Nanang Selviya
nang mahimatay si Gwyn ay ang pagdating den ng mga royalties
nakita kong buhat buhat ng Prinsipe si Gwyn
"Mahal na prinsipe anong nangyari sa kanya?" kinakabahan kong tanong
"lumalabas na ang kanyang kapangyarihan. kailangan na natin siyang dalhin sa Akademiya. siya ang huling elemental na dapat natin e uwi dahil mapanganib kong magtatagal siya dito." wika ng prinsipe ng apoy at isang bampira
"Sino ba siya Hjordis? para ikaw mismo ang mag bantay sa kanya dito?" tanong naman ng prinsesa ng tubig at isang mermaid
"its for me to keep it and for you to find out."
nagkatinginan naman sila at iniakyat na namin si Gwyn sa kwarto niya
"ako na ang bahalang mag sabi sa kanya ng lahat, bumalik na kayo asahan niyo bukas andon na kami sa mundo natin."
nagkatinginan naman ang mga prinsipe at prinsisa.
"oo nga pala Hjordis, bumalik na ang nawawalang Prinsisa." biglang sabi ni Prinsipe ng Earth kingdom
isang impostor
" ganon ba mabuti naman kong ganon." mas mabuti na rin to para mas maligtas si Gwyn " maliligtas narin tayo sa kasamaan ng Dark." at ngumiti sa kanila
"aalis na kami Orakulo." saad ng Prinsipe ng Apoy
tama ang basa niyo isa akong orakolo
gumawa sila ng portal pabalik sa mundo namin pero bagu sila makapasok
may binitawan akong kataga na nag pagulo sa isip nila.
"mag iingat kayo sa mga taong pinag kakatiwalaan niyo. di porket siya ang nawawalang prinsesa siya na ang totoong prinsesa. gabayan kayo nawa ng may kapal."
at sila ay naglahu na.
Royalties Pov
" ano ang ibig sabihin don ng orakolo?" tanong ng Prinsisa ng hangin
"isa lang ibig sabihin don. kailangan nating mag ingat sa mga nakapaligid sa atin." wika naman ng Prinsipe ng Yelo
" pero anong ibig sabihin niya don sa maaring hindi siya ang totoong prinsesa?" nagtatakang tanong ng prinsisa ng tubig
" hindi ko ren alam. at isa pa maaring nagkakamali siya na hindi yon ang totoong prinsesa kasi nasakanya ang lahat ng palatandaan ng prinsesa." wika ng Prinsipe ng apoy
i already know the truth all i have to do is to keep it to protect my princess
tumangon naman ang ibang prinsesa at prinsipe
kasalukuyan....
nang matapos kong hugasan pinag kainan ko dumeritso na ako sa kwarto ni nanang
pero bagu pa ako makarating don narinig kong bumukas ang pinto sa main door tumakbo ako papunta sala kasi baka sina mama na un
tama nga ako
"GWYN!" sigaw ni papa
first time kong marinig siyang sumigaw halatang galit siya sa akin
lumapit ako kay papa
"Papa ba-.." di ko pa natatapos sasabihin ko ng sampalin niya ako
"Papa." naluluha kong sabi
"Isa kang kahihiyan! walang hiya ka! matapos kitang pakainin, damitan at pag aralin ito pa igaganti mo! napakawalang hiya mo talagang babae ka!" sigaw sa akin ni papa