Cloud5:00PM
"Okay, guys! You may now go to places you want to visit. Our seminar ends here." deklara ng facilitator namin.
"Hay! Salamat at makapagpahinga din." Sabi ko sa roommate kong si Sam. "Sa'n mo balak pumunta, girl?"
"Ah! Sa mga pinsan ko. Baka dun na ako magpalipas ng gabi. Balik nalang ako maaga bukas para sa flight natin. 12 noon pa naman." sagot niya habang naglalakad kami papuntang elevator. "Ikaw ba? Ano plano mo? Dito ka lang sa hotel?"
"Siguro." napaisip ako. "Busy din naman kuya ko eh. Alam mo na buhay sundalo. Di pumipirmi."
"Labas ka nalang mamaya. May coffee shop naman sa kanto, yun naman mga gusto mong lugar diba?"
"Di siguro. Baka bibili nalang ako ng alak. Tutal biyernes ngayon, iinum nalang ako hanggang sa makatulog ako." Sagot ko sa kanya ng nakalabas na kami sa elevator. "Sure ka di ka dito matutulog?"
"Oo nga. Bakit? May papapasukin ka sa kwarto?" Sabay sundot niya sa tagiliran ko.
"Tanga! Di ah! Para naman ma-lock ko ng wasto ang pintu-an. Baka pasukin ako ng ibang tao."
Tumawa nalang kami at pumasok sa kwarto namin para makapagpahinga. Mag dinner daw muna kami bago siya aalis.
6:30PM
Umalis na si Sam kaya mag isa nalang akong gumalagala sa hotel. Hanggang sa na bored ako, pumunta muna ako ng smoking area.
Pagdating ko dun, nakita ko kasamahan ko sa seminar na nagyoyosi mag-isa.
"Hi, Kuya Sangay!" bati ko. Parehas kasi kami ng pangalan.
"Oh?" parang nabigla pa siya. "nagyoyosi ka palang bata ka."
"Duh! Konti nalang mga babaeng walang bisyo, kuya."
Tumango siya na parang sangayon siya sa sinabi ko sabay tawa.
Nagkwentuhan lang kami about sa trabaho, bisyo, kaibigan, lugar, at iba pa. Mahilig din pala siyang magtravel kasama girlfriend niya.
"Eh, kuya?" tawag ko sa atensyon niya. "Kung matagal na kayo ni girlfriend mo, bakit wala pa kayong anak?"
Kwenento niya sakin ang infertility ng girlfriend niya pero nagt-take naman ng gamot daw kaso wala pa rin. Pero kahit daw ganun, mahal niya pa rin.
Nagpaalam ako sa kanya kasi gusto ko ng bumili ng mainom. Uhaw na kasi ako. Kaya nagpunta ako sa convenience store at buti nalang may nahanap akong vodka. Cheap pero okay na to, at least di nakakalaki ng tiyan.
8:00PM
Nakaubos na ako ng isang bote ng vodka. Medyo tipsy na din ako. Di naman ganun ka-lakas nabili ko kaya di ako natamaan. Napagdesisyunan kong magyosi muna kasi kanina ko pa yun hinahanap pero tinatamad akong bumaba.
Pagbukas ng elevator kung saan ang smoking area, yun naman ang dapat na pagpasok ni Ulap sa elevator.
"Hi, Ulap!" bati ko sa kanya.
"Oh? Kala ko natulog ka na?" di siya tumuloy, sinamahan niya ako sa smoking area.
"Nakainum ka ba, Cloud?"
"Ah, oo. Kanina nung nagpaalam ako, pumunta ako dun sa store para bumili ng alak."
"Grabe! Di mo ako sinabihan. Uhaw din ako eh."
"Luh! Malay ko ba oy. Di mo naman sinabi sakin. Kala ko di ka na umiinom kaya di na kita inaya." sabay hithit ko sa yosi ko. "Ano? Gusto mo one on one tayo? Ako lang kasi sa kwarto kaya lakas ng loob ko uminom."
BINABASA MO ANG
Ang Kwentong Di Pambata
General FictionCompilation of One Shot Stories that are not suitable for non-openminded person.