Ang swerte mo, dahil pinili ka niya ulit,
Umalis siya saken na hindi ko alam ang dahilan, kaya napakasakit,Masakit, na nakikita ko ang ngiti sa kanyang mukha na ako dati ang may pakana,
Lumala ang lungkot ng buhay ko simula nung siya'y nawala.Ang swerte mo, dahil mas pinili niyang masaktan ulit kesa mahalin,
Kung bibigyan ako ng pagkakataong humiling sampung beses ko siyang hihilingin,Kung bibigyan ako ng pagkakataong balikan ang nakaraan, babalikan ko ang araw kung kailan kami nagmamahalan,
Yung tipong gusto namin ang isa't isa nang walang pag aalinlangan.Hanggang ngayon hinihiling parin na sana bumalik siya at ang kalungkutan ko'y kanyang puksain,
Upang maisauli ang dating sigla nang aking mga ngiti sa salamin.Simula nung siya'y lumisan, Paraiso kong mundo biglang binalot ng dilim,
Laging malungkot, laging matamlay yan ata ang dahilan ng kanyang pag alis.Sabe niya noon "Ngayong nasaken kana dina ako hihiling pa",
"Di na ako babalik sa taong nanakit sa akin, sa kadahilanang naririyan ka".Napaka swerte mo, dahil ikaw ang dahilan kung bakit nilunok nya ang salitang binitawan nya,
Kahit alam namin sa isa't isa na grabe ang pinaranas mong sakit at pighati sa damdamin niya.Napaka swerte mo, dahil ikaw ang nakalagay sa kalagayan ko noon,
Napaka swerte mo dahil mahal kapa nya hanggang ngayon.Bihira ka lang makahanap ng babaeng ibibigay sayo lahat pati kanyang kaluluwa,
Kahit walang matira sa sarili nya, tinodo nya parin wag ka lang mawala.Pagkatapos mo siyang babuyin iiwan mo lang na parang bula?,
Tapos ngayon lilitaw ka bigla na parang pusang gala!Napaka swerte mo, dahil pinili ka niya kesa sakin,
Mga pinaranas mo sa kanya kinalimutan nya na parang walang nangyare.Napaka swerte mo dahil naliligo ka sa kanya ngayon ng yakap at halik,
habang ako andito naliligo sa sariling luha,hinihintay pa rin ang kanyang pagbabalik .
BINABASA MO ANG
Ang swerte mo!
Poetrynapaka palad mo dahil sa kabila ng ginawa mo binalikan ka parin niya at mas pinili ka niya kesa sakin