HIDE AND SEEK

6 2 0
                                    

    "Okay class, naalala niyo pa ba assignment ko sainyo?" 

Tanong ng guro namin sa Religion. Takte, hindi ko naman nagawa kasi busy ako sa paglalaro ng ML. Kaagad kong siniko yung katabi ko at nag senyales kung meron siyang assignment.

"Alam mong own experience diba? Kaya hindi kita pakopyahin." Sagot nito.

Aish! Oo nga pala! Napahilot ako sa aking sentido at nag simula nang mag isip. Ano ba pwede ko i.share sa lahat? Isusulat ko paba? Wala na akong oras pag ganun. I think it's time to let them know.

"Catherine... Ikaw mauuna, tell us you're past experiences na naging lesson mo. If it's confidential pwede mo yan ilagay sa papel if ayaw mo ikwento sa amin---" 

"No teacher, eto na po simulan ko mag kuwento"

Tumayo ako at naglakad papunta sa harapan, and I took a deep breath then sinimulan ko na mag salita.

8 years old palang ako noon mahilig na ako makipag laro sa labas ng bahay kasama mga kababata ko, I'm sure kayo din mahilig kayo lumabas para mag laro.

They all nodded and I continued.

4:00 na yun ng hapon, laro parin kami ng laro hanggang sa nagkwento din kababata ko may nakita daw syang abandon na bahay, niyaya kaming mag laro ng tagu-taguan doon.

Lima kami noon magkabarkada at ako lang ang hindi sumang-ayon dahil sa malapit na mag gabi, tiyak hahapin kami niyan ng mga magulang namin.

Pero mapilit sya ipangalan nalang natin siyang 'Bernard'. Kahit sandali lang daw at uuwi din kami kaagad, wala kaming magawa kundi sumunod sakanya.

"At saan ang moral lesson doon?!" Sabad ng kaklase kong lalaki.

Tinignan lang siya ni Teacher ng masakit at napayuko ang kaklase ko, tumingin siya sa akin at nag sabi, "Please continue Catherine." 

I nodded as reply, at tinuloy ko na.

Nagsimula na kami mag lakbay, may kalayuan din naman ang bahay na ito dahil umuunti na ang  dinadaanan namin na mga bahay. Nang makarating kami, napansin namin na napaka-simple lang ang  estruktura, may kalumaan naman talaga itsura nito pero pwede pang matirahan.

"Tara na, pasok na tayo dali!" Maligayang pag-aaya ni Bernard sa amin.

Pumasok na kami sa loob, sa pagka-alala ko, medyo madilim na ang paligid at may kaunting bahay-gagamba sa may bubong at sa ibang parte ng pader. At mga gamit na hindi pa naman masyadong luma pero pwede pa mapakinabangan, at hindi ko maipaliwanag ang amoy, parang may namatay ewan ko ba.

Tinawag kami ni Bernard para pumili kung sino samin yung taya, at ako ang napili nila. Nagtawanan sila habang ako padabog pumunta sa pambungad na pintuan ng bahay, tinakip ang aking mga mata at sinimulan na magchant.

Tagu-taguan, maliwanag ang buwan, tayo'y mag laro ng tagu-taguan, pag bilang ko ng sampu, nakatago na kayo...

"Tagooo!!!" Nagtakbuhan na sila samantalang ako nakatakip parin ang mata.

Isa...

Miserable Class [ONE SHOT STORIES] [ON-HOLD]Where stories live. Discover now