Chapter 3: Siblings

133 3 0
                                    

CHAPTER 3: Siblings

*Alexandra’s POV*

After ko magbihis lumabas na ko sa C.R. tapos bumalik na ko sa harap ng locker ni Brent. Nakita ko naman na nakaupo na siya sa bench sa harap ng locker niya.

“Oh, tara na?” sabi ko sakaniya. Nagulat naman ako nang kunin niya sakin yung hawak kong maduming uniform saka niya nilagay sa loob ng locker niya tapos hinila na niya ko palabas.

Habang naglalakad kami pabalik sa classroom yung mga nadadaanan naming panay ang tingin samin, ay hindi pala samin, sa katabi kop ala, wooo! Kinikilig-kilig pa sila. Well sarreh sainyo! Walang pakealam tong BESTFRIEND ko sainyo!!! Hahaha!

“Hoy! Bat nangingiti ka magisa diyan? Nababaliw ka na ba?” –Brent

“What the Hole? Ako? Mababaliw? Sa EXO at BTS pwede pa! Nakakabaliw naman talaga sila eh! Lalo na si Luhan! Pati pala si Chanyeol! Si Jungkook pa! Pati si Myungsoo or L ng Infinite! Si T.O.P. ng BigBang! Gwapo talaga nila!” sabi ko naman. PROUD FANGIRL ATA TO!

“Tss! Asdfdfjgfkjgksdj...” huh? Di ko narinig!

“May binubulong ka ba?” tanong ko sakaniya. Totoo naman eh di ko yun narinig *pout*

“Wala, wala. Halika na nga! Baka malate na tayo sa next subject natin. Si sir Santos lang naman ang absent eh!” sabi niya tapos nagmadali ng naglakad. Aba! Bastusan di naghihintay!

“Hoy! Hintayin mo ko!” sigaw ko tapos tumakbo na ko papunta sa tabi niya para masabayan na yung lakad niya.

Nang makarating na kami sa classroom namin nadatnan naming yung mga kaklase naming magulo as in ang gulo! Yung ibang upuan nakahiga na tapos may nagbabatuhan pa ng papel. Pero wa pakels! Dumeretso kami kila Stacy na nakabilog sa may likuran.

“Oh! San kayo nanggaling magbespren?” sabi ni Andrea nung nakita niya kami.

“Hinanap ko to.” Sabi ko naman sakanila habang nakaturo pa kay Brent.

“Oh, ikaw naman san ka naman galing?” Si Brent naman na yung kausap ni Andrea.

Oo nga noh? San kaya to nanggaling? Bat alam niya din na wala si sir Santos eh wala naman siya dito sa classroom kanina? Hmmm... BAKA MAY POWERS SIYA! PARANG YUNG SA EXO?!

“Ako? Dun sa campus park, wala namang teacher diba? Tsaka ayoko sa maiingay eh.” Sabi naman niya tapos humila ng upuan. “Oh, upo ka na.” Sabi niya sakin.

“Salamat!” sabi ko naman.

“Oh, bat di mo kami tinawag? Edi sana nagpractice nalang tayo?” Sabi naman ni Stacy kay Brent.

“Hayaan niyo na, edi kung nagpractice tayo edi hindi sana kayo nakanood, diba? Diba?” singit naman ni Lance.

“Oo nga noh? Thank you pala Brent ah! Bait talaga!” sabi naman ni Stacy kay Brent.

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon