Ang Boses Sa Panaginip

21 2 0
                                    

Nakagising si Boknoy mula sa isang napakasamang panaginip. Ang pinakamamahal Republika ng Pilipinas daw ay sinimulang sakupin ng bansang Tsina. Natakot siya sa masamang mangyayari! Hindi siya mapakakali. 

Pilit niyang inalala ang boses sa panaginip. 

"Hanapin mo ang gintong Inidoro! Hindi ito dapat mapunta sa maling pwet. Dahil kung ito man ay mangyari katakot takot na Paghihirap ang madadama ng iyong mga kababayan."

Pinilit niyang isipin ang kahulugan ng mga ito. Sinubukan niyang i-google, tiningnan niya sa wikipedia ngunit sumikat na lang ang araw ay di pa rin siya nagtagumpay. Wala pa siyang napapala.

"Sige pupuntahan ko muna si Tata Lino. Siguro naman ay makakatulong siya sa paghahanap ko ng Sagot" sinabi ni Boknoy.

Nang makarating siya sa Bahay ni Tata Lino nakita niya na ang matanda ay pinapanood ang mga alagang manok habang ang mga ito ay kumakain ng mga patuka. 

"Magandang Hapon po tata" bati ni Boknoy.

"Magandang hapon naman boknoy napa dalaw ka ahh" sagot naman ng matanda.

"Tata ako po ay nababahala sa aking napanaginipan" sabi wika ni Boknoy.

"Boknoy ako ay mas nababahala na isang araw di na ako magising. Hahahaha" ganti ng matanda. 

Ngumiti lang si Boknoy.

"Ano ba an ikinababahala mo sa napanaginipan mo?" tanong ng matanda.

"Ahhh ehhh. May boses po kasi. Ang sabi ay hanapin ko raw ang ginintuang inodoro at huwag hahayaang umupo ang maling pwet doon dahil magiging dahilan ito ng mga katakot-takot na pangyayari sa Pilipinas" sabi ni Boknoy.

"Halina nga sa loob at samahan mo akong mag kape" paanyaya ng matanda kay Boknoy.

Ipinagtimpla ni tata Lino ng Kape si Boknoy. At sabay silang umupo sa sofa. Ipinatong ni Tata Lino ang paa sa lamesita na nasa harap nila at huminga ng malalim.

"Alam mo Boknoy, marami na akong kakilalang naka panaginip sa lintik na boses na iyan. Pareho ang mensahe. Ang gintong inodoro." simula ng matanda.

"Eh di, hindi po ako ang unang kinausap ng boses na yun tata?" Nagulat na si Boknoy sa narinig.

"Narinig mo sinabi ko diba?" tanong naman ng matanda.

"Ahh opo. Tuloy tayo. Ano po ba ang nangyari sa mga unang tinawag?" karagdagang tanong ni Boknoy."

"Ahhh yung mga iyon ba...?"

"Opo tata"

"Di ko rin alam ehhhh. Hahahahahahahahaha!" 

Napakamot sa Boknoy sa Narinig. Matapos tumawa ang matanda ay uninom siya ng kape. Tiningnan ang reaksiyon ng kausap at nagsimulang mag kwento.

"Ang iba sa kanila ay nakinig ang iba ay hindi. Ang iba ay nagbingi-bingihan ang iba ay walang pakialam. Ang iba ay nag buhos ng dugo, ang iba ay nag alay ng buhay." Ngumiti lamang ang matanda habang hinahawakan ang mga peklat niya sa braso. Napakaraming ala-ala ang biglang bumalik.

"Tata naman. Ang talinhaga naman ng sinabi mo. Ano po ba ang ibig sabihin nun?" Lalong naguluhan si Boknoy.

"Di ko rin alam. Yan rin yung sinabi sa akin ni google ehh. Hahahahahahahaha!". Muling tumawa ang matanda.

Napakamot ulit si Boknoy.

"Matanong nga kita iho. Ano ba ang mapapala ng tao kapag marami siyang alam?" tanong ni Tata Lino kay Boknoy.

"Di ko po alam tata. Siguro mas marami tayong magagawa." Sagot naman ni Boknoy na nakakunot ang noo dahil nag iisip pa rin.

"Sana anak ganun nga. Sana may magagawa tayo kapag may alam tayo." sagot naman ng matanda. "Kaya nga lang isa sa mga natutunan ko habang nakakalbo at nabubungi ang ngipin ay hindi palibhasa may alam tayo ay palagi tayong may magagawa."

"Di ko po maintindihan." sagot ni Buknoy.

"Ako rin iho hindi ko rin maintindihan."

"Ano po ang hindi mo maintindihan tata?" Tanong naman ni Boknoy na lalo pang naguluhan.

"Teka? Ano nga ba ang hindi ko naintidihan? Alam mo apo ang di ko maintindihan eh kung meron ba talaga akong naiintindihan." Sagot nanaman ng matanda na lalong nagpagulo sa usapan.

"Teka po Tata balik tayo sa pinag uusapan natin kanina. Ano po ba yun yung gintong inodoro?" tanong nanaman ni Boknoy.

" Ahh! Yun ba? Isa iyong upuan na magbibigay ng malaking kapangyarihan sa pwet na nakaupo." Sagot ng Matanda. "Sinabi ko kanina na maraming sumubok diba? May iilan na naka kita rito, may ilan na naranasan mismo nilang umupo rito. Alam mo ba kung ano ang nangyari sa kanila?" pagpapatuloy ni Tata Lino

"Ano po tata?" Tanong ni Boknoy

"Nagka LBM sila. Nagtae-tae sila. Di na sila naka tayo. Ginawa nila ang lahat wag lang mawalay sa Gintong inodoro. Iyan anak ang alamat ng Gintong inodoro."

"Ang labo naman naman ni Tata Lino" nasabi na lamang ni Boknoy habang naglalakad pauwi.

Ang paghahanap sa Gintong InodoroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon