Prolouge

1 0 0
                                    

Napuno ng palakpakan ang gymnasium matapos ang nakaka-antig ng puso na kanta ni mirasol.

I saw her eyes blazing with pure bliss. This is her life; music.

"Since tapos na ang performance mo mirasol, may mga audience tayo na gustong mag request!" The Master of ceremony said, ardently.

Inilapit niya ang bibig sa mikropono. "Nakakapagod na, hindi ba kayo nagsasawa sa boses ko?" She jokingly said.

The crowd growled in unison. I laugh then shake my head in disbelief. She's been always the center of attraction. Everyone loves her because of her jolly personality and sunshine vibe.

"Sige na nga, malakas kayo sa akin, e." Then she wink.

Hindi lang lalaki ang humahanga sakanya, pati na rin ang mga kababaihan sa aming paaralan. Marami ring naiinggit at naiinis sakanya ngunit mas lamang ang nagmamahal sakanya at iyon lang daw ang mahalaga para kay mirasol.

"Ano bang bet nyo na kantahin ko?" She asked sweetly.

"Let's choose, then!" Bumaba ang emcee at iginala ang tingin sa paligid.

Paniguradong ako ang gusto niyang tawagin, para asarin, mabuti na lang at nasa pinakagilid ako at malayo sa harap ng stage.

"Mukhang nagtatago ang gusto kong tao na mag request ng song..."

A low chuckle escape from mirasol's throat. Umiling na lang ako at tinakpan ng likod na palad ang bibig upang mapigilan ang mahinang tawa, para hindi ako mapansin.

"Ok. Iba na lang..." Inilibot niya muli ang paningin hanggang sa dumapo ang paningin niya sa babaeng halos mamatay kakatalon para lang mapansin.

"Ako! Ako! I'm a big fan, since day one! Kaya ako!" Natawa ang halos lahat nang tumutok ang camera sa direksyon ng babae.

"Sige ate, ikaw na!" Sigaw ng emcee

Nagtatalon sa tuwa ang babae at mabilis na pinaraan ng mga manonood.

"Anong pangalan mo?" Tanong ng emcee pagkalapit ng masuwerteng taga-hanga ni mirasol.

"Jacelyn!" She energetically said. Nagtatalon pa kaya pinakalma muna bago pinagsalita ulit.

"Love mo ba si mirasol?" The emcee uttered playfully.

Napalingon ang lahat sa harap dahil sa tawa ni mirasol. Everyone stare at her in awe.

"Yes na yes, putangina!"

We all laughed because of that. Mabilis naman siyang sinaway.

"Learn to seal your mouth sometimes, ate." Maarteng banta ng emcee. "Anyway, ano ang gusto mong kantahin ng ating nag iisang mirasol?" She said in stagey way.

"Since mirasol loves old songs, I'd love to hear her sing balisong by rivermaya."

Hindi na pinatagal at inayos na ni mirasol ang sarili niya at pinakilala siyang muli ng emcee. The lights were a bit dim and dramatic. Inangkop ang setting ng stage sa genre ng kanta.

Everyone fell silent; anticipating her mellow voice. She started strumming the guitar, iyon pa lang ang ginagawa niya ngunit nagsitayuan na ang mga balahibo ko sa braso at batok. Sigurado akong hindi lang ako ang nakaramdam ng ganito.

Your face
Lights up the sky on the highway
Someday
You'll share your world with me
Someday

May mga narinig akong suminghap. Hindi ito ang unang beses niya na magperform sa harap ng libo-libong estudyante, ngunit sa tuwing tumutugtog siya ay laging namamahangha ang mag tao na para bang iyon ang unang beses nila na mapapanood siya sa entablado na iyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MirasolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon