Chapter One

5 0 0
                                    

Ash's P.O.V.

"Ash, gising na." anubayan ang aga pa ah. "Wait lang, 5 minutes." sabi ko sabay talikod "Puro five minutes! Bangon na! First day of school palang tinatamad ka na!" Nako patay "Opo, eto na po." Agad akong tumayo at nagpuntang banyo. Naligo ako tapos nagbihis. First day of schooool. Nakakatamad gumising ng maaga.

Pagka-dating ko sa kitchen nakita ko agad yung kapatid kong pintasero. "Ashley, mawawalan ka na ng ulam, inubos na ni Aaron." "Oo na, dad. Ayoko naman talaga kumain eh." Pagkatapos kong ubusin yung isang hotdog na kinain ko. Lumabas na agad ako at tumawag ng tricycle. Kinuha ko yung phone ko sa bag tinext si Jamie.

To: Best Jamie Panget 

Andyan ka na?

*1 message received*

From: Best Jamie Panget 

Oo. Medyo kanina pa.

Pag-baba ko ng trycicle agad kong nakasalubong si Jamie. "Hoy, ba't ka maaga?!" sabi niya sabay irap "Pake mo ba?!" sabay tulak siya "HAHAHAHA!" Ganyan kami, nagaaway-awayan

"Uy, alam mo ba may ang daming bagong student, pati ang daming bagong gwapo!" Sabi niya sabay hampas saakin

"Luh, baliw. Aral muna bago lande." "Man hater ka talaga noh? Kaya akala nila tomboy ka eh." Sabi niya sabay turo dun sa lalaki "Uy tignan mo ang gwapo niyaaaa, sana classmate natin siya... SHET OO NGA! YIEEEE! Pumasok siya sa room natin!" Sabi niya sabay kurot saakin, oo, ang dami ko nang sugat at pasa.

"Ampanget naman."

"Alam mo puro ka panget."

"Alam ko. Pumasok ka na nga sa room!" Sabi ko

Nakita ko yung lalaki nag-wink saakin. EWWWW. Pero tama si Jamie, gwapo nga ng ONTI. ONTI lang.

"Umm, hi miss. I'm Nash. I'm new here." Nyeta english-english pa ah.

"Leche. Ano namang pake namin kung bago ka dito?" "Ang sungit mo. Nakikipagkilala lang." Ansabe? "Wala akong pake." Tuhrayy kooo. "Ang sungit mo. Ganyan ba tinuturo dito? Maging masungit sa mga bagong students?" Sabi niya? Tae siya ah. First day of school badtrip na agad ako. -,-

"Ok class. Open your book on page 6." Ay shet andyan na pala yung teacher.

Pagkatapos ng mga ibang subjects nag-lunch na kami ni Jamie.

"Uy, Jamie, di mo na ako hinintay pumila." "Bagal mo kasi eh, pumila ka mag-isa." Ako pa talaga sinisi ah.

Pumila na ako at bumili ng makakain, nung pagka-kita ko sa table namin kausap ni Jamie yung lalaking panget na nakalimutan ko nanaman yung pangalan. "Hoy, bat ka nandito?"

"Hindi hoy yung pangalan ko, ako si Kristofer Nash Bautista."

"Bakit ka nga andito?"

"Bakit? Masama makipagkaibigan?"

"May sinabi ako?"

"Wala."

"Yun naman pala eh." Bigla siyang tumawa, "Luh, ang weird mo, bigla na lang tumatawa." "Hahahaha! Ang cute mo kasi magalit!" Sabi niya habang tumatawa.

"Kumain ka na nga, Ash." "Oo na! Epal ka si yung isa diyan."

"Ako, epal?!" Sigaw ni Nash, "May sinabi akong ikaw yun?" "Hay nako Nash, wag mo na pansinin si Ash, war freak talaga yan."

Umupo na ako at kumain ng tahimik. Pagkatapos kumain dumiretso na ako sa room kung saan magka-klase. Pagkatapos ng tatlong subjects, sa wakaaaaas, uwian na din! Inintay ko si Jamie sa labas ng school, sabay daw kami uuwi eh.

"Ash!" Ay eto na pala siya. "Oh. Tara na." Tumawag kami ng trycicle pauwi.

Nash's P.O.V.

Hayyyyy. Thank God. Uwian na din!

Pagkalingon ko sa may labas ng gate nakita ko sila Ashley at Jamie.

Epal yung Ash na yun. Unang araw ko pa lang ang bitter na niya sakin. Pero ang cute niya ah. Ang sarap asarin. Haha! Bakit kaya ang sungit nun. Ang swerte niya kaya. Ako pa yung nagpakilala sa kanya, samantalang yung mga ibang babae nagkakandarapa pag nakita ako eh. Ako na nga yung nagpakilala ako pa yung nasabihan ng 'leche'.

Tagal ng sundo ko ah. *beep beep* ay andyan na pala. Pagkadating sa bahay tinulungan ko sila mag buhat ng mga gamit. Kakalipat lang kasi namin dito kagabi.

Ang iniiiit! Alisin ko nga muna uniform ko. Umakyat ako sa kwarto ko at hinubad yung uniform ko nag-shorts lang ako, ayoko mag-shirt, ang init, tsaka baka maraming chicks na dumaan at makita tong 6 packs ko.

Bumaba ako at tumulong ulit. Pagkalingon ko nakita ko may babae na naka-uniform na parang sa bago kong school bumaba ng trycicle. SI ASHLEY BA YUN?! TAE, OO NGA. 

"ASHLEEEEEY!!" Pagka-lingon niya, nagulat siya. Shet, sirtless nga pala ako haha! Napatitig tuloy siya. Tapos inarapan ako. Ang liit talaga ng mundo, akalain mo, diyan lang pala siya sa tapat ng bahay namin. Dito pa siya sa subdivision namin.

Ash's P.O.V.

"Para po! Bye ashley!" Bumaba na si Jamie bago pa ko pumasok sa subdivision kung nasan ang bahay namin. "Bye Jam!"

Pagka-dating ko sa bahay bumaba na ako ng trycicle at nag-bayad.

"ASHLEEEEEY!!" Sino yun? Pag-kalingon ko nagulat ako kasi nakita ko si. Nash. Shirt. Less. Pagka-tingin ko sa mukha niya, tuwang tuwa siya na nakita ko yung 6 pack abs niya. Inirapan ko nga. Parang di naman abs, ribs ata yun eh.

Pero ang laki ng bahay nila ah. Sila pala yung bagong lipat na pinaguusapan ng mga classmate ko na nakatira din dito. First day niya pa lang sa school namin ang dami ng nagkakandarapa sa kanya. Ka di ri.

Pumasok na ako sa bahay at pumunta sa kwarto ko. Nag-bihis muna ako, biglang may kumatok sa pintuan. *knock knock* "Sino yan?" "Ateeeee! May naghahanap sayong lalaki sa baba. Siguro Boypren mo yun?" Baka si Nash yun.. "Ha? Wala akong boyfriend! Sino yun?"

Binuksan ko yung pintuan nakita ko si Aaron. "Nash daw pangalan." "Ha? Osigesige." Bumababa ako at pagkalabas ko ng gate namin nakita ko si Nash.

"Hi, Ashley!" Eto nanaman tayoooooo "Anung ginagawa mo dito?" "I-tour mo naman ako dito sa subdivision please?"

"AYOKO NGA!!"

"Pleaseeee.."

"No."

"Pleaaaaaseeeeee."

"Sabi ng ayoko eh!"

"Please." Bigla niya akong hinila palabas ng gate.

"Ano baaaa!" Sabi ko sabay hampas sa mukha niya.

"Nak, samahan mo na si Nash." Huh?! "Ma, kilala mo si Nash?" "Oo naman. Bestfriend ko ang nanay niyan." Pagka tingin ko kay Nash gulat na gulat din siya. "Di mo din alam?!" Tanung ko sa kanya. "Hindi eh.." Tapos bigla siyang sumigaw "Thank you po! Pahiram po muna ng anak niyo ah!"

Sinarado na niya yung gate, "Teka teka! Saan tayo pupunta?"

"I-tour mo nga ako eh."

"Hindi mo din alam na magka-kilala nanay ko tsaka nanay mo?" Sabi ko kay Nash. "Hindi eh, kaya pala gustong-gusto ni mama dito, kahit ang dami naman naming bahay na mas maganda dito. Dito pa rin niya gusto tumira. Atat na atat nga siyang lumipat dito eh."

"Ahh, ok."

"Saan tayo punta?" Tanung niya sakin. "Sa park muna."

You Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon