Monique's POV
"He's in coma?" tanong ko kay Kuya.
"Yes," walang anu-anong sagot niya.
Napatingin nalang ako kay Sean at hinawakan ang kamay niya.
"By pagaling ka na ha, 'wag kang mag-alala makukulong silang lahat," kausap ko sa mahal kong lalaki.
Hinalikan ko nalang siya sa kamay.
Third Person's POV
Hindi alam ni Francis kung ano ang sasabihin sa asawa."Mahal, ayokong nai-estress ka ha, makakasamà sa bata," ani Francis.
"Wala naman mahal ah? Bakit ano bang meron?" tanong ni Sabrina.
Lumapit si Francis at hinalikan ang siya sa noo.
"Mahal, madami na tayong mga pinagdaanan sa buhay, ako, ikaw, pati ang anak ko, at ang magiging anak natin, nanatili tayong matatag sa kabila ng mga 'yon, Mahal kita at lahat ng pagsubok na ito handa kong ipaglaban dahil Mahal kita," may mga gulo sa itsura ni Sabrina ngunit alam niyang may masamang balita na naman.
"Mahal?" tanong ni Sabrina.
"Nasa ospital sina Sean at Monique, matapos naaksidente sa minamanehong kotse kahapon, ayos naman si Monique may mga sugat lang pero si Sean comatose sa hospital," dahan-dahan na sabi ni Francis.
"Ha? Bakit?" tanong ni Sabrina.
"Huwag mo na problemahin 'yon mahal ang importante okay lang sila, ayokong nai-estress ka, ayaw din ni Seth at Monique 'yon," wika ni Francis, napahinga nalang ng malalim si Sabrina, niyakap na lamang siya ng asawa.
"Kaya natin 'to Mahal," Sabrina.
Kinaumagahan.....
Monique's POV
"Hoy babae bakit ka nga pala sumakay sa wheel chair kahapon? Akala ko may pilay ka, nakakatayo ka naman pala ngayon," Itzel.
"Hoy hayaan mo nalang," sabay hila ni Nyx sa buhok ni Itzel.
"Aray!"
"Pambihira nanghihila ng buhok," hinila din ni Itzel ang buhok ni Nyx.
"Aray!"
"Tama na 'yan," awat ko baka magkapikunan.
"Hayaan mo sila Monique, ganyan talaga 'pag nagsama ang dalawang 'yan," Leigh.
"Mga Topakin amp!" Reign.
Natawa naman ako sa sinabi nila.
"Heh! Si Kring kasi eh! Nagulat ako nang tumayò siya kanina akala ko hindi siya nakakatayò," napatingin naman siya sa'kin ng masamà, tumawa naman ako matapos maalala ang reaksyon niya.
"Paano ba? paano?" sabi ni Reign kay Nyx.
"Ahhh! huwag kang tumayò, ahhh!" sabay acting ni Nyx, humagalpak kami ng tawa ni Reign at Leigh, si Itzel naman masamà ang tingin kay Nyx.
"Hahaha kala mo naman kung anong nangyari," natatawang saad ni Leigh, tumawa na naman kami.
"Sige pagtawanan niyo ako," nagtatampong ani ni Itzel.
Maya't-maya ay pumasok sina Kuya Seth, Kuya Leo at Atty. Chavez.
"Tapos ka na bang kumain?" tanong ni Kuya Seth.
"Yes kuya, actually nakahanda na kaming umalis," sabi ko.
"Let's go," ani Kuya Seth.
"Kring, sama kami," wika ni Itzel.

BINABASA MO ANG
Mobster Academy
ActionMonique Alferez, also recognized as Monique Gogh, is an enigmatic young woman compelled to join Mobster Academy, a school notorious for its association with organized crime. Confronting numerous challenges both within and outside the academy, she c...