Maagang ginising ni Hunt si Skylor. Sa isip nito ay ang paggising ng maaga ang pinakabasic na dapat matutunan nito sapagkat ito ang paniniwala sa bayan ng Laubigan.
Mabigat man sa loob ni Skylor ay sumunod na lamang siya sa kasama sa takot na magalit ito at hindi siya pakainin.
It's fine to follow what Hunt's want than to starve.
Ang paulit-ulit na paalala ni Skylor sa sarili habang labag sa loob na bumangon.
"Ligpitin mo yang hinigaan mo." walang buhay na utos ni Hunt.
Matapos makapagligpit ay tinuruan siya ni Hunt na magpaalab ng uling.
"Dapat matutunan mo to kung ayaw mong mamatay sa gutom." wika ni Hunt habang nagpapaypay.
"You're always over reacting as if I'll die in hunger." gusot ang mukhang wika ni Skylor.
Ibinato ni Hunt sa mukha ni Skylor ang pamaypay na abanico.
"Dami mo pang sinasabi ikaw magpaypay."
Pigil na pigil ni Skylor ang kagustuhang sapakin si Hunt.
Matapos magsiga ay itinuro naman ni Hunt kung paano magsaing. Mabuti na lamang at madaling matuto ang binata.
Maging pagwawalis at iba pang gawain sa bahay ay itinuro na rin sakanya.
Habang kumakain ay parehong may gumugulo sa isipan ng dalawa.
"Hey." / "Oy."
"Sige ikaw na muna." Pagpapauna ni Hunt sa kausap.
"Ahm hindi mo ba tutulungan si Nanay sa palengke?" hindi komportableng tanong ni Skylor sapagkat hindi niya gawain ang magka-pake sa ibang tao.
"Hmm... Nauna na sila ron pinasuyo ko muna sa kaibigan ko. Mamaya pupunta tayo ron." sagot ni Hunt habang abalang kumakain.
"K-kasama ako?" hindi malaman ni Skylor ang nararamdaman excitement dahil hindi nito alam ang itsura ng palengke.
Does it have similarities with supermarket?
Nabasa naman ni Hunt ang eskpresyon sa kaniyang mukha.
"Hindi yon kagaya ng mga lugar na napupuntahan mo hindi sosyal yon. Kaya pwede mong kabisaduhin yung daan at mauna kang umuwi kapag naboring ka."
"Okay." sagot ni Skylor habang iniisip pa rin kung anong itsura ng palengke.
"Ahh may sasabihin ka rin?" tanong ni Skylor.
"Ahm ano..kasi ano.." umupo ito ng maayos at nagdadalawang isip sa balak itanong.
"What?" tapos na kumain si Skylor kaya ipinatong nito ang dalawang siko sa lamesa habang naghihintay.
"Ano kasi eh..."
Tumingin si Hunt sa mata ng kaharap na ginantihan naman nito habang unti-unting lumalapit sa kanya.
Hindi naiintindihan ni Skylor kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba.
Habang papalapit ang mukha ni Hunt ay napagtanto nito ang taglay na kagwapuhan ng binata. May mapupungay na mata, medyo mahabang buhok na magulo ngunit mukhang malambot, hugis pusong mala-rosas na labi at matangos na ilong.
I look better. He's body might look masculine but his face looks effeminate. Still I'm way looks better than him.
YOU ARE READING
In The Name of Love
RomanceA Filipino type fujoshi story. Romance between men who falls for each other. Watch out what's gonna happen between Hunt Forgierro and Skylor Reu Cortwar.