"Beeeebsssss." malayo palang dinig ko nang tawag ng kaibigan ko."Bebs, look. Ang gwapo niyaaaa." aniya namay kasama pang kurot sa braso ko habang pinapakita ang sinuman sa cellphone niya.
"Aray ko. Anuba. Huwag ka ngang mangurot. Atsaka, saan? Patingin nga ulit." sabay agaw ko ng phone niya. Tiningnan ko naman ito.
"Saan dito? Ito?" sabay turo ko ng nasa gitna.
"Hindi. Iyang nasa gilid." sagot niya at tiningnan ko naman ito ng mabuti. Pinliit ko pa ang mga mata ko, kunwari kinikilatis ng mabuti.
"Hindi naman." sagot ko na ikinamaang ng bibig niya.
"What the hell Keyra De Guzman. Ang gwapo niya kaya, ang hot pa."
"Psh. Baka sa picture lang yan." sagot ko tsaka binalik ang phone niya at nagbasa ulit.
Actually, gwapo nga. Ayoko lang talagang aminin dito sa kaibigan ko. I won't give her the satisfaction that she want. Hehehe. Am i a bad friend with that act? Di pa naman siguro.
"Napaka supportive friend mo talaga Key. Super." sabi niya na halata ang pagka sarkastiko.
"Thank you." oh ha, with feelings yan. Hahahaha
"Pero seryoso talaga. Bulag ka ba? Malabo ang mata? Ano? Baka kailangan na nating pumuntang EO."
Natawa ako sa mga pinagsasabi niya. Napaka OA.
"OO na. Sige na. Gwapo na."
"YIIIEEEE. Dika kinikilig?"
I rolled my eyes on her.
"Kung si Song Joong-Ki 'yan aba, mag tititili pa ako sa kilig. Pero diko naman iyan kilala, atsaka isa pa, sinusuportahan lang kita. Hehehe. And, one more thing, taken na ako no. " sagot ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Ansama mo. Napipilitan kalang pala. Hmp. Atsaka ano kamo? Taken? Ikaw? Baka TAKEN for granted. HAHAHAHA. Anyways, maka alis na nga lang. Diyan kana uy. Bye ka."
Padabog siyang umalis pero yumakap muna sa akin.
Natatawa ko siyang tingnan bago tinuloy ang naudlot na pagbabasa.
Nalibang ako sa pagbabasa kaya ng tiningnan ko kung anong oras na ay nanlaki agad ang mga mata ko. Dali dali kong kinuha ang mga gamit ko at lakad-takbo ang ginawa pabalik sa room.
Paano ba naman kasi, 5 minutes nalang at late na ako. Pambihira. Major subject ko pa naman ang class ko ngayon.
At kung mamalasin ka nga naman ay may nakabungguan pa ako.
Nagkalat tuloy ang mga librong dala ko.
"Oh My God. I'm sorry Mister. I'm really sorry." agad kong pinulot ang mga gamit ko. Tinulungan niya naman ako.
"Sorry din miss, kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." sabi niya.
"No. It's my fault, so, I'm sorry." Paghingi ko ulit ng tawad. Magsasalita pa sana siya ng unahan ko na siya.
"Anyways, i have to go. I'm going to be late. Sorry again and thank you." i said before turning my back and started running.
Good thing, wala pa ang prof. Pagdating ko. Shet. Kamuntikan na.
Di nagtagal ay nagsimula na ang klase. Wala akong ibang ginawa kundi ang makinig. Syempre, 4th year na ako. One more year and graduate na.
Yes. I am a BSA student here at St. Agustin University.
At talagang pinagbubuti ko ang pag-aaral. Syempre, aiming for latin honor. Hehehe.
First Sem palang ng taong ito kaya di pa masyadong busy.
![](https://img.wattpad.com/cover/228613820-288-k678787.jpg)