Chapter 1

12 0 0
                                    

Tristy Pov

Knock knock knock

Mag kakasunod na katok ang gumising sa akin mula sa mahimbing na pag kakatulog ko

"Tri. Gising kana ba? Baba kana ha. Maaga pa pasok natin di tayo pwedeng malate"na rinig ko ang tinig ni avi sa labas ng kwarto ko

"Oo" tinatamad na sagot ko narinig ko naman na agad ang mga yapak nyang papaalis na

Dalawang palapag lang ang bahay namin at kaming dalawang lang ang nakatira sa inuupahan naming ito. Maliit pero sakto na saamin, muli kong tinitigan ang kisame bago ako tumayo at dumeretso sa banyong inuukupa ko.

"Tri. Eto yung schedule natin sa AIS, mag kaklase tayo" nakangiti nyang inabot sakin ang kapirasong papel saglit ko lang itong tinitigan at muling ibinalik sa kanya

"Tri,anyare sa itsura mo bakit ganyan yan? Epekto na naman ng pagpupuyat mo noh?"

"Ewan ko?"tugon ko habang hinahanap ko ang baso ng gatas at kape ko sa ibabaw ng lamesa

Nagtataka naman nya akong sinulyapan "ano naman ang hinahanap mo?"

"Yung akin?" Turo ko sa baso ng kape na nasa harapan nya

"Ah yun ba? Nakalimutan kong ipag timpla ka eh hehehe."sabi nya habang nag titimpla sa harapan ko gamit ang isang maliit na termo.

"Malapit lang ba tayo dito sa paaralan na papasukan ko?"tugon ko sa kanya pagtapos nya kong ipagtimpla

"Medyo may kalauyaan lang naman"tugon nya sakin na nanghuhula at tila ba tinatansya ang daan na tatahakin nya.

"Wala pa tayong uniform," simpleng sabi ko habang nag aagahan kami

"Okay lang naman daw sa mga newbies yon sabi nung dean at yung mahalaga ay ang mga dukomento natin na kailangan sa paglipat sa kanila"

Tumango ako ng tumango sa mga sinabi nya sa totoo lang masaya at kuntento nako sa ganitong buhay nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Nakakapag aral ng hindi dinidiktahan...

"Tara na late na tayo---" tinitigan nya ko mula ulo hanggang pa "ganyan na suot mo?" Nag tataka man ay tumango ako simpleng blue jean at medyo loose white t shirt.

Gumamit kami ni avi ng bike dahil may tig isa kaming mountain bike na sasakyan namin pa tungong university.

Sa pag pasok palang namin agad naming naagaw ang atensyon ng karamihan may estudyanteng naka uniform at karamihan naman ng transferee ay kung hindi naka uniform ay naka bestida na above the knee...ako lang ang naiba dahil maging si avi ay nakabeatida ng dilaw

Sa paglalakad namin papuntang dean office mga nanunuyang tingin at husga agad ang mababasa pero tinatamad ako para pansinin pa sila.

"Totoo nga ang sabi nila maganda ang paaralan natoh tri"agad ko naman syang nilingon at tinanguan bilang sagot

"Pansin mo nakatingin sila satin?"

"Wala akong pake sa kanila at tinatamad ako para bigyan ng atensyo ang mga mata nila"tugon ko habang nakatingin pa rin sa harapan at hindi sya nililingon

"Sa bagay tamad ka nga pala"hindi ko nalang sya pinansin at pinangunahan ko syang mag lakad na para bang kabisado ko ang daan pero ang totoo ay...oo

"Dean Mitelo hanggang kailan po pwede ang suot na ganito" hinayaan ko nalang si avi ang makipag usap sa dean habang ang mata ko ay nililibot ko sa bawat sulok na makikita ko...

In the First PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon