ko nga pala yung mga lukaret kong kaibigan dito sa school canteen.

Chika there, chika here, chika everywhere forever. Yan lang ang lagi naming ginagawa.

Madadaldal kasi yang mga yan eh kaya nahawa na tuloy ako sa kanila. Haha.

Habang nagchichikahan kami, may biglang pumasok sa canteen na syang nakaagaw sa pansin namin.

Nakita ko ang isang gwapong nilalang na iniluwa mula sa pinto ng canteen at walang iba yun kundi si Jericho Mendoza na tinitigan ko kanina ng di sinasadya at napatingin sakin at biglang nag-smi-- ..

Wait !!!! Sinabi ko ba na gwapo sya !!?? Kung sinabi ko man, binabawi ko na agad yun -___- nacarried-away lang ako -__-

Leshe!!!!! -_______- nakakahiya kaya yun !!!! Baka isipin pa nun may gusto ako sa kanya -_- isang malaking D-U-H !!! Dahil di mangyayari yun.

Ang hangin pa naman ng lalaking yun. Sarap itapon ngayon sa Ilog Pasig eh! Para kinabukasan makita yung bangkay nya na palutang-lutang na lang sa Ilog !!! Bwahahaha !! *evil's laugh*

Pero di ko gagawin yun noh! Ang brutal naman ata nun. Hahaha. Tsaka gusto kong mapunta sa Heaven at hindi sa Hell. Hehe.

Dahil sa mga iniisip ko, di ko na namalayan na nakatayo na pala silang lima sa harapan namin.

Kasama nya sina Mhico Fernandez, isang playboy na maharot na mayaman na sikat dahil varsity sya ng basketball team ng school at higit sa lahat CRUSH ni Shiela, ang kaibigan ko.

Tsaka si Symon John Gomez, ganun din ang description nya katulad ng kay Mhico, pero friendly sya sa iba.

Ito pa si Khyle Perez ganun din ang description pero tahimik ito, tsaka parang di sya playboy di katulad ni Mhico at Symon, at pa-mysterious effect pa tong si Khyle. Kaya patay na patay dati kanya itong si Vanessa eh kaso ngayon hindi na kasi nakita nya si Khyle na may kahalikan na babae sa may garden ng school. Kaya ayun na heart broken sya. Na-turn off.

Si Steve Santos, isa pa syang transferee. Kaya wala akong alam tungkol sa kanya, ang tanging alam ko lang ay mahilig sya sa basketball dahil kanina pa silang lima nag-uusap about basketball.

Gwapo sya,cute at charming. Hehe. at palagi pa syang nakangiti tsaka ang hyper nya lagi, parang di nauubusan ng energy. Haha.

Crush ko na tuloy sya :) Hihi. Harot eh !!! Sshhh lang kayo ah :)

                    *  *  *  * *

The next thing I knew ay kinakausap na pala nila kami. I mean ni Steven lang pala. Hehe. Kinikilig ako. Aysows !!!

"Hi Miss Pretty Lady :) Pwede bang maki-upo !? Wala na kasing available na upuan dito sa canteen eh." sabi nya habang ngiting-ngiti sya. Wow !!! He's so damn Cute *v*

Di ako nakapagsalita agad dahil nakatitig pa rin ako sa mukha nyang gwapo na nakangiti :)

Syete !!!!

Bumalik lang ako sa katinuan ng pitikin ako sa noo ng katabi kong si Angela. Aray ah !! Mashaket kaya yun !!!

"Huy!! Girl kinakausap ka nitong si Mr. Transferee !!! Ano tititigan mo lang sya hanggang matunaw sya !?" sabi nya sakin habang ako naman ay hinihimas-himas ang noo ko na pinitik nya.

I'm Definitely In Love With This Playboy (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon