Chapter 2

5.5K 106 8
                                    

Cait

My agent texted me and persuaded me to audition for a tv commercial ng isang pizza company. Gaganapin kasi ang audition sa isang mall sa Makati. First time kong gagawin ito kaya kinakabahan ako.

Marami rin ang pumunta para mag audition. Pero ilan lang kaming kukunin.

Matapos ang nakakakabang audition. I finally got the opportunity. Walang pagsidlan ang tuwa na nararamdaman ko.

Nagpasa na rin ako ng resignation sa HR ng Unitel. Wala akong pagsisisihan sa nabuo kong desisyon, dahil may pumalit naman na mas magandang opportunity para sakin.

Isa pa, mahihirapan din ako dahil pwede parin akong malipat sa graveyard shift at ayoko ng maulit yung nangyari sakin.

...

Kasalukuyan kaming nasa student park nina Jess at Macey. Tumatambay lang, kasi vacant naman namin ngayon.

"So you're a part-time model now? Nakakainggit naman." sabi ni Jessica na bakas ang tuwa para sakin. At ang sabi pa niya ay bagay naman daw akong maging model.

"Yeah. Pero nag-uumpisa palang naman ako."

Hindi ko akalain na may pag-asa pala akong maging model. Mababa kasi talaga ang confidence level ko. Kaya naninibago ako sa career na tinatahak ko.

"Congrats bes! Deserve mo yan. Saka ang ganda-ganda mo kaya. Bagay na bagay sayo maging model." Nakangiting sabi ni Macey.

Kaming tatlo nina Jess ang laging magkakasama sa school. Sila yung mga closest friend ko dito sa University.

"Thanks Macey. Napakabolera mo talaga."Sabay tawa ko ng mahina.

"Libre mo kami ha, kahit kwek kwek lang." Biro ni Jess.

Kahit naman may kaya sila eh hindi sila maarte at sosyalera. Mahilig din silang kumain ng tusok-tusok sa kanto.

"Sige ba. Gusto mo samahan mo pa ng atay ng baboy eh." ani ko.

Favorite ni Macey yun na naging favorite ko narin ng masubukan kong tikman lalo na pagmaanghang ang sawsawan.

Nagtext sakin yung agent ko at pinapapunta niya naman ako ngayon sa casting ng isang major denim brand.

Mabait yung agent ko at medyo kaclose ko na yung beki na yun. Nagbibigay din siya sakin ng tips at advice para makuha ako sa bawat casting na pupuntahan ko.

Marami narin akong offer na nakuha at magiging abala ako sa mga susunod na araw sa mga photoshoots at tv commercials.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ko sa screen yung pangalan ng beki na agent ko.

"Hello." Malamang tungkol sa darating na photoshoots at casting ang sadya niya kaya siya napatawag.

"Hi Cait. Bukas na yung photoshoot mo sa starlight magazine. 9 am yun. Magpalate ka ha para mapektusan kita." aniya.

Masyado kasi yung perfectionist pagdating sa trabaho. Gusto niya dapat professional. Eh minsan nga dumadating ako ng napakaaaga sa isang photoshoot tapos antagal ko ding naghihintay bago magsimula. Hindi parin naman nawawala yung pagka Filipino time ng iba.

Pero okay naman si Paola, este Paolo sa umaga. Paolo talaga ang pangalan niya. Ang malantod na bakla na madaming fafa.

"I know Mamshie! Thanks for reminding me." Nakangiting sabi ko sakanya sakabilang linya.

"Basta alam mo na ang dapat gawin. Be confident and just relax, okay." Lagi niya akong pinapaalalahanan ng mga dapat kong gawin. Alam niya rin kasing napakamahiyain kong tao.

"Okay Mamshie, don't worry kering keri ko yun."

Naging abala ako sa mga photoshoots ng mga magazine, clothing brand, print ads at tv commercial.

Bumubuhos ang mga natatanggap kong blessings. Saka sinusuyo din ako ng isang mens magazine pero hindi ko pa tinatanggap ang offer. Hindi ko pa kayang magsuot ng masyadong revealing na damit. Hindi pa din ako handang maging daring.

