Chapter Two

3 2 0
                                    


-x-



Kinabukasan ay chill pa rin because it's still orientation week. We just met our subject teachers. Talked about what to expect about the course, rules & regulation. You know, regular school stuff.


When the bell rang I immediately stood up to fix my things. I also just got my locker key kanina so kakaayos ko lang din ng locker ko.


"Hey." Papunta pa lang ako sa locker pero hinarangan na ko agad ni Charlie.


"Hey?" I sarcastically said. Kaklase ko siya and he's the captain of the basketball team kaya napaka taas ng kumpiyansa sa sarili.


Nilagpasan ko lang din siya. I need to hurry kasi pupuntahan ko pa si Ms. Demenza sa office niya about sa Science Quiz Bee.


Naramdaman ko rin naman na sinundan niya ko but i still didn't mind him. Dali-dali ko lang binuksan locker ko at nilagay na mga gamit ko. Not minding na kung maayos or hindi.


"What do you want?" Padabog kong tanong sakaniya as I closed my locker.


He chuckled. "Chill, babe." I rolled my eyes.


"Can you please hurry up? May gagawin pa ako." I tried to compose myself.


"Are you free on Saturday? Birthday ko. The whole batch is going to be there. If I were you, I won't miss it."


I raised my eyebrows. "I don't know. I'm preparing for a quiz bee next month."


"Hmm okay Ms. Smarty-pants." Inirapan ko lang siya at umalis na ko para pumunta sa office ni Miss.


Nasa kabilang building pa kasi ang teacher's office at second floor pa.



Pagkapasok ko ng B building napatigil ako sa paglalakad when I saw Kiel at the stairs as if he's waiting for me.


Ayoko mag assume so tinaasan ko lang siya ng kilay at umakyat na para lagpasan siya.


Naramdaman ko rin naman na sumunod na rin siya sa akin paakyat kaya di na ko nag salita.


"So are you joining?" I heard him asked. Nauuna kasi ako maglakad sakanya.


"Yup." Tipid kong sagot. "You?" I asked him at lumingon sa kanya.


"I guess?" Sagot lang niya so di ko na siya pinansin pa at mas binilisan nalang ang lakad.


Pag dating sa tapat ng office, I knocked first tsaka ko binuksan ang pinto. "Good afternoon." I greeted the other teachers na andoon at dumiretso sa cubicle ni Ms. Demenza.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SelenelionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon