'Walang forever'.Two words, thirteen letters. Naalala ko pa nung sinabi mo sa'kin 'yan. You were drunk at that time dahil kaka-break nyo lang ng ex-girlfriend mo. Ang sabi mo, walang forever kasi mahal na mahal mo sya pero nagawa ka nyang palitan. Nagawa ka nyang iwan ng basta nalang para sa iba. Alam mo ba kung gaano ako nagalit sa Aleinne na 'yun dahil sinaktan ka nya? Yung lalaking pinapahalagahan ko, niloko nya lang? I was there for you when no one else was. I was there for you the whole time.
Then I fell inlove with you. Yes. I fell inlove with your voice, I fell inlove with your eyes, I fell inlove with your vulnerability, I fell inlove with you even though your heart was broken. Sorry, I can't help it. Pero hindi mo rin naman ako masisi eh. Sino bang babae ang hindi magkakagusto sa'yo? Mabait, gentleman, matalino, varsity ng campus, at maganda ang boses. At isa pa, we shared the same sentiments when it comes to a lot of things. Pareho tayong mahilig magbasa ng books, pareho tayo ng taste sa music, pareho tayong journalist sa school. Now tell me, sino ang hindi magkakagusto sa isang Arell Santiago?
Sobrang saya ko dahil naging parte ako ng Publication. Palagi tuloy kitang nakakasama. Sa tuwing may training sa ibang school, sa contest, sa mga events, palagi tayong magkasama. Palagi mo rin akong tinutulungan sa mga homeworks na hindi ko alam ang sagot. Palagi mo akong sinusundo at hinahatid sa bahay. Halos hindi na nga tayo mapaghiwalay eh. Haha! You're always there for me. Kaya maraming galit sa'kin sa campus natin. Maraming insecure kasi ako lang ang ka-close mong babae sa batch natin. Kasi palagi daw tayong magkasama. Pero wala naman akong pakialam sa sasabihin nila eh. Basta masaya akong kasama ka, okay na okay sa'kin. Kahit siraan pa nila akong lahat, wala akong pakialam basta palagi kang nandyan para sa'kin.
Happiest day of my life? Yun 'yung JS Prom natin. Nag-confess ka sa akin na gusto mo 'kong ligawan. Na special ako sa'yo. That I made you believe forever exist. Tuwang-tuwa ako nun kasi napansin mo rin ako. Finally! I wasn't invisible in the eyes of yours anymore! Na-appreciate mo na pala 'yung mga efforts na ginagawa ko. I told you gusto din kita. Ay mali, mahal na pala kita. That night was really a night to remember. Naging tayo, officially nung araw na 'yun. May 17. Hindi ko na pinatagal ang panliligaw mo. What for? Eh pareho naman nating gusto ang isa't-isa.
Mas lalong nagalit 'yung mga fangirls mo sa'kin nang malaman nila 'yung balitang tayo na. Dumating pa sa puntong binu-bully ako kapag hindi kita kasama. Ni-lock ako sa girls' cr, tinapunan ng juice sa canteen, at sinabihan ng kung ano-anong masasakit na salita. Sorry hindi ko kaagad sinabi sa'yo yun. Hindi ko naman alam na magagalit ka eh. At ayoko lang na mag-alala ka sa'kin. Naalala ko pa nung pinagtanggol mo ako sa kanila. I even remember you said, "Never hurt my girlfriend again.." Lahat ng sakit na dinanas ko, naglaho ng parang bula. Girlfriend... ang sarap palang pakinggan kapag ikaw mismo ang nagsabi. Who would have thought na magiging boyfriend ko ang pinaka sikat at pinaka gwapo sa Angelicum High?
Everything was perfect. Halos lahat ng kakilala natin sinasabing perfect couple tayo. Kulang nalang ang kasal. Haha! Then suddenly, my nightmare showed up. She showed up.
6th monthsary natin ang we agreed to celebrate sa Mall nalang sana. We watched a movie, ate, etc. Tumitingin tayo ng magandang books sa NBS nang biglang may yumakap sa'yo. Nagulat ako like you. At the same time, nasaktan.
You hugged her back.
