#DiscoBookAwards2020
Isang binatilyo ang natagpuang walang buhay sa isang liblib na lugar. Mariing iniimbestigahan ang pangyayaring krimen. Ang binatilyo ay hindi pa nakilala sapagkat nawawala pa ang iba't ibang parte ng kanyang katawan. Muli ay aming pinapaalala na kung maaari ay huwag munang lumabas sa inyong mga tahanan upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari lalo na at nasa gitna tayo ng Pandemya. Balitang radyo. 90.3 FM.
4:32 pm
QUANTI'S POV
Nagtayuan ang aking balahibo ng marinig ang balita galing sa radyo. Nasa probinsya ako ngayon at hindi makaalis dahil sa banned pa rin ang mga pampublikong sasakyan papuntang syudad.
"Quanti, mag-iingat ka at 'wag kang lalabas ng dis-oras na nang gabi. Narinig mo naman siguro ang balita."
"La, 'wag po kayong mag-alala," sambit ko at kinuha na ang bag ko
"Basta mag-iingat ka apo." At tumungo sa kanya at nagmano.
"Opo." Nagpaalam na rin ako at bumalik sa apartment naming mga magkakatrabaho slash magkakaibigan. Ilang kilometro lamang ang layo ng bahay ng aking lola sa apartment namin kung kaya't dumalaw na rin ako sa kanila.
Sinuot ko ang aking face mask at nagsimula ng maglakad dahil nagsisimula nang mag-agaw dilim kahit alas kwatro pa lang ng hapon. Malamig ang simoy ng hangin sa hapong iyon ang namayani sa aking paglalakad ng maalala ang narinig mula sa radyo. Napailing na lamang ako ng bahagyang kinabahan at napatigil sa paglalakad.
Bahala na nga! Untag ng aking isipan.
Mahigit isang oras din ang nilakad ko hanggang sa matanaw ang kalye kung saan ang apartment namin. Hassle nga namang walang sasakyan dahil sa quarantine at pagod na pagod ako.
Sa mabagal na paghakbang ay napalingon ako sa isang kalye at nanghilakbot ng makita ang isang bulto ng tao sa tapat ng ilaw ng poste. Napakapamilyar ng bultong iyon.
Nakaitim ito at nakatingin sa akin. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata at muling tumitig ngunit nakatingin pa rin ito sa akin at may hawak hawak itong itim na supot at may tumutulo galing don.
Ano itong hilakbot na nararamdaman ko?
Sa bahagyang pagkakahinto sa gitna ng daan ay nagulat na lamang ako ng may lumapit sa aking tanod.
"Gabi na, bakit ka pa nasa daan?" Nawala ang atensyon ko sa lalaking nakatayo sa ilalim ng poste at napunta sa mamang tanod sa aking harapan
"Pasensya na po. Malapit na po ang apartment ko dito, isang kalye na lang po," Sa sinabing iyon ay ang pag-alis ng tanod sa aking harapan ay binalik kong muli ang tingin sa kalyeng iyon ngunit wala ng bahid ng kahit sino ang naroon.
Namamalikmata ba ako o dala ito ng pagod?
Isinawalang bahala ko ang nakita at muling naglakad. Pagkarating sa apartment ay dumiretso akong kwarto at nadatnan ko pa ang mga kaibigan kong nanonood ng telebisyon sa sala. Sa kwarto ay agad naman akong napahilata marahil sa pagod na naramdaman mula sa paglalakad.
"Narinig mo ba ang balita sa radyo kanina, Quanti?" tanong ng ka-room mate kong si Sanya kasunod nito si Louise na nakabalot pa ang twalya sa buhok nito at hawak ang bagong cellphone nito.
BINABASA MO ANG
Live, Quanti [One-shot]
HorrorChoose who your friends are. It doesn't matter how many friends you have what matter is how many TRUE friends you have.