Prologue

66 8 12
                                    

"Jas, please..." I pleaded sa papalayong likuran ng binatang aking sinusundan at patuloy na kinukuha ang pansin.

Huminto ito at ginulo ang kanyang buhok. "Aster, 'di mo ba maintindihan? As long as I don't want you to get hurt sa paulit-ulit kong sasabihin ay nagpupumilit ka pa rin!"

Natatawa't naiiyak akong lumapit sa harapan niya at nakita ang magkasalubong niyang kilay.

"Bakit, ha? Bakit ang dali-dali lang para sa'yo? Bakit ang dali-dali lang sa'yong bitawan ako? Bakit ang dali-dali para sa'yo na bitawan ang mga katagang kailanman hindi ko magagawang bitawan? Bakit, Jas? Bakit!?"

Sinusuntok-suntok ko na ang dibdib niya habang siya naman ay napapaatras habang pinipigilan ang aking mga kamao.

Napapailing lamang ito at nginitian ako. Isang ngiti. Isang ngiting hudyat na wala na, na okay lang sa kanya ang lahat ng nangyayari ngayon.

Tangina, bakit ba nagpapakatanga ako rito? Bakit ko pa ginagawa ang mga 'to?

Simple, kasi mahal ko siya. Hangga't kaya ko pang lumaban ay hindi ako mawawalan ng rason na hindi ipaglaban ang nararamdaman ko, ang mga pinagsamahan namin.

"Hindi ko na kayang lumaban pa, Aster. Hindi ko na kayang lumaban pa kasama ka sa relasyong ito, hindi ko kayang ipaglaban ang relasyong ito kung wala naman akong nararamdaman pa. Please understand." pinal nitong wika habang nginingitian ako at pinapahiran gamit ng kanyang hinlalaki ang patuloy na umaagos na mga luha sa aking pisngi.

"Understand!? How can I kung itong nararamdaman ko'y hindi mo magawang intindihin? How, Jas? How!?" humagulhol na nga ako ng tuluyan at naramdaman ko namang pumulupot ang kanyang mga braso sa akin.

Bakit at paano ako kakawala sa naging kapit ko sa kanya kung sobrang higpit na ng pagkakapit ko?

Bakit at paano ko pahintuin itong puso ko sa pagsigaw ng pangalan niya kung hindi ko man ito kayang diktahan?

"It's all up to you now, Aster. Just remember that I loved you and it's not you whom I love anymore." kumawala ako sa yakap niya at tinignan siya, tinignan ko ang mga mata niyang hindi ko maintindihan ang klaseng kislap na pinapakita nito.

"Please, Jas. I can't..." hinawakan ko ang kamay niya at pinipisil-pisil ang mga ito.

"I love her, Asterfrel. I'm not sorry for choosing her over you and I'm also not sorry for developing these wonderful and unexplained feelings for her."

Napakagat ako sa aking labi at tinalikuran siya't tumakbo ng sobrang bilis. Hindi ko na alam...

Hindi ko na alam ang patutunguhan ko pero isang bagay na lamang ang naisip ko at pilit pa ring itinatak sa aking kokote.

Na ako si Asterfrel and I was named after the flower that's called as Aster for it symbolizes elegance, but what I'm showing right now isn't what you called elegant.

I guess I can't be likened to it anymore...

Sophomore: Her Prestige Life (JHS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon