Chapter 39

103 10 1
                                    

Black

I sighed out of frustation when I received another report of monsters trying to invade some of the small villages around my kingdom.

"I want every citizen from the said villages to be evacuated, right at this moment. Give them a temporary housing and attend to their needs. If they have a question regarding their jobs or anything that you think is important, let them have an audience with me."

"Right away, your Majesty." the guard left in an instant, leaving me alone in the throne room.

Umalis si Light para bigyan ako ng maiinom. She knows how stressed I am. Idagdag pa na ilang buwan na sila Sheille sa mundo ng mga tao pero wala pa akong nagagawang hakbang para magkaroon ng progress ang alyansa.

"Here." lumitaw si Light sa harapan ko at kahit na masakit ang ulo ko sa kakaisip ng bagay ay napangiti ako.

"Kamusta naman?" tanong niya and I shook my head. Ininom ko muna ang ginawa niyang inumin para sa akin bago sumagot, "It is like the monsters are developing some kind of intelligence. That or some of the escaped fallens are back and they are controlling them." 

"How's the alliance going?"

"No progress. We're too busy handling these attacks. Hindi na nga natin mabisita ang mga bata. Hindi na rin tayo makagawa ng bata." sabi ko na binulong lang ang mga nahuling salita pero base sa pagtaas ng kilay ni Light ay narinig niya iyon.

"Hindi na sila bata."

"Hindi na nga kaya gumawa na tayo ng bago."

"You're an immortal. Huwag kang magmadali." napapailing niyang saad. Nagtaka naman ako sa sinabi niya and she just gave me that 'are-you-serious' look.

"Nakalimutan mo na may dugo kang bampira?" my mouth formed an 'o' pero nawala rin.

"Why do you assume that we're immortals?"

"It's like that in the movies I watched from Earth." nanonood siya ng mga palabas na mula sa mundo ng mga tao? Sabagay, nagbabasa nga pala si Sheille ng mga libro na mula roon.

"Hindi kami imortal. Mabagal lang kami tumanda." sabi ko. Kung bibigyan din naman ako ng choice, ayokong maging imortal. It will be sad to see everything and everyone around me vanish because of their age.

"Wala naman atang makakapatay sayo kung hindi katandaan. You are too powerful." sabi niya bago kunin ang aking kamay at paglaruan iyon.

"You can." umangat ang tingin niya sa akin.

"I can?" oh wow, is she considering it?

"Kill me. I won't fight back. You can even tell me to end my life and I'll do it for you." nakangiting sabi ko. Hindi ako nakailag nang sinuntok niya ako sa balikat.

"I'm gonna torture you first." pareho kaming natawa. Ilang segundo lamang ang lumipas nang huminto kami at mapatitig sa mata ng isa't isa.

"I love you." she whispered bago pagdikitin ang mga noo namin.

"I love you too." dahan-dahan kong inilapit ang aking labi sa kanya.

"Bla—! Omg, porn!" agad kaming napahiwalay sa isa't isa nang marinig ang boses ni Green.

"What are you talking about, hon?" sabi ni Kent na kararating lang.

"Para namang hindi ka pa nasasanay sa mga salitang lumalabas sa bibig ng asawa mo." natatawang saad ni Yellow na kasabay si Indigo mag-lakad.

"Grabe, makapagsalita ka naman parang hindi normal na salita yung mga sinasabi ko." reklamo ni Green.

"Ang isigaw mo ang salitang iyon na walang kahit anong hiya na nararamdaman, yun ang hindi normal." naiiling na saad ni Violet.

"Hi Black!" bati sa akin ni Blue. I frowned at them, "What are you guys doing here? Aren't you supposed to be handling kingdom stuffs?"

"Kingdom stuffs. What a way to say it." Indigo said before chuckling.

Tumayo kami ni Light mula sa aming mga trono at sinalubong sila. Agad siyang niyakap ng mga reyna habang ako naman ay simpleng nakipagkamay sa mga hari.

Maliban kay Blue na tumakbo papunta sa akin at lumundag pa para yumakap. Hindi pa siya nakuntento at hinalik-halikan pa ako sa pisngi. Parang hindi talaga siya tumanda kung umasta.

"Hey, I didn't receive any kisses from you." pabirong reklamo ni Kent.

"Gusto mo rin ba?" tanong ni Blue at lumapit kay Kent. Buti naman. Ang akala ko kakailanganin ko pang itulak siya papalayo.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ng aking asawa sa mga reyna.

"Sa meeting room tayo." sagot ni Yellow kaya naman pumunta na kaming lahat doon.

Tahimik kaming lahat at parang wala silang balak magsalita kaya naman nagtanong na ako,

"What is so important that you left your own kingdoms?"

"The situation is not getting any better. We have to find out what or who is causing this problem or the citizens will not be able to go back to their old lives." seryosong pahayag ni Violet. Sumang-ayon naman kaming lahat sa kanya pero paano?

Napabuntong-hininga ako, "I'll investigate it myself."

"Hanga ako sayo pero sigurado ka? Maiiwan mong mag-isa si White. Wala pa man din dito ang mga anak niyo." sabi ni Blue. Napahawak ako sa aking sentido at napapikit. Tama siya. Hindi ko dapat iwanan mag-isa si Light.

Idinilat ko ang aking mga mata at seryosong nag-salita, "Fine. I'll arrange the alliance with the humans first. Kapag nakabalik na sila Grae dito, ang mga anak natin ang ipapadala natin."

"Their first mission together, huh?" a sudden flashback entered my mind when Blue said those words.

Bigla namang nagsalita si Blue at inakbayan ako.

"Okay! Guess this will be our first mission together, huh?"

Hindi ko namalayan na napangiti ako. Umiling ako para mawala sa aking isip ang alaala na iyon.

"Okay ka lang?" tanong ni Light.

"Just a déjà vu."

"I like your plan. Pero maiiwan mo pa rin si Light dito kapag pumunta ka ng Human Realm." Kent got a point there but...

"I'll ask my parents to come back and rule for a while. Isasama ko si Light."

"Hindi ko pa rin makakalimutan na basta-basta nila tayong iniwan matapos tayong makoronohan." sabi ni Violet na napasimangot. Blue kissed her cheek at nawala bigla ang simangot nito.

"Hindi pa ba kayo aalis?" 'magalang' kong tanong. Baka kasi may kailangan pa silang gawin sa kani-kanilang palasyo.

"About that, hahatakin namin si White ha? Shopping." nakangiting inosente na sabi ni Yellow. Sabay silang tatlo nila Violet na hinatak ang asawa ko. Hindi ko manlang siya naharangan.

Tinignan ako ni Light. Ngumiti ako sa kanya, "I'll be waiting."

Sa sinabi kong 'yon ay nagtilian ang mga reyna at naglakad na papaalis habang nagkukwentuhan.

Kung hindi paminsan-minsan na tea party ay shopping ang nagiging bonding nila. Wala naman akong irereklamo dahil minsan na lang din sila nagkakasama.

"Ang dami-dami ng damit ni Violet." parang stress na stress na sambit ni Blue. Si Blue pala ang may reklamo.

"We feel you." sabi ni Kent.

"Spar?" alok ko sa mga hari. Sabay-sabay naman silang napangisi, "Ang matalo, manlilibre sa Central Plaza," tumango kaming lahat sa sinabi ni Blue.

Well, this will be fun.

Different Realms: The Alliance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon