2. 02/02- 5:00 AM

12 0 0
                                    

February 2, 20××
5:00 AM
Icaro's Mansion
Specific Place
Sunset's Room

"LIM!" I shouted. Mula sa pagkakahiga ay napabangon ako and i look around

Where am i? Am i in the hospital?

My eyes getting wide. Nasa kwarto ko ako?!

"Oww shyet girl! Your so loud!" I look from the person who talked

Mas lalo pa nanlaki ang mata ko ng makita ko si Jasmin sa tabi ko na nagising dahil sa pagsigaw ko at nasa kaniyang tabi naman ay si Dez na naalimpungatan din

"Gosh! You haven't totally move on?!" And she opened her one eye "your so bitter girl! Hanggang panaginip ba naman!" And she laughed na sinundan naman ni jas

"Ugh! Ang aga pa pala, sun!" Jas said

I look to the window at oo nga wala pa ang sikat ng araw. Madilim pa sa labas

I took my phone and look at my phone's clock

5:00 AM

Natampal ko ang noo ko dahil dun. Ow shyet! I recall everything happened.

Tinignan ko rin ang calendar ko

And today's my birthday! Paano nangyari yun? Yesterday is my birthday right? How's that happened?

I tried to recall everything...

Preparation

School mates

Friends

The party

A-and the explosion!

"Hey" tinignan ko si dez ng ikumpas niya ang kaniyang kamay sa harapan ko "you're spacing out"

"W-we're dead ghost, am i right?" I ask them

Nagkatinginan naman si dez at jas at sabay na natawa ng pagkalakas lakas

"Anong deadz na tayo? Ang galing mo namang magbiro!" At muling napatawa ng malakas si Jas

"Kakapanood mo lang ng horror iyan!" Katulad ni jas at tinatawanan lang din ako ni Dez. "Ano nga ulit yun? DEAD GHOST?! HAHA! "

"Funny ka talaga ghorl!"

H-hindi ako maaaring magkamali. Totoo lahat ng iyon! Alam kong totoo lahat ng nangyari!

Dinampot ko ang remote ng aircon sa bedside table ko at binato iyon kay Dez

"Ouch!" Napahawak siya sa kaniyang noo na tinamaan "why did you hit me?" Nakangusong tanong nito sa akin

"Jas, kurutin mo nga ako" utos ko sa kaniya

At dahil nga katabi ko lang siya ay mabilis niya akong nakurot

"AH!" Malakas kong hiyaw habang hinihimas himas ang tagiliran ko na kinurot ni Jasmin

Hindi nga ito panaginip...

Totoo ito...

Pero paanong-

"Paanong nangyari to?" Bulong ko

"Ang alin?" Tanong nilang dalawa kaya naman napaangat ang paningin ko sa kanilang dalawa

"We should be dead"

Seryoso ko silang tinitigan

"Alam mo Sun? Kulang ka lang  sa tulog" Dez and she rolled her eyes

"Inaantok pa kami Sun... pare parehas tayong puyat pa, ang mabuting gawin mo ay itulog mo nalang ulit yan. Bangungot lang yan" iling na sabi ni Jasmin at humiga na sa tabi ko ganun din ang ginawa ni Dez

"Sigurado akong hindi panaginip yun" mahina ko pang sabi

Siguradong sigurado talaga ako. P-pero paanong nangyaring nakabalik ako dito?

"Sun, itulog mo nalang yan... Kailangan mong bumawi sa tulog remember? Your party is on the evening na! You should take your beauty rest" at ibinagsak ang mukha sa unan

"Right" sang-ayon pa ni Jas habang nakataas ang isang kamay at ang mukha naman at nasa kabilang side nakaharap
"Ang panaginip ay kabaligtaran sa katotohanan"

Tama siguro sila Jasmin At Dez na panaginip ko lang ang lahat ng iyon

Wala naman na akong nagawa kundi ang mahiga sa tabi ni Jasmin habang nakatalikod sa kaniya

Tumihaya ako ng pagkakahiga at tumitig sa kisame. I hope it is all dream

I closed my eyes pero saktong pagkapikit ko ay isang imahe ang nakita ko sa aking paningin. Imahe ng isang bagay na pinasabog

Come on its all dream. Tulad nga ng sabi ni Jasmin bad dream is far from reality.

Malayo ang napanaginipan ko sa katotohanan. Tsaka sino naman ang magtatangkang pasabugin ang mansyon namin? I don't remember na may nakaaway ako o alitan na kahit sino. I'm a good girl

Aside from lim, My ex boyfriend. Nag-away kasi kami ni Lim bago kami humantong sa hiwalayan but i know him he'd never do a harmful act from me nor to everyone. I know him more that anyone else's.

Ang kulit mo sun! Sabing panaginip lang ang lahat ng iyon!

Bad Dreams is far from reality! It always opposite!

Ugh! I really hate thinking. I think i should reat more dahil kulang talaga ako sa tulog. Naalala kong nanuod pala kami nila Jas At Dez Kagabi ng Movie kaya kulang parin ang tulog ko!

Pero kagabi nga ba? O nung isang gabi? Asih! Ang kulit ng utak ko. Pero para kasing totoo talaga ang nangyari eh. Sariwa parin ang ala ala ko atsaka parang totoo talaga besides naramdaman ko ang mga haplos ng mga taong bumati sa akin

Mabuti pang ituloy ko nalang ang tulog ko!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SunsetWhere stories live. Discover now