Prologue

1 0 0
                                    

Prologue

"Ali, andito lang ako."

"Ali, lagi kitang susuportahan sa lahat lahat ng gusto mo! Diba gusto mong maging, abogado? Maaabot mo 'yan. At nasa tabi mo lang ako para suportahan ka."

"Sabay nating aabutin lahat ng pangarap natin. Magkasama nating aabutin lahat."

"Tandaan mo, hinding hindi kita pababayaan. At bawat patak ng luha mo... andito ako para punasan ang 'yan."

Agad akong napabalikwas sa kama pagkatapos lumabas sa panaginip ko yan. I looked at my wall clock to see that it's already 7 pm. The fuck. I overslept. Ang pangit ng panaginip ko. Kasing pangit ng tao na nasa panaginip ko. Nakakasuka.

Napatingin ako sa labas ng bintana. I hate him. Ano ngang sabi mo? Pupunasan mo lahat ng luhang lalandas sa pisngi ko? O nasan ka ngayon? Tokis ka, Fernandez.

Kailangan ko na ring tigilan 'tong kahibangan ko. Kailangan ko na ring umusad.

"Gusto ko na makalimot!" sigaw ko sa unan ko habang nakatakip sa mukha ko. Baka mamaya marinig ako ni mama, mag-alala pa sakin yon.

Ayoko na. Ayoko na siyang maalala. Ayoko na siyang makita. Ayoko na. Ayoko na. Ayoko na!

"Ayoko naaa-," natigil ang pagsigaw ko sa biglang pagkatok sa aking pinto.

"Nak?"

Ano ba naman 'yan! Panira. Ay joke lang ma.

"May bisita ka dito sa labas! Dali!" tuwang tuwa ang tono ni mama sa pagkakasabi.

"Gabing gabi na ma, sino ba yan?" bungad ko kay mama pagkabukas ko ng pintuan.

"Ay halika nalang doon sa sala anak!"

Ewan ko ba sa nanay ko kung bakit kahit gabing gabi na, napakataas pa rin ng energy. Di ko din alam kung saan nya nakukuha lahat ng energy nya. Ano kayang vitamins nya? Makabili nga.

"Charan anak! Alam ko namang matagal mo na ring hindi nakikita itong batang to! Kaya naman nung nakita ko sya, pinapasok ko rito!" Aniya ng nanay ko na nangunguna pa sa pagpunta sa sala kung nasaan yung bwisitang tinutukoy nya. 

Pagkakitang pagkakita ko sa taong nasa sala ay nagtatakbo agad ako pabalik sa kwarto ko. Halos magkandarapa pa ako sa pag akyat sa hagdan.

"Omg. Omg. Why is he here?!" Parang tangang pagkausap ko sa aking sarili.

What the f?! I can't believe it! Parang kanina lang, binabangungot ako nitong taong 'to tapos biglang makikita ko na ngayon? Ano ba namang klaseng buhay to. Napakamalas.

"Hoy anak!" Pangungulit muli ni mama mula sa labas. "Akala ko'y bumaba ka na?! Bakit sabi ni manang, umakyat ka daw ulit?!" Sigaw ni mama. Argh! Nakakainis naman!

"Ma, sino ba kasi yang bisita mo? Sabihan mo nalang na umuwi na lang at gabi na. Ano ba yan," sagot ko kay mama. Pretending na hindi ko pa nakikita kung sino man ang bisita. Tignan mo, dahil dito sa lalaking 'to, nagsisinungaling pa ako! Kainis!

"Hoy, Loreen! Ikaw talaga! Nakakahiya naman dito kay Andre! Ano ka ba naman! Pinapasok ko pa naman dito sa bahay."

Ang kulit kulit talaga ng nanay ko. Saan ba 'to pinaglihi ni lola?! Malakas pa ang pagkatok sa pintuan ko. Feeling ko nga anytime, mabubutas nya na yan e.

"Ma, I'm sleepy. Stop it. Paalisin mo na 'yan."

"Hay nako talaga, Loreen!" Finally. Sumuko na sya. Narinig ko ang padabog na pagbaba ng hagdanan ni mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heading Back HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon