Third Person POVSa loob ng Palasyo ng Dawson Empire nagkakagulo ang lahat dahil sa mga gulong nagaganap sa labas ng emperyo. Mga patayang nasaksihan ng mga bata't, matatanda digmaang walang nakaka alam kung anong oras o araw matatapos.
Ang laban sa mga taong sakim sa kapangyarihan, mga taong handang mag taksil sa Emperyong pinamumunuan ni Haring Arthur Dawson. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat sa gitna ng labanan may prinsesang handang patayin ang lahat alang ala sa kanyang amang hari lumalaban kahit na sugatan, lumalaban ng hindi alam kung saan matatapos ang digmaan. Kung sino man ang mataman ng katana niya tiyak na walang porsiyentong mabubuhay pa. Pulos itim ang suot may nakatabing na tela sa kalahati ng mukha na ang natatabunan lamang ay ang kanyang ilong at bibig, mga matang kasing dilim ng kalangitan, kilos na sumasabay sa hangin, katanang ilang taksil na ang napaslang. Ayan ang mapapansin sa babaeng lumalaban sa gitna ng digmaan.
Mahal na hari patuloy parin po ang labanan sa labas ng emperyo ano na ang inyong gagawin - isa sa mga ministro ang nagtanong sa hari
Maghintay pa tayo ng oras alam kong sa sandaling ito matatapos na ang kaguluhan na nangyayari sa labas ng emperyong ito - tugon naman ni haring Arthur
Paano kayo nakaka sigurong matatapos na ang kaguluhan at mananalo tayo kung gayong ang mga ipinadala niyo lamang na mga kawal at mandirigma ay yung mga baguhan lamang hindi ba kayo natatakot na baka matalo at malusob ang emperyo - isang ministro ang sumabat sa usapan
Alam kong matatapos at mananalo tayo dahil may tiwala ako sa namumuno sa mga kawal at mga mandirigmang ipinadala ko alam kong hindi niya pababayaan ang emperyo lalong lalo na ang mga taong nandidito - naka ngiting usal ng hari
Mukhang naintindihan na ng lahat kung bakit ganun na lamang ang kompyansa ng hari na mananalo at matatapos ang kaguluhan. Dahil ganun na lamang ang tiwala niya sa isang anak na babaeng lumalaban sa gitna ng digmaan, kilala ng buong emperyo ang isang anak ng hari na mas gugustuhin pang laging humawak ng armas kaysa sa mag burda at mga gawain ng isang prinsesa.
Sa gitna ng pakikipag laban ng prinsesa hindi niya napansin ang isang tulisan na handa siyang paslangin ngunit gayun na lamang ang gulat at takot ng tulisan dahil sa isang mabilis na galaw naiwasan ng babaeng kaharap ang espadang dapat na kikitil sa buhay niya
Mabilis ka pero sa susunod na pagsugod ko sayo hindi kana makaka iwas pa - tugon ng lalaki at biglang pag sugod sa babaeng kaharap
Minaliit mo ko kung ganun - at sabay sa pag tugon niya sinugod niya ang lalaking minaliit ang kakayahan niya. Walang nakakakita sa mga kilos ng dalawa dahil pantay lamang ang bilis ng mga kilos ng mga ito parehas na nasusugatan ang isat isa ngunit gayun nalang ang pag tigil ng lahat dahil sa mga sandaling iyon ang babaeng pulos itim nalang ang nakatayo sa dalawa dahil ang ulo ng lalaking nakalaban ay gumulong sa maputik na lupang kinatatayuan ng lahat.
Tapos na
Panalo tayo
Mabuhay ang emporyo ng Dawson
Mabuhay
Sa mga oras na ito alam na kung sino ang nanalo mga sigawang mararamdaman ang saya dahil ito na tapos na ang walang katapusang laban nag tagumpay dahil sa isang namuno sa labanan, makakauwi na sila at magagamot ang mga sugatan.
Mahal na prinsesa Nanalo tayo - decka isa sa malapit sa prinsesa
Makakauwi na tayo - masayang tugon ni troy
Ang unang laban natin ay napanalo natin may ngiti sa labing saad ni Clyne
Magpahinga muna tayo sa kakahuyan at gamutin ang kasamahan nating napuruhan at pag tapos nun makaka uwi na tayo ng emperyo - walang emosyong saad ng prinsesa at nag umpisa ng mag lakad
YOU ARE READING
The Warrior Princess
Teen FictionJane Celestine Dawson A princess born with the strength and courage to fight against those who are ready to harm and destroy the empire ruled by the king