Then it struck me. Siguro..siguro rebound lang ang tingin mo sa'kin. Kitang-kita naman sa mata mo nung nakita mo sya. May kislap. May kakaiba. Masaya kang kasama ako pero alam kong mas masaya sya kasama sya. But I won't let her hurt you, again.
Unti-unti, nawawalan ka na ng time sa'kin. Ang sabi mo, busy ka sa business na pinapa-handle ng Dad mo sa'yo. Hindi ka rin nagre-reply sa mga texts ko. Naiinis ka na siguro kasi masyado na 'kong clingy girlfriend. Pero sorry, ha? Hindi ko lang naman kasi maiwasang mag-alala. Hindi na nga tayo nagkikita sa school tapos hindi ko pa alam ang nangyayari sa buhay mo.
Then napuno na 'ko. Hindi mo lang alam pero sinundan kita gamit 'yung kotse ni Kuya. You texted me na makikipagkita ka sa mga clients ng kompanya nyo. Maniniwala na sana ako pero what the hell? Bakit si Aleinne ang kasama mo? Of all the people, bakit 'yung ex mo pa na ginago ka ang kasama mong mag lunch? At mukhang hindi naman tungkol sa business ang pinag-uusapan nyo dahil mukhang ang saya-saya nyong dalawa. Pero ako? Ano? I'm crying like hell sa loob ng kotse. Masakit. Masakit kasi minahal mo sya at alam kong wala akong laban sa kanya. Masakit kasi walang kasiguraduhan ang pagmamahal mo sa'kin. I know it's bad to doubt pero 'yun ang pinararamdam mo!
Dumiretso ako sa bar. I need to vent out my feelings. The worst kind of pain? Yun 'yung alam mong wala na pero umaasa ka pa rin na sana meron pa.
Sana.. sana hindi nalang kita nakilala. Sana hindi nalang ako umasa. Pero sana hindi mo rin ako pinaasa. Siguro nga, dahil journalist ka, magaling kang magsulat. Magaling ka ding magpaniwala. Pero baka nakakalimutan mong journalist din ako. Marunong akong magtago ng nararamdaman. Magaling akong magpanggap na okay kahit hindi. Na kahit nasasaktan ako, okay lang. Para sa 'tin.
After few weeks, bigla kang nagpakita sa 'kin. Buti naman at naalala mo pa ko, no? Buti naman at naalala mong may girlfriend ka pa palang nandyan para sa'yo pero iniwan mo sa ere. Pero sa ilang weeks na nagdaan, maraming pwedeng mangyari. Maraming pwedeng magbago. At maraming nagbago--katulad ng feelings mo sa'kin. Dati, kapag nakikita mo ko, may kakaiba sa kislap ng mga mata mo. May kakaiba sa ngiti mo. But now? You seem so cold. Na parang hindi mo ako kilala. Pero alam ko naman ang dahilan eh. Dahil sa ex mo. Dahil kay Aleinne na walang ginawa kundi saktan ka. Dahil sa kanya kaya unti-unti kang nawawala sa'kin. Pero isang tanong lang, BAKIT?
"Ayoko na. Sorry I fall out of love. Let's end this. Again, I'm so sorry, Nereid." After what I have done for you, sasaktan mo lang ako? Sa sobrang daming babae ang desrving na masaktan, bakit ako pa? Sana naisip ko 'to nung una palang. Na pwedeng-pwede mo 'kong iwan para sa babaeng mahal mo talaga. Edi sana, nagtira ako ng konting pagmamahal para sa sarili ko. Sana hindi ko inubos ang lahat para sa'yo.
"I gave you everything! And I'm aware that it is more than enough. Shit naman! Bakit, Arell? Bakit ako pa?" I was crying really hard. Pero ano? Natiis mo 'kong tingnang umiyak at wala ka man lang ginawa! Nasasaktan ako! Pero wala din akong magawa.
To the guy who almost caught me when my world started to fall apart. Akala ko.. akala ko ikaw 'yung taong hindi ako iiwan. Akala ko ikaw 'yung magpapatunay sa 'kin ng salitang forever.
Bibitaw ka 'rin pala.
At oo nga pala, 3 days ago, nakita ko ang Twitter update mo kasama sya. At may caption pag nakalagay: 'This time it's gonna be forever."
Gago. Two words, thirteen letters. Walang forever.
End <3