"Anak, gising na malelate ka na."
June 1, 2009. Kabado ako. Lalo na first day of school ko. Ako nga pala si Selynne De Castro. First year high school. Lutang ako dahil hindi ko alam ano mangyayari sakin lalo na bago at malaking school ang papasukan ko. The worst part is, hindi ko kasama sa section ko yung 2 bestfriends ko nung elementary.
Bumangon ako after ako gisingin ng mama ko.
"Anak, good luck ha."
"Bakit, ma? Kinakabahan naman ako sa mga sinasabi mo."
"Wala lang, anak. High school ka na. Nakakatuwa lang."
Napangiti nalang ako sa mama ko pagtapos nya sabihin yun. Naligo ako, nagbihis, kumain, at nag-ayos. Habang papalabas ako ng bahay, lalo akong kinakabahan. Di ko talaga alam saan ako pupulutin ngayon dahil wala talaga akong kilala sa section ko. O_o
"Dalian mo naman. Baka ma-late ka pa."
"Oo eto na! Chineck ko lang gamit ko, baka may naiwan ako. Tara na."
Si Kuya ang naghatid sakin. At eto na, malapit na kami sa school. Hutaena, ang bilis lalo ng kabog ng dibdib ko! Konting pag-ddrive nalang, at eto na nga! Bumaba na ako ng kotse. Nakita ko mga studyante di magkanda-mayaw sa loob sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nila. Mukha akong tae sa gilid. Walang kausap, as in kahiya ever talaga. Huhu! Nasan na ba kasi si Gracy at Liz. Naghintay ako pero wala talaga sila. Hanggang sa may nag-announce na pumunta muna kami sa multi-purpose hall para sa short orientation and announcement. Pumila daw by section so dun ako sa lane ng I-Hope since that's my section. Wala talaga akong kilala so kunwari nagtetext nalang ako para magmukhang may pinagkakaabalahan.
Natapos ang orientation at pinaakyat na kami sa aming rooms. Alam mo yung nakakahiya? Naka-civilian ako sa kadahilanang di pa tapos tahiin uniform ko. Anjahe! At yun nga, nasa loob na kami ng room. Pakilala daw isa-isa oh. Shit! Sobrang nakakahiya.
Makalipas ang ilang minuto, may kumausap na sakin.
"Hi. Anong pangalan mo? Ako nga pala si Faith."
"Selynne."
"Ayun. Ang tahimik mo naman. Wala ka bang kilala dito?"
"Meron, kaso ibang section sila e. Ikaw?"
"Meron. Uy! Ishie, Yna, Kat, Joy, kausapin nyo naman si Selynne. Wala syang kilala dito sa section natin. Let's keep her company."
"Hello, Selynne! Ako nga pala si Ishie."
"Ako naman si Kat at si Joy naman tong tulog na katabi ko."
Natahimik sila. Isa nalang ang di pa nagpapakilala, yung babae na katabi ni Joy, si Yna. Biglang salita si Faith...
"Yna, di ka ba magpapakilala?"
"Binanggit mo na pangalan ko. Sigurado akong narinig naman ng kaibigan mo yun."
"Sungit naman nito! Hayaan mo yan, Selynne. Meron ata yan e."
"Okay lang."
Smile nalang ako. Nabigla ako dahil di ko expected na magsusungit sya agad. Parang ramdam ko agad na di ko sya mkaka-get along.
Break time na. 1 hour to kaya magagawa ko lahat ng kailangan. Kumain, mag-ayos. Homework cramming? Hindi pa sa ngayon. First day palang! =))
"May nakita ka na bang cute?"
"Nyee. Wala pa yan sa isip ko ngayon, Faith."
Cute boys? Pweee! Wag na muna. Ayoko din muna kasi magkaron ng bago after namin ni Christian. Yep, si Christian ang first boyfriend ko. Wala na akong feelings for him pero minsan nakakamiss sya. WE ARE IN THE SAME SCHOOL. Ang saya noh? Classmate sya ni Gracy, kaya malamang malalaman ko lahat tungkol sa kanya.