"Love please" hinawakan niya ang kamay ko na naging dahilan para matigil ako sa paglalakad. Humarap ako sa kanya habang tuloy tuloy pa rin ang pagagos ng mga luha ko
"Huwag mo kong iwan, mahal na mahal kita" marahas kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Kung dati rati nauuto niya ako pwes, ngayon hindi na
Ayoko ng tanggapin sa buhay ko ang taong sinasaktan ako ng paulit ulit
"Mahal mo ko?" Tumawa ako ng malakas habang tuloy tuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ko. Maraming napatingin sa amin dahil sa pagtawa ko but I did not mind them at tuloy pa rin ako sa pagtawa ng malakas
Grabe, hindi ko alam na joker din pala 'tong lalaking ito at hindi lang cheater
"Gosh! Hindi ko alam na magaling ka rin palang magjoke. Grabe tawang tawa ako" natatawang sinabi ko sa kanya. Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa mata ko bago ako nagsalita "Kunsabagay, you're good at everything. Magaling kang maglaro ng sports, magaling kang sumayaw, magaling kang manloko and at the same time, magaling kang pagsabaying mahalin ang dalawang tao. Ahy, dalawa ba or lima? Hindi ko na mabilang sa sobrang galing mong mangolekta ng babae eh"
"Please, Lia.." he tried to hold my hand pero agad ko yun iniwas bago pa niya mahawakan. I look directly in his eyes. Kung dati nalulunod ako sa tingin niya ngayon, gusto ko na lang tusukin ang mga mata niya para mabulag siya at hindi na makapangbiktima
Pero kahit naman mabulag 'to, mambababae pa rin. Expert siya eh
"Hindi mo ko mahal, Justin..." giit ko "Dahil kung mahal mo ako, ako lang ang babae mo" bigla kong naalala lahat ng mga panloloko niya. Nagsibagsakan muli ang mga luha sa mga mata ko
Oo, alam ko, alam na alam ko na hindi niya talaga ako minahal. Kung minahal niya man ako, katawan ko yun at hindi mismong ako. Sino ba naman ako para mahalin niya? Walang wala ako sa ex niyang sobra niyang sineryoso
Bago ako, meron siya. Bago kami, merong sila. I know, option lang ako, pagparausan and I am so stupid para hayaan na tratuhin niya ako ng ganito. Ngumiti ako ng mapait ng maalala ko kung paano niya isinumbat sakin ang mga nagawa ng ex niya na hindi ko magawa gawa sa kanya "Kung mahal mo ako, hindi mo hahanapin ang kakulangan ko sa ibang tao" huling sinabi ko bago ako naglakad palayo
Mga J talaga, mapanakit
BINABASA MO ANG
Summer Breeze
Teen Fiction☼- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -☼ sᴜʀɪ ᴍᴇʀʟɪᴀ ʀᴇᴍɪɴɢᴛᴏɴ ɪs ᴛʜᴇ ᴛᴀʟᴋ ᴏғ ᴛʜᴇ ᴛᴏᴡɴ ᴡʜᴇɴ sʜᴇ ᴀɴᴅ ʜᴇʀ ᴇx ɢᴏᴛ ɪɴᴠᴏʟᴠᴇᴅ ɪɴ ᴀ sᴄᴀɴᴅᴀʟ. ʜᴏᴡᴇᴠᴇʀ, ᴍᴇʀʟɪᴀ ɪs ᴛʜᴇ ᴏɴʟʏ ᴏɴᴇ ᴡʜᴏ ʀᴇᴄᴇɪᴠᴇᴅ ᴀ ʀɪᴅɪᴄᴜʟᴏᴜs ᴀᴍᴏᴜɴᴛ ᴏғ ʜᴀᴛᴇ ᴀɴᴅ ᴄʀɪᴛɪᴄɪsᴍ ғʀᴏᴍ ᴛʜ...