Ang pinaka latest gig ko naman ay yung sa isang kilalang beauty company sa bansa. Hindi pa lang nagsisimula ang photoshoot kasi di pa ko nakapirma ng kontrata. Kailangan ko pang pumunta sa mismong office nila.

...

Pupunta ako ngayon sa office ng Beauty Maven International Cosmetics. I need to personally go there and officially sign a contract and be their exclusive model. Sumakay na ako ng taxi papunta sa address na ibinigay sakin ng agent ko.

I kinda feel nervous as I'm walking near the elevator of the building. Pero pinapalakas ko ang loob ko para sa kinabukasan ko.

Natutulungan ko narin ngayon ang pamilya ko back there in Olongapo. Nag-aaral pa kasi ang dalawa kong kapatid na babae. And because of my modelling career I have my own savings now.

Nasa pintuan na ako ng office ng CEO. Hindi parin nabawasan ang kaba ko. Napapasobra na ata ako sa pag-inom ng kape. Adik kasi ako sa kape. Saka bago palang din naman akong maituturing sa modelling industry, kaya may kaba parin akong nararamdaman.

The beautiful secretary assisted me before I entered the CEO's office.

I'm wearing a white formal sando blouse and black fitted formal mini skirt. Nalantad tuloy ang aking makinis at mahabang legs. I'm also wearing a red high heels shoes.

Pagpasok ko ay nakita ko ang isang lalaki sa loob ng malawak niyang opisina.

The man was sitting in his executive swivel chair. He's wearing a white longsleeves, nakatupi ito hanggang siko. Bukas ang ilang butones nito. Black fitted slacks and gucci loafers shoes. At mamahaling relo sa kaliwang pulso niya. His wearing a luxury brand na nakadagdag sa appeal nito.

I suddenly recognized his face. Kaya napatigagal ako ng makita ko ang mukha niya ng umangat ito.

He's the man I asked for helped 6 months ago. Does he remember me too?

He's busy with the paper works right now. He doesn't seem to bother facing me, dahil abala siya sa kanyang ginagawa.

Nag aalangan tuloy akong lapitan siya. Tumikhim ako dahil hindi siya natitinag sa ginagawa niya. Saka lang niya ako nilingon ng marinig niya akong magsalita.

"Good morning Sir. I'm Caitlyn Nicole Lopez. Your company's exclusive model." I greeted him first to catch his attention.

Napaawang ng bahagya ang kanyang mga labi. At bigla ring binawi ang tingin niya sakin.

"Have a seat Ms. Lopez." Wala siyang imik habang nakaupo ako sa silyang nasa harapan niya.

"Here's your 2 year exclusive contract in our company." he said.

Kinuha ko ang inabot niyang contract at binasa ang nakasulat doon bago ko pirmahan.

"Thank you." ani ko. Tumango lang siya. Wala siyang imik at di nag-abalang kumustahin ako.

O sadyang nakalimutan niya na ko?

Bigla akong nalungkot sa isiping nakalimutan niya na nga ako.

Sabagay, sino ba naman ako? I'm just an ordinary girl. Langit siya, lupa ako. After that incident hindi naman ako nag abalang kontakin siya para mapasalamatan muli.

Nawala kasi yung business card na nakita ko sa bulsa ng leather jacket na sinuot niya sakin dati. Pero yung jacket na yun ay tinabi ko pa rin. Para kung sakaling makita ko siya ay maisauli ko yun sakanya.

Malungkot akong naglakad palabas ng kanyang opisina.

Pagkarating na pagkarating ko sa tunutuluyan kong apartment ay sumalampak na ko ng higa sa kama.

Napatingin ako sa kisame habang nag-iisip. Nakikita ko parin sa utak ko ang itsura ng lalaki kanina.

Napakagwapo niya! Mala Pietro Boselli ang hitsura. Sobrang hot!

Napabuntong hininga nalang ko.

Ano ba Cait! Gumising ka nga lumalandi ka nanaman! Saway ko sa sarili ko.

Hot Badass CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon