"Girl, paki-hagis yung glue saglit, nandyan lang sa ilalim. Ayan, thanks, J!" I gave Jaimie a smile.
"Rielle! Sabi ni Louwe papunta pa lang daw sila. Medyo traffic ata, rush hour e." Sigaw ni Clea mula sa kusina para marinig ko.
Nagluluto kasi siya ng carbonara, habang kami naman ni Jaimie ay busy sa pag aayos ng decorations. Konti nalang at matatapos na rin namin 'to.
"Okay na siguro 'yan, girl. Sobrang effort na nito." Sabi ni Jaimie habang tinitignan ang kakatapos lang namin na banner. Nailagay na rin namin.
Congratulations, Terrence!
Soon to be Architect Lopez,
We're proud of you.Napangiti ako habang tinitignan ginawa naming banner na naka calligraphy pa. Sayang naman ang skills kung hindi magagamit, di 'ba? Ayos na nga siguro 'to.
Tinignan ko ulit ang kabuuan ng nagawa namin. Magustuhan sana 'to ni Terrence. He's always been so hardworking, deserve niya ito.
"Effort nga ni Riri. Jowa ka, teh?" Biglang sulpot naman si Clea sa may dining area para ilapag ang bagong lutong carbonara.
Lumapit siya sa 'min para makita ng malapitan.
"Hindi pa sa ngayon." I told her and giggled.
"Hay nako, Riri." Iiling iling na sabi ni Jaimie.
"Ay teka pala, yung mga balloons lagay na natin." Dumaretso ako sa kwarto para kunin yung mga lobo na ni-ready namin kanina.
"Alam mo buti nalang talaga at sinusuportahan ka pa namin ni Jaimie sa kagagahan mo." Pagpapatuloy ni Clea.
Tinulungan nila ako sa pagkakabit ng mga balloons.
"Pagbigyan niyo na 'ko, Cleng. Palibhasa kasi may Louwe kana."
"Palagi ka naman naming pinagbibigyan, Riri. Pero ikaw, Clea, ikaw ang may pinakamakulay na lovelife sa 'tin, girl." Gatong naman ni Jaimie.
"Pwede ba, Jaimie, alam ko namang mas makulay ang buhay mo sa mga boylets mo." Ganti naman ni Clea.
Napairap na lang si Jaimie, "Kaya ayokong magsalita e." Pagsuko nito.
Sabay sabay naman kaming nagtawanan.
Mag aalas siete na pero hindi pa nakakarating sina Terrence. Kaming tatlo naman ay nanuod lang muna sa netflix pampatay ng oras. Tutal naman, wala na kaming gagawin dahil ready na lahat.
"Nasa may rotonda na daw sila, Riri." Pag iinform ni Clea habang nakatingin lang sa cellphone.
Ilang minuto pa ay nakarinig na kami ng mga hakbang mula sa labas ng condo ko, nagsi senyasan naman kami sa isa't isa na walang mag iingay. Nakapatay ang ilaw sa loob at hinihintay lang namin na buksan nila ang pinto at sindihan ang ilaw.
"CONGRATULATIONS!!!"
Sabay sabay kaming bumati at pinaputok ang maliliit na party poppers.
Agad pinuntahan ni Louwe si Clea para batiin ng halik sa noo.
Naka ngiti naman si Terrence habang pinagmamasdan ang setup na ginawa namin para sa surprise mini-party niya.
'Pwede mo naman akong halikan rin sa noo, ayaw mo?'
"Salamat." Simpleng sabi niya na hindi ko mawari kung hindi ba niya nagustuhan o nahihiya lang siya. I'd consider the latter nalang.
Terrence will always be Terrence. Hindi siya expressive pero I know him more than anyone, and I know na naappreciate niya ang mga simpleng bagay katulad nito.
BINABASA MO ANG
Beyond The Horizons
Teen Fiction7 billion hearts in the world, and with the twist of fate, Rielle fell for the one that beats for another. Even after Terrence rejected her, she still believes that they're made for each other, romanticizing their hopeless unrequited love story. One...