•1•

47.8K 457 35
                                    

MIYUKI

"Miyu? Pupunta ka bang sa otaku con?" Napalingon ako kay Marga, na naging kaibigan ko dahil sa cosplay events or otaku.

"Saan nga iyon? Alam mo namang makakalimutin ako. Hehe." Sabay tawa ko rito.

"Sa may MOA lang iyon, Miyu! Ano punta ka? Pupunta kaming lahat." I nod.

"Sige, sa Saturday niyon, diba?" Tumango siya sa akin.

"Naghahanap ka pa rin ba ng raket?" Tumango ako rito.

Alam niyang ulilang lubos na ako, e. Sumama iyong nanay ko sa matandang mayaman na madaling mamatay. Tapos, 'di man lang ako kinuha. Malas.

Iyong tatay ko naman, di ko alam kung nasa'n. Bata pa lang ako, wala na kong kinilalang tatay. Nabuntis lang daw nanay ko, ayon ang kwento sa akin ng mga tita and tito ko.

"Oo, Marga, kailangan, e. Alam mong graduating na ko next year. Isang sem na lang ako. May kaibigan ka ng fashion designer." Tumawa ito sa akin. Parang may nakakatawa sa sinabi ko?

"Pagbutihan mo na lang iyong susuotin mo sa Saturday. May best in costume na award, baka manalo ka, Miyu. Sayang din ang twenty poke!" Kuminang ang mga mata ko.

"Langya! Ngayon mo lang sinabi. Sige, aayusin ko na iyong costume ko. Dapat talaga manalo ako, pang-thesis ko na rin iyon and pang-tuition fee..."

"Bakit kasi hindi ka sumama roon sa raket ni Chona? Etneb isang gabi. Go na!"

Ngumisi ako rito, "siraulo ka! Alam mo namang virgin pa ako at gusto ko 'tong ibigay sa magiging asawa ko. Lumayas ka na nga sa harap ko, Marga." Tumatawa itong sumibat.

Napailing na lang ako. Pumasok ako sa bahay na iniwan sa akin ng nanay ko. Isang malakas na bagyo lang, taob tong bahay ko.

Inayos ko ang aking costume, 'di ako magpapakabog sa ibang mga otaku. Kailangan ako manalo sa award na iyon.

##

Sumapit ang sabado. Ito na. Kinakabahan ako pero alam kong ako ang mananalo. Sisiw.

Ang suot ko lang naman ay inspired sa Mobile legends online game. Sino nga ito? Iyong may sinasabing swan. Si Odette yata 'to.

"Miyu! Talagang pinaghandaan ha? Ikaw na mananalo!" Ngumisi ako rito.

"Alam mo naman kailangan ko ng pera, e." Sabi ko sa kanila.

"Bakit 'di ka manghiram sa akin ng pera? Nandito naman ako ha?"

Nagkaasaran na.

"Gabo, okay na ko. Saka di ako manggagamit. Sus, sayo na iyang ipon mo." Sabi ko rito.

Kumpyansa na ko, na ako ang mananalo. Mukhang mga newbie ang sumali sa con na ito ha?

"Good luck, Miyu ha? Hindi kami sumali sa award na iyan. Doon kami sa pack award." Tumango ako rito.

Mukhang doon nga sila sumali. Iyong costume ng apat nasa iisang anime, e.

Pinapila na kaming pito sa stage at hawak na nito ang papel na naglalaman nang mananalo.

"Best in costume award goes to... our Odette of Mobile legends bang bang." Matic.

Lumapit ako rito, sinabit sa akin ang sash, inabot ang tropeyo at cash. Ngumiti ako rito at sa mga kaibigan ko na pumapalakpak sa akin.

Pinapwesto ako sa gitna para picturan ang aking costume. Pero, laking gulat ko ng mahulog ako sa stage dahil nagiba ang pundasyon nito.

Lahat ay nagkagulo at nataranta dahil sa nangyari. Sumuot ang kalahating katawan ko sa ilalim. Pakiramdam ko may mga sugat ako.

Ang bigat pa man ang suot kong costume. Gawa ito sa mga lata at tansan.

May dumating na mga medic, agad akong nilagay sa stretcher at sinugod sa malapit na hospital.

Kapag nga naman minamalas ka, oh!

Pagkarating namin sa hospital, nilipat ako sa higaan para suriin ng doctor.

Tinanggal ko ang aking costume sa bandang itaas ko, nakadamit naman akong white pero manipis ito!

Nilapag ko ang aking costume sa tabi at humiga ulit. Mukhang napuruhan ang binti ko. Langya!

Napalingon ako sa pinto nang may pumasok na lalaking naka-all white at may stethoscope sa kanyang leeg. Siya ba iyong doctor na magchecheck sa akin? Bakit ang gwapo?

"Hello! You are?" Napakurap ako.

"I'm Miyuki Gray, Doc..." Sabi ko rito.

"Ikaw iyong na-accident sa otaku con?" Tumango ako rito.

Umiling ito sa akin. Hinawakan niya ang aking binti at napapiglas ako.

"Don't worry, wala akong gagawin. I'm a doctor, I know what I'm doing." Seryoso nitong sabi.

"I'm sorry, Doc." Hingi ko nang paumanhin.

Tinuloy niya ang kanyang pag-examine sa aking ibabang parte. Tinanggal niya ang mga nakalagay na costume sa akin. Parang ang dali lang niyang tanggalin ha?

"My little sister is a cosplayer too. Kaya alam kong paano magtanggal nito." Tumango ako rito.

"What her name? Baka kilala ko kapatid mo. I'm cosplayer since 12 years old ako." I smiled.

Tumingin ito sa akin, "she's dead, two years ago. Dahil sa events na iyan."

Nagulat ako sa sinabi niya. Dahil sa event na ito? May namamatay ba rito? O, dahil sa pagod para makagawa ng costumes?

Two years ago namatay ang little sister niya? Ang natatandaan ko...

"Miyu! Do you know Jessi Carter? Namatay siya kagabi dahil sa aksidente."

Nagulat ako sa sinabi ni Marga, "anong aksidente?" Tanong ko rito.

"Iyong sa Cosplay event last night. Iyong di mo pinuntahan kasi you have a quizzes. Na-rape raw. Sabi-sabi sa otaku world."

"K-kapatid mo iyong Jessi?" Bigla ko nasabi.

Nagulat siya pero bigla rin agad siyang bumalik sa pagchecheck sa akin.

"Yes. I'm her brother. I'm Jayden Carter, Ms. Gray."

Sabay halik niya sa aking labi. At, tuluyang umalis.

Langya! Siya iyong tinatanong ko kay Jessi dati kung p'wedeng maka-date ang kuya niya. Oh fcking shit!

•••

Let me know your thoughts through comments and please votes for motivation.

Thank youuuuu!!😸😸

🎉 Tapos mo nang basahin ang INTACT: MIYUKI GRAY (Daddy's Series #4) ✓ 🎉
INTACT:  MIYUKI GRAY (Daddy's Series #4) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon