paunang pahina

7 1 0
                                    

"Aalis ka na?"  Mabigat niyang tanong sa akin habang nakayuko. Katatapos lang ng graduation namin at maya maya ay aalis na din ako.

"Oo,siguro mamayang alas dose?,bakit ah mamimis mo ako no?" Pagsagot ko gamit ang masihaying at pabiro kong boses kahit iba ang nararamdaman ko ,ramdam kong unti unti na akong nadudurog at bumibigay hindi na kaya ng puso ko ang emosyon .

"Syempre naman mamimiss kita sobrang sobra" nakangiti niyang sabi noong maiisipanniya ako harapin  na kanina lamang ay nakayuko,ngunit di nagtagal  ay yumuko nalang uli siya at nag simulang humikbi ng tahimik na di nakatakas sa aking pandinig dahilan upang mas lalong akong madurog.

"Ako ang dahilan ng pag iyak niya,pina iiyak ko siya"paulit ulit kong naririnig sa aking isipan habang patuloy na sinisisi ang sarili ko sa pag iyak niya

"Huy ,ano ka ba parang tanga ilang taon lang ako doon babalik din ako, babalik din ako sayo"  biro ko sakaniya para naman kahit papaano mapagaan ko yung atmosphere sa pagitan namin

Ngunit di ata kinaya ng sarili ko at tuluyan ng bumigay at umiyak sa harapan niya dahilan upang hilaiin niya ako at yakapin na lalong nag paiyak sa akin,ramdam ko ang kanyang pagtibok ng puso at ang mga mahihinag niyang iyak habamg kayakap namin ang isat isa napaisip ako nararamdaman niya din kaya ang pagtibok ng puso ko?

Ninanamnam ko ang bawat segundong lumilipas dahil di ko alam kung kailan ko uli ito mararanasanbaka kasi ito na ang maging huli,huling yakap,usap,pagiyak,at ang pagkikita namin.

Hindi ko gamay ang kapalaran namin hindi ko tanstya kung kelan ko uli ito mararanasan madami na kaming napag daanan at ito ang pinaka malaki at baka ang huli na din.

Pakiramdam ko di ko kakayanin, ang bigat bigat sa looban ko para akong sinasaksak at inunti unting pinapatay sa loob ko habang iniisip lahat ng nangyari at pwedeng mangyari.

"Good evening Ophie the plane will take off within minutes later, fix yourself or you want me to help you and then after I'll just go get our luggage!" Tila hinila ako bigla sa realidad ng marinig ko  boses ng aking manager na si Blaire  habang nakatayo sa aking harapan na naka ayos na at ready na uli mag trabaho walang katapusang pag tratrabaho

"Yes, Blaire ako na bahala" maikling tugon ko sakaniya na binigyan din lang ako ng ngiti at tinanguan bilang sagot.

Dahil wala na din naman akong ginagawa for the past hour simula ng nakatungtong ako sa eroplano na ito sinimulan ko na din ayusin ang mga nakalabas na gamit ko.

Habang inaayos ko gamit ko hindi ko talaga maiwasan ang tadhana dahil saktong nahulog ang kahuli huliang litrato naming dalawa sa aking lumang bag tila hindi ako makahinga at nilamig bigla habang pinupulot ang litrato namin.

Hindi ko ata nalinis ang bag na to, simula ng dumating ako sa states dahil sa pagkabusy ko mga 3 years na din hindi to nagalaw, sa pagisip isip ko habang nagtataka kung bakit meron pa din ako nito

Hindi ko pa ata kaya, hindi ko parin ata kaya kahit taon na ang lumipas.

                                          ****
°~°

My Safe Haven Where stories live. Discover now