"CRUSH"
Isang parte ng buhay ng Highschool student. Ang magkaroon ng Crush. Imposibleng wala?
Masayang magkaroon ng crush. Yung tipong makita mo lang si Crush, grabe kana kung kiligin minsan nga manghahampas kapa't magtatatalon sa kilig. Tapos minsan, sa sobrang kilig titili ka pa. O kaya naman, lagi mo syang tititigan at hahanapin, hindi pwedeng hindi mo sya makita sa loob ng isang araw. O kaya naman, asarin ka lang ng mga classmate/kaibigan mo, kahit anong pilit mong hindi kiligin o mapangiti, wala madaya ang labi mo at di mapigilan ang ngumiti. Kahit mata mo dinedesribe kung gaano ka kasaya. Sila pa nga yung ginagawa nating inspirasyon para pumasok araw-araw sa school.
Pero ako, simula elementary wala akong naging crush miski isa. Believe it or not. Wala talaga, siguro may times na magagwapuhan ako, pero hanggang dun nalang yun.
Nothing more, nothing less. Boring ba ng buhay ko? Wala eh, puro lang kasi aral at gawain sa bahay ang inaatupag ko.
Pero nagbago nung pumasok na ako sa Highschool.
-
Kriszhelle POV
Naglalakad lakad ako sa buong school para sa pasukan ay hindi na ako maliligaw. Alam ko narin naman kung anong room no. ko kaya mag-iikot ikot ako.
Nadaanan ko na ang School Cafeteria, masasabi ko lang. Ang astig! Wow lang.
Gymnasium, grabe ang laki. Tapos may mga naabutan pa akong naglalaro ng Volleyball.
Comfort Room, grabe lang. Ang laki tapos may shower room pa. Wag kayo, di aircon pa.
Nang matapos kong libutin ang buong school. Nagpahinga muna ako sa isang garden. Tamang tama at mayroong mga bench na mauupuan.
Nang makaupo ako, pinagmasdan ko ang paligid at pumikit.
Iniisip ko, ang swerte ko pala at dito ako nakapasok. Halos kumpleto na eh, may pool, may gymnasium, may basketball court, ang ganda pa ng Cafeteria, tapos waaaaa! may sari-sariling locker. Ang cute :"> Eto pa, may malaking auditorium tapos may Oval pa. Tapos ang laki rin ng Library nila, parang kumpleto lahat ng libro. Astig dba! Tapos yung mga building, depende sa Level. Kunwari Grade 7, Building 700. Yung building palang na yun ay mayroon ng room per section tapos nandun na rin yung Computer Room, Laboratory, Music Room basta, ang hirap i-explain. Sobrang nakakamangha!
Ravis International School.
Grabe pangalan palang sosyalin na.
Pagdilat ko ng aking mga mata, mayroon akong nakitang isang lalaking nakaupo sa lilim ng isang malaking puno. Nakaheadphone habang natutulog.
At ang guwapo niya. Ohemgee! Kahit medyo malayo siya sakin, tanaw na tanaw ko ang kaguwapuhan niya.
Anong level niya kaya? Sana maging classmate ko siya.
After kong umupo dun at titigan ang guwapong nilalang na yun. Umuwi na ako sa bahay upang maghanda sa pasukan.
Pero habang nag-aayos ako ng gamit bigla akong napatigil at napaisip.
Is he a have problem? By the looks in his face. Looks like he have.