Chapter 1

30 3 0
                                    


"Ano ba 'to kulang nanaman ako ng pangbayad!" Naiiyak na sabi ko. Kahit anong part-time ko kulang parin ang pambayad ko sa apartment kung saan ako tumutuloy.

Halos ma-stress ako kakaisip kung saan kukuha ng pera. Kulang pa kasi ako ng mahigit limang daan para pambayad ng upa.

Napahilamos ko sa mukha ko ng muli ko'ng bilangin ang pera at talagang kulang ng limang daan. Bayaran na namin bukas, saan naman ako makakahanap ng limang daan sa loob ng isang araw?

"Dale, buksan mo ang pintuan!" Kumatok mula sa labas ng pinto ko ang landlady ng inuupahan ko'ng apartment.

Agad namang bumilis ng tibog ng puso ko dahil sa kaba at baka masigawan nanaman ako, nakakarindi pa naman sa tenga ang boses ng babaeng 'yun.

"Sandali po!" Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Aling Liza, napatingin naman ako sa likod niya ng makitang may kasama itong lalaki.

"Bakit po?" Tanong ko. Ngumiti ako sa lalaki at muling tinignan si Aling Liza.

"Itong lalaki 'to! Naghahanap ng mauupahan, naisip ko na ikaw lang mag-isa dito kaya dito muna siya." Sabi niya. Tumingin ulit ako sa lalaki na nakangisi.

"Po? Pero hindi pa nga po ako nakakapagbayad e," sabi ko. Ngumiti si Aling Liza na siyang ipinagtaka ko.

Bakit ang saya ng babaeng ito?

"Naku, 'wag kana muna magbayad, sa susunod nalang na buwan, basta pumayag ka." Napangiti ako sa sinabi niya. Sa wakas.

Tumingin ako sa lalaki at nakita ko na may bitbit itong mga bag at ilang gamit niya. Malaki naman ang apartment kaya siguro kasiya kami.

"Sige po, hindi niyo agad sinabi." Tinawanan ako ni Aling Liza at hinawakan ang balikat ko.

"Sige mauna na ako." Umalis si Aling Liza at naiwan kami ng bago ko'ng kasama.

In fairness gwapo ah, maputi at makinis ang balat nito, matangakad pero walang abs, sakto lang ang katawan niya.

"Pasok ka." Tinulungan ko siya sa mga gamit na dala niya.

Teka, bakit ang bigat naman at lahat ng dala niya, baka naman magnanak siya.

"Sorry mabigat."

Kinuha niya ang bag na bitbit ko ng mapansin na nabibigatan ako. Ngumitii lang ako sa kaniya bago umiling.

"Ayus lang…" Magalang na sabi ko.

Pagkatapos niya ipasok ang gamit niya ay agad itong umupo sa sofa na parang hindi siya baguhan dito.

Napangiwi ako sa kinilos nito, kinuha at kinain pa niya ang pizza na binigay sa'kin ni Kuya Connor kanina.

"Bakit, parang pambabae naman ang amoy ng kwarto? Nakaka bakla?" Sabi niya. Kumamot ito ng ilong niya dahil sa amoy na parang ayaw niya.

Sorry nalang siya, dahil may kasama siyang bakla sa bahay at paborito ko ang sweet na amoy.

"Kung ayaw mo ng amoy umalis ka!" Inirapan ko ito dahil sa kaartehan niya.

Problemado na nga ako sa pera dadagdag pa siya. Baka naman maging palamunin siya dito.

"Hindi pwede pumayag ka na."

Pirmi itong nakaupo sa sofa at nakataas pa ang paa sa maliit na lamesa katapat n'on. Feeling kaniyang bahay.

"Ayoko sa palamunin ah… magbayad ka ng upa hati tayo, papalayasin kita dito kapag hindi ka nakapag bayad."

Tumango ito sa sinabi ko. Ngayon naman ay binuksan niya ang piatos na dapat mamaya ko pa kakainin.

"Ano ba! Akin iyan bakit mo kinakain?" Inis ko itong kinuha sa kamay niya bago itupi at ibalik muli sa lalagyanan.

"Ang damot mo naman, pagkain lang naman 'yun." Iling na sabi nito. Dumiretso siya sa bag niya at may kinuha ditong isang box ng chocolate.

"Sayang bibigyan sana kita nito, kaso madamot ka?" Mapangakin na sabi niya habang winawagayway ang box ng chocolate sa harap ko.

Napalunok ako dahil sa nakita ko. Mamahalin ang chocolate na hawak niya at parang gusto ko'ng makakain ng isa.

Pinigilan ko ang sarili sa tuksan at umiwas ng tingin sa chocolate na hawak niya.

"Ano pake ko sa chocolate mo? Kaya ko 'din bumili niya." Pagyayabang ko. Tumawa ito saglit bago bumalik sa sofa.

"Aray!"

Napahawak ako sa tuhod ko ng hindi sinasadyang matisod ako sa maletang nagkalat sa sahig.

"Hoy! Ayusin mo na nga ang gamit mo, nakakalat lang dito." Binato ko sa kaniya ang nahawakan ko'ng shampoo na dala niya.

"Aray puta naman!" Iritang sabi nito habang hinihimas ang ulo niya na natamaan ng shampoo.

"Ligpitin mo kasi 'yan!" Tinaasan ko ito ng kilay.

Tumayo na siya at kinuha ang mga maleta niya, binuksan niya ang kwarto kung saan ako natutulog at inihagis ang maleta sa kama ko.

"Hoy, kwarto ko 'yun bakit doon mo tinapon." Lumapit ako sa kaniya at sinamaan ng tingin. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang maleta niya, tinapon ko ito sa labas ng kwarto bago ko isara ang pinto.

"Tang ina! Hoy, ibalik mo d'yan yung maleta ko!" Sigaw nito mula sa labas ng pinto. Hindi ko siya pinansin hanggang sa wala na akong marinig.

Bakit naman kasi ang yabang ng kasama ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at binuksan ang pinto. Nakita ko ito na nakaupo ulit sa sofa habang nanonood.

"Aray!" Sa pangalawang pagkakataon ay natalisod nanaman ako sa maletang nakaharang sa pinto ko.

Tumayo ako at pumunta sa harap ng lalaki upang harangan siya sa panonood.

"Umalis ka nga, nanonood ako!" Irita niyang hinawakan ang bewang ko parang iusog sa gilid niya. Bumalik ako sa harap niya at hinarangan ulit siya.

"Ayusin mo ang gamit mo!" Madiing sabi ko at tinuro-turo pa ang gamit niyang nagkalat.

"Ayoko ng makalat na kasama." Dugtong ko pa. Irita itong tumingin sa'kin bago tumayo.

Napatingila naman ako dahil sa tangkad niya, pero hindi ako natinag sa pakikipagtitigan sa kaniya.

"Umalis ka!" Madiing sabi nito sa'kin. Umiling lang ako at hindi umalis sa kinatatayuan.

Tumango-tango ito habang nakangiwi ang labi niya.

"Ayaw mo talaga?" Umiling lang ako sa sinabi niya.

Muli itong tumango pero may halong inis na sa mukha nito.

Ngumiti ito sa'kin pagtapos niyang tumango at laking gulat ko ng buhatin niya ako na parang isang sako ng bigas at naglakad papunta sa kwarto.

"Teka, anong gagawin mo?"

Pumatong ito sa'kin at hinalikan ang leeg ko. Ramdam ko ang init ng labi nito habang hinahalikan ako na may kasama pa'ng dila at pagsipsip dito dahilan para makaramdam ako ng kiliti at pagtaas ng balahibo ko sa batok.

"B-bastos!" Sinampal ko ito ng ubod ng lakas dahilan para umalis siya sa harap ko at mahulog sa sahig.

Agad naman akong pumatong dito at pinagsasampal ang dalawang pisngi niya ng ubod ng lakas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY PERVERT ROOMMATE (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon