Sythea Clarkson

11 0 2
                                    


"Inumin mo'to, hayop ka!" Singhal nang aking ama, pinipilit nya akong uminom ng dugo na nakuha nya sa taong kasambahay namin. Mangiyak-ngiyak akong tumingin sa mapupula-nyang mata at kinuha ang baso at diretsong ininom ang lamang dugo niyon."Iinumin din pala, nagpahirap kapa." Dagdag nito at iniwan ako sa isang kwartong punong-puno ng mga puso ng tao sa bawat istanteng nadoon.

Yes, I'm a legendary Vampire. I'm Sythea Clarkson, 20 years old. Pinangako ko sa aking sarili na kahit anong mangyari ay di ako gagaya sa mga ama ko na bampira, pero anong magagawa ko, ni minsan nama  di nya pinakilala sa akin ang aking ina. At gayunpaman, papatayin nila ako kapag di ko sila sinunod, gusto ko pang mabuhay ng matagal kaya naman kahit labag sa kalooban ko ang gusto nila ay ginawa ko at isa pa, may isa akong kakayahan na wala sa iba. Mamaya malalaman nyo.

"Hoy, Sythea? Anong kagaguhan yan? Alam mong bawal pero nakipagrelasyon ka sa isang tao. Hibang ka na ba?" Ani Daddy nang minsang nahuli nya akong nakikipaghalikan sa isang lalaki. It was Ian, my love my life. Sa kanya ko lang natagpuan ang tunay na pagmamahal na matagal ko ng gustong mukuha. Pinili kong magkagusto sa isang tao kasi ayoko ng bampira dahil gusto ko ng talikuran ang mundong ito.

"I'm sorry, Dad. But this time, hindi ko na papayagang pagbawalan ako sa pagkakataong ito. Mahal ko sya at wala kayong magagawa." Ani ko. Tinaliman nya ako ng tingin pero wala akong pakialam.

----

"Mahal na mahal kita, Sythea. I can't live without you, kahit bampira ka pa." Sabi ng boyfriend ko, napangiti ako sa kanya. Sa isang katangian ni Ian, wala na akong mahihiling pa. Tanggap nya kung sino o ano ako. Lahat ng gusto ko nasa kanya na, kaya naman di ko kakayaning mawala sya.

"Mahal na mahal din kita, Ian." I said. Hinalikan nya ako sa noo ko na syang nakapagpakilig sa akin.

---
Isang umaga, naglalakad ako palabas ng kwarto ko ng harangin ako ng aking ama sa may pinto. Balak kong puntahan si Ian dahil may importante daw syang sasabihin.

"Hindi ka aalis, Sythea. Dito ka lang! Ayokong sirain mo ang buhay mo nang dahil sa lalaki na yun."

Napangiwi ako ng mapakla. "Matagal ng sira, Dad. Magmula pa noong pinilit nyo ako sa bagay na hindi ko gusto." Aniya ko at tinalikuran sya pero napatigil ako sa tinuran nya.

"Baka sya pa ang dahilan ng pagkawala mo, Sythea. Hahayaan mo lang ba iyon ha? Isang tao lang sya Sythea."

Nilingon ko sya. "That was my destiny, Dad. Kapag nangyari yun, ako na ang pinakamasayang-bampira sa Vampire World kasi ng dahil sa kanya, nawala ako. Buong buhay ko, iaalay ko kay Ian." Mapakla akong ngumiti, narinig ko pa syang nagsesermon pero tinalikuran ko na sya. I'm sorry, Dad pero mahal na mahal ko si Ian. Sya lang ang taong nagparamdam sa akin na mahalaga ako.

----

"I-Ian?" Mautal kong sabi ng makitang may hawak syang puso ng tao, kinakain nya iyon. Siguro ay di nya ako nakita habang lumalapit kaya ganoon na lang ang gulat nya. Mabilis nyang tinapon ang puso ng tao na at dagliang lumapit sa akin, napaatras ako.

"Sythea.." he said. Natutop ko ang bibig ko. All of sudden, isa syang bampira! At ang masakit pa doon naglihim sya sa akin, bagay na hindi ko ginawa sa kanya kasi miski sya alam na bampira ako.

"Bakit ka nagsinungaling, alam mo naman na ayaw ko sa bampira kasi gusto ko nang talikuran yun?!" I said habang umiiyak ako.

"Sythea, I'm sorry. I didn't mean to hurt you. But hindi talaga kita minahal noon, balak ko lang paghigantihan ka dahil ang ama mo ang pumatay sa mga magulang ko." Aniya na nakapagbagsak ng luha ko. "Pero habang unti-unti kitang nakikilala, minahal kita. Mahal na mahal!." Lumapit sya sa akin. "Mahal na mahal kita, Sythea. Di ko kayang mawala ka." Napaluha ako,.

'Mahal na mahal din kita.' Nais kong isatinig yun pero wala akong lakas ng loob. Pinanghihina ako ng mga nalaman ko.

Umiiyak na pinunasan ni Ian ang luha kong walang tigil sa pag-agos.

"Ahhhh." Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang guhit ng sakit sa mukha ni Ian, ilang saglit pa ay bumagsak sya sa sahig. Napatingin ako sa likod nya and then I saw my dad, may hawak na pana.

"Dad? What did you do?" Di ko alam kung pano kung naisigaw yun sa sobrang gulat. Yung pana na hawak nya is yun yung tanging pana na makakapatay sa kung sino mang bampira. Di nun magagawang alisin ang lason sa katawan, walang lunas... walang gamot.

"Yan ang gusto kong sabihin sayo, Sythea. Mula umpisa, alam kung lolokohin ka lang ng lalaki na yan. Wala yang magandang dulot sa iyo. Mas mabuti nang mamatay yan kaysa lokohin kapa."

Napatayo ako. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Wala kang karapatang sabihin sa akin yan, Dad. Hindi mo hawak ang kaligayan ko para magdesisyon sa buhay ko. Para mo na akong pinatay, Dad." Lumapit ako kay Ian na nanghihingalong nakatingin sa akin. "I-Ian, don't leave me. Please. Mahal na mahal kita." Napahagulhol ako.

"Iloveyoutoo, Syth." He mouthed. Namumutla na sya ng dahil sa lason. Sinamaan ko ng tingin ang aking ama. "Anong silbi ng buhay ko kung yung kaisa-isang taong nagmamahal sakin, pinatay nyo? Wala na, Dad. Wala na." Aniya ko. Nakita ko nang manlaki ang mata ng aking ama. "WAGGG, SYTHEA." si Dad.

Mabilis kong kinuha ang kutsilyong nasa bulsa ko. Sa isang iglap, nilaslas ko ang pulso ko at tinapat sa bibig ni Ian, lumabas ang dugo ko doon na syang dahilan kung bakit nainom yun ni Ian. Nanghinang bumagsak ako sa sahig.

Tumayo si Ian at hindi makapaniwalang nabuhay sya.

Ang makapagbigay ng buhay sa ibang tao ang tanging kapangyarihan na wala sa iba ngunit kapalit noon ang buhay ko.

"Masaya ako na sayo ko binigay ito, Ian." nakangiti kong saad sa kanya.

And I already died, peacefully.

Love TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon