Chapter 1 - The Sylvie Family

203 15 5
                                    

NOTE!!!

Book Cover photo of this chapter is not mine. Ginamit ko lang ung anime pic since its the best picture to describe the Sylvie family 😊😊😊

Enjoyyy (^ω^)

----

Chapter 1 - The Sylvie Family


Third person's POV:

Ang Sylvie Family ay kabilang sa mga kinikilalang Elite family. Sa dami ng mga accomplishments nito at impluwensya sa larangan ng business industry. Ang Sylvie family ay respetado at lubhang hinahangaan. Sila ay kilala sa pagkakaroon ng 5 star hotels (sa international) at isa na dito ang pinakasikat na Maple Hotel na paboritong puntahan ng iba't ibang personalidad, mapa-artista man o kilalang personalidad sa pulitika. Ang Sylvie family ay mayroon ding multi-billion worth of car business sa New York. Hindi maitatanggi na ang Sylvie Corporation is one of the dominating business in the business industry.

Si Zhaion Sylvie, 18 year old girl who's currently a Freshmen student in Optimistic University, ang nag iisang anak at tagapagmana ni Cecilion (ang CEO ng Sylvie Corp.) at Marianne (isang famous architect sa France).

Halos na kay Zhaion na ang lahat ng mga bagay na hinihiling ng isang ordinaryong tao. Lahat ng kanyang gustuhin, nakukuha niya. Ang respeto ay madali niyang nakukuha dahil dala niya ang pangalang Sylvie. Kahit saan siya magpunta hinahangaan siya at nirerespeto, kinakaibigan, sinusundan, pinagtatanggol na parang tinuturing na literal na prinsesa.


Zhaion's POV:

Alas-singko na ng hapon at mukhang late na naman ako ng uwi nito. Nauubusan nako ng dahilan sa mga taong lagi akong inaaya kung saan saan para gumimik at makipag bonding sa kanila.

" Hay... "

Isang malalim na bugtong hininga na lang ang nagawa ko dahil na din sa pagod.

Gusto ko na lang makauwi at mapunta sa kwarto ko at enjoyin ang katahimikan ng mundo.




Napaisip ako...




" Paano kaya kung hindi ako isang Sylvie? Ano kayang buhay ang meron ako ngayon? "

Bigla akong napahinto sa paglalakad at tumambay muna sa bridge na usual kong nadadaanan pauwi pag ayaw ko magpasundo sa driver ko.

Ang tahimik at kalmado ng tubig sa ilalim ng tulay na to. Gusto ko dito. Hindi magulo ang isip ko pag andito ako. Pakiramdam ko nasa safe place ako.

" Hay! Ano ba 'tong naiisip ko? Isa akong Sylvie dapat pa nga akong maging grateful sa mga bagay na meron ako na wala sa iba. "

Masyado lang siguro akong nasstress sa school kaya kung ano anong inaalala ko. I shouldn't be dramatic and melancholic! ewan ko ba bakit ang drama-drama ko ngayong araw. Napaka unreasonable ko naman kung malulungkot ako kasi sobra naming yaman!!! Respeto Zhaion sa mga unfortunate!!! (。•́︿•̀。)

Paulit ulit kong inikot ikot ang ulo ko ng may bigla akong narinig na magsalita.

" Hahahahaha! anong ginagawa mo? Cute mo naman. " sabi nito.


Napalingon ako at nabigla sa kung sino man yung nagsalita. Hindi ko napansin na may company na pala ako all this time!!!   ⁄(⁄ ⁄>⁄ω⁄<⁄ ⁄)⁄


" H-huh????  S-sino ka???! " pasigaw kong sabi.


A Year to LiveWhere stories live. Discover now