Chapter 5: Flashback - The Results

68 0 0
                                    

Questioning eyes stared back at him. Nakataas ang isang kilay ni Kayla at parang ang sungit.

"Ano?"

Tumawa si Theo sa expression ni Kayla.

"Ang sungit mo talaga kahit kailan, Madam."

Mas lalong lumalim ang simangot nito sa asar ni Theo sakanya.

"Ewan ko sayo, Martheo."

Umaksyong tumayo si Kayla pero nilagay ni Theo ang kamay niya sa shoulders nito at pinigilan.

"Joke lang nga eh," reklamo ni Theo. "Chill ka lang."

"Anong gusto mo at may ginagawa pa ako."

Binuksan ni Kayla ang librong nakapatong sa armchair niya at nagsimulang magbasa. Sumimangot ulit si Theo.

"Eh, bago mo nga lang binuksan ang libro, busy ka na?"

Huminto sa pagbabasa si Kayla. "And so?"

Theo sighed.

"May itatanong lang po. Wag mo naman akong patayin," biro ni Theo.

Tumaas ulit ang kilay ni Kayla.

"Bilisan mo," demanda nito sakanya.

"Ang sungit talaga..." bulong ni Theo sa sarili niya.

"Ano?!"

Naiinis na ang mukha ni Kayla at parang gusto nang umalis sa tabi ni Theo.

"Ha? Wala. Sabi ko, kung magkakacrush ka dito sa classroom natin, sino at bakit?" Agad na sinagot ni Theo sa naiinis na Kayla.

"Huh?"

Surprised ang expression ni Kayla noong tinitigan niya si Theo.

"Ano?"

"Crush?" Parang parrot si Kayla at muntik nang matawa si Theo ulit.

"Yes, Madam President. Crush po."

"Crush ko?" Tinuro ni Kayla ang sarili niya.

"Hindi, crush ni Lapu-Lapu. Syempre ikaw eh!" Natawa na talaga si Theo kay Kayla.

Nag-blush bigla si Kayla nang sobrang pula. O baka dahil maputi lang siya at hindi sanay si Theo nakikitang nagb-blush si Kayla.

"Eh.. Uhm..," she stuttered.

"Oh?"

"Si.. ano..."

"Oh sige, hanggang bukas tayo nito."

"Kasi naman.." Hindi makatingin si Kayla sa maya niya.

"Madaaaaaam," reklamo ni Theo. "Ano baaa."

"Wala. Tanungin mo ako bukas." Tumayo si Kayla at hinila si Charice palabas ng classroom.

Napanganga si Theo sa reaction ni Kayla.

Ano naman problema non?

Naputol ang pag-iisip niya noong biglang umupo si Maria sa upuan ni Kayla.

"Anong ginawa mo kay Kayla?" Tanong ni Maria sakanya.

"Ha? Wala naman akong ginawa sakanya," depensa niya.

"Uhuh? Eh bakit pula na pula mukha non?" Diin ni Maria.

"Aba, malay ko don. Bigla nalang namula noong tinanong ko eh."

Napakamot ng ulo si Maria. "Baka natatae."

Di mapigilan ni Theo ang tawa niya sa sinabi ni Maria. "Sira talaga 'to."

Tumawa din si Maria. "Malay mo."

Shinake ni Theo ang ulo niya. May hawak na 1/2 crosswise na papel si Maria na may mga pangalan.

"Ano yan?"

Winave ni Maria ang papel sa harapan ni Theo at tinaas niya ng kilay dalawang beses habang nakangiti. "Ito ang na-survey ko so far."

"Weh?" Natuwa si Theo dahil parang mas marami pa ang na-survey ni Maria kesa sakanya.

"Yep. Si Sarah, Mayve, Jarell, Mae, tsaka si Ezra," basa ni Maria sa papel niya.

"Eh ano sabi nila?"

"Sabi ni Mayve, si Niko o ikaw. Si Jarell, si Jonas daw. Si Mae, ikaw daw. Si Ezra naman, kay Gabriel daw. Si Sarah naman, ikaw din daw o si Francisco."

3 out of 5.

"Edi overall," binilang ni Theo sa daliri niya. "Eleven na ang na-survey, kasama ka."

"Eh, sino na ba na-survey mo?" Tanong ni Maria sakanya.

"Si Janelle, Caitlyn, Denise, Ashlyn, tsaka Christine."

"Si Kayla?"

Napakamot ng ulo si Theo noong naalala niya reaction ni Kayla.

"Ewan ko don. Tanungin ko nalang bukas. Ano nalang siguro..." Tumingin siya sa mga mata ni Maria.

"Ano?" Tanong nito.

"Okay na siguro kung 15 lang isu-survey ko."

"Talaga?"

Theo nodded. "Yeah. Si..." Tumingin siya sa left side ng classroom "Si Debby. Tsaka si Charice. Ako nalang kay Kimberly tsaka Kayla ulit."

Maria raised her eyebrows. "Di na yung first row tsaka back row?"

"Okay na siguro 'to," sagot niya kay Maria.

"Sigeee." Timing na pag-tayo ni Maria, nag-ring yung lunch bell.

"Thanks, Maria."

Ngumiti si Maria bago umalis. Tumayo siya at naglakad papunta kila Dio at Johnny. Nagbibiruan ang mga ito habang kinukuha ang kanilang baon.

"Oh, Theo!" Bati ni Johnny pagkakita nito kay Theo. "Musta ang survey?"

"Oo nga Theo. Musta na yon?" Tanong din ni Dio.

"Well, 11 out of 15 na so far," sagot niya sa dalawa.

Nagsimula silang maglakad patungo sa canteen.

"Eh, ilan ang sumagot na ikaw?" Inakbayan ni Johnny ang shoulders ni Theo.

"Walo.."

Tumahol ang dalawa nang napaka-lakas sa pagkarinig nila nito.

"Mga gago. Tumahimik nga kayo." Namula ang tainga ni Theo.

"Dude! Walo! Chicks boy ka na talaga," sigaw ni Dio sa tainga niya.

Itinulak niya si Dio palayo sa nananakit niyang tainga. Tumawa lang ang dalawa ang naghi-five-an.

Inerapan niya lang ang mga ito.

11 down. 4 to go.

Flashbacks Do ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon