"Ano mangyayari kapag nakalimutan ko ang lahat?"
"I'll remember it for you- for us."
--
Day 404 (2019)
"Hindi mo na ba kaya? Sumusuko ka na ba?"
Tinignan ko siya habang pinipilit kong huwag bumagsak ang mga luha kong naiipon sa aking mga mata.
Day 01 (2017)
"Love, san mo nilagay yung blueprint na tinapos ko kagabi?"
"Masyado ka namang kabado, nakalimutan mo na agad." Pabiro kong sabi sakanya habang niyakap ko ang kanyang likod habang hinahanap niya ang blueprint nya para sa presentation nya mamaya. "Kakasabi ko lang habang naliligo ka kanina."
Humarap siya at hinalikan ako sa noo. "Alam mo naman, tumatanda na."
"Matanda na ba ang twenty-four?" Natatawa kong tanong.
"Sige na love, una na ako. Malalate na ako para sa meeting namin ng client ko."
Bumitaw ako sa aking pagkakayakap, may halong pagtataka sa aking mga mata. "Hindi ka pa nagbbreakfast. Saka anong malalate? 10:00am pa ang meeting nyo, 7:00am palang love."
Tinignan nya ang orasan nya sa kanyang kanang kamay, at napakamot. Dumfounded sa sarili niya.
Ngumiti lang ako, hinawakan ako magkabilang pisngi niya at hinalikan siya sa labi. "Breakfast na tayo." Aya ko sakanya.
Habang kumakain, napansin ko ang pagpatak ng ulan. Tag-ulan na nga pala, parang kailan lang summer palang. Hindi ko namalayan na masyado na pala akong occupied sa pagtitig ko sa pagpatak ng ulan. Nahimasmasan ako nang makarinig ako ng parang nabasag na pinggan.
"Shit-"
Napatingin ako sa nabasag na mug ni Jam, may kaunting kape na natapon sa lapag. "Love, ano bang nangyayari sayo?" Ani ko, natatawa sa pagkaclumsy niya.
Bihira maging clumsy si Jam, kung mayroon mang clumsy, unorganized, at makakalimutin saamin, ako yun. Si Jam yung tipo na detail-oriented, gusto laging nakaplano, at laging masusunod ang plano na iyon. Mahilig mag linis at magayos ng bahay, halos lahat kailangan nakalista, mapagrocery o house bills.
"Kabado lang." Sagot nya habang nililinis ang mug niya na nabasag. "Wala na akong mug, galing pa naman 'to kay tita."
"Kabado? Sa galing mong yan kinakabahan ka pa?" Biro ko sakanya habang ako naman ang nagpupunas sa kape na natapon. "Papabilhan nalang kita kay mommy ng bago."
Napatingin siya sa kanyang kamay na medyo nanginginig. Tinignan ko siya, he looked concerned. "Nagkakape naman ako tuwing umaga, pero bakit parang nagpapalpitate ako?" Aniya.
"Don't overthink love. It happens, hindi naman porket nasanay ka na ako yung clumsy ibig sabihin hindi ka na pwede maging clumsy." I assured him.
He gave a faint smile. "I love you."
Day 03 (2017)
Nakaupo ako sa gilid ng bintana, nakaharap sa aking laptop habang nag pplano para sa binabalak naming business- magpatayo ng isang coffee shop. Napatingin ako sa bintana. Umuulan nanaman pala. Kinuha ko ang mug ko na may mainit na kape, hinipan ko ng ilang beses, then I took a sip. Bakit kaya mas masarap ang kape kapag umuulan?
Biglang nagring ang aking phone, tumatawag si Jam. Tumingin ako sa orasan, 5pm na pala. Nagunat ako ng kaunti saka ko sinagot ang tawag niya.
"Love? Napatawag ka?" Bati ko.
Ang ingay ng background. Halu-halong boses ng tao, lakas ng ulan, mga busina ng sasakyan.
"Love, nakalimutan ko yung payong ko sa office. Pwedeng pasundo sa may sakayan ng tryc?"
Ramdam ko ang pagod at kaunting inis sa boses ni Jam. "Itong architect namin, pati payong nakakalimutan na."
"Oo lang o hindi sa tanong ko love." Naiinis niyang sabi.
I was taken aback, "okay love. Kalma ka lang po, I love-"
Bago ko pa matapos ang aking sasabihin, binabaan niya na ako. Which I found, odd. Bihira niya ako babaan ng tawag, maliban nalang if I'm being really unreasonable kada magkakaroon kami ng petty fights. Baka pagod lang siya, nasaktuhan pa ng rush hour at ulan.
Nakatitig lang ako sa lockscreen kong picture naming dalawa nakangiti at naka pose ng v-sign noong pumunta kami sa South Korea after ng graduation namin.
Patigil na ang ulan, halos mag iisang oras na rin akong nakatayo palingon lingon, nagbabakasakaling makita ko si Jam na bababa sa mga UV express na pumapara sa tabi. Nilabas ko ang aking phone, dinial ang kanyang number at muling nagantay.
Ilang ring bago siya sumagot. "Love, sorry. Nakalimutan ko kung saan ako bababa. Another 30 minutes, sorry talaga love."
Hindi ako nakapagsalita. How can he forget? Halos mag dadalawang taon na kaming magkasama sa iisang condo. Iisa lang naman ang binababaan niya kapag galing sa trabaho. May bumisina ng malakas kaya ako nahimasmasan sa aking pagooverthink.
"Okay love, ingat ka. I love you."
