UNO

29 2 0
                                    

UNO

MEETING HER AND THEM

Hey readers first Chapter here.

"MAIN CHARACTER P.O.V."

"GISINGGGGG NAAA!!"

*KNOCK*KNOCK*

"BABAE GISING NA!!"

"Five min-nutesss shhh-wshhh-wshh-"- 'Matutulog muna ako' sabi ko,kahit alam ko namang di nila maririnig dahil sa isip ko lang sinabi.

*KCH*(Doorknob)

"GUMISING KA NG BATA KAAA!!"-Mamaya na mam-a.

Nabigla na lang ako ng may humihila sa paa ko, Sino toh? Sadako? Valak? Monster? 'Waahhhhh' Sigaw ko sa isip ko.

Kumapit na ako sa headboard ng kama ko, dahil ayaw ko namang mag pahila, noh‽!‽

"HOY! BABAE KUNG AYAW MONG PUMASOK SANA DI KANA NAG ENROLL!!"- SI MAMA NAMAN HUHUHU,Diko na kinaya at bumangon na ako.

"Eto, na babangon na! Babangon na."- sabay padyak ng paa at kamot ng matindi sa ulo, maski wala namang akong kuto.

"Aba-aba sinasagot mo na akong bata ka , HA!!"- Lumapit si mama at alam kong kukurutin lang naman ako sa braso o sa singit, kaya agad akong tumayo sa kama.

"HALIKA DITONG BAA-TA KA!"- Lumayo ako kay mama at tumakbo papunta sa CR.

"Mama maliligo na po ako!"- Medyo pasigaw para marinig ni mama, aba hindi ko sisigawan si mama, kahit ano pang mangyari, ayaw ko namang ma-sintoron o ma-hanger o ma-tsinelas noh!

"NAKUNG BATA KA, BILISAN MO AT MALE-LATE KA NA!!"-'Oo na oo na' sigaw ko, syempre sa isip lang hahha, baka mamaya ma pano pa haha. Wag kayo, alam ko ginagawa nyo rin yan.

At etoh na ako ngayon, ang pagsubok na hinaharap natin sa tuwing umaga. Ang salubungin ang napaka lamig na tubig, aba hindi naman kami ganon kayaman para magkaroon ng Heater noh, pero may shower naman kami, tapos meron tabo sa dirty white at balde na dirty white na my brown na handle, hindi yan mawawala sa Filipino households noh!

Na pag-isip-isip ako, gagawa ako ng choices. "Hmm-Hmm"- Sabay himas-himas ko ang baba ko.

"HOY BAKA NAG RO-ROSARIO KA PA DYANG BATA KA!"- Si mama naman oh.

"Naliligo na po!"- maski hindi pa talaga dahil nag iisip pa ako ng choices.

'A. Madaling pag ligo? B. Tabo nalang gamitin ko para mas mabilis? dahil pag shower para lang ako nagtatampisaw sa ulan.hmm pwede-pwede' sabi ko sa isip ko.

"*Evil grim* Or C. Ang bawal na choice, dahil mag papabango Lang ako he-he-he, Pero ang lagkit ko naman atah non?"- na pag-isip-isip ko na.

"Hay."Napa buntog hininga na lang ako.

"B na nga lang."- At yun ginawa ko na ang B.
At ng kukunin ko na ang towel ko-

"Shyttt, Shyttt!"- di ako maka padyak baka mamaya ma dulas pa ako.

"Yan ka tangahan mong babae ka sa lahat ng bagay towel mo pa nalimutan mo."- inis kong sabi sa sarili ko.

"Teka nga bat ba ako nag aalala? Nasa loob naman ng kwarto ko ang CR ko, at nasa loob lang naman towel ko."- Takang sabi ko sa sarili ko.

*KCH*-Pinihit ko na ang doorknob ng banyo ko at dali-daling kinuha ang towel ko.

"HOY! MALE-LATE KANA ANO PA BANG KABABALAGHAN GINAGAWA MO DYAN?!??"- Luh kababalaghan agad?

"Nagbibihis na po!" - dali-daling nag bihis si ako. Sinuot ang ID ko at ang Necklace na binigay nila mama at papa, na May initials ko 'VSCT'. Collage na ako kaya , So what kung anong Suotin ko, kumukuha ako ng course na Electrical Engineering. So sinuot ko na ang gamit na hinanda ko kagabi lang, Naka fitted t-shirt na Black, Naka chekerd na polo, na may kulay na Green, Black,& Dark Green na pinaresan ng Skinny jeans, tinali ko na rin ang dulo ng polo ko para magbigay ng style or whatsoever, And also I wear my designer Rubber shoes, So yun na nga Guyzz comment below for suggestions, mala vlogger Kong sabi.

The StarsWhere stories live. Discover now