Tulad Mo - Julie San Jose

95 1 0
                                    

[RAP]
Itong tula't kantang aking nais parating
Heto ang makatang bibo na malinis ang hangarin
Pakinggan ang mga lirikong aking sasambitin

Buhay ng batang nangangarap makamit ang mithiin
Sa mundong ibabaw, mga tao ay iba-iba
Simula't sapul, musmos na isip ay 'di alintana
Ang biyayang binigay sa kanya ng Panginoon
Sa kanyang palad palagi, mga dasal ay may tugon

Tila ba sa bawat pag-awit, nagmumula sa puso
Hindi sa mga labi pagtapak ng entablado
Mga taong binubulong, sinisigaw kanyang pangalan
Lubos ang ligaya sa musikang nilalaan


Ngunit sa kabila ng kanyang tinatahak na landas
Para bang may kapalit at magulo any dinaranas
Dating buhay, ang simpleng pamumuhay
Kung 'di lang sa pangarap na nagbibigay ng kulay

[Chorus]
Parang ihip lang ng hangin ang panahon
Maraming tatahakin sa bawat yugto
Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo
Tao lang naman ako
Na tulad mo

[RAP]
Kay sarap isiping ang pangarap na tinatamasa
Parang panaginip ang lahat, ika'y sagana
Ngunit hindi kayang iwasan ang mapanghusga
Na para bang tuwang-tuwa kapag ika'y nadarapa

At minsan, tinamaan nga naman ni kupido
Para bang nasa langit subalit naging kumplikado
Iniwang nakalutang at tuluyang nag-iisa
Paulit-ulit ang tanong, sino ba ang nagkasala
Nagtiwala

Kasalan bang damdamin ay tapat
Yun ang akala
Ako pala'y hindi pa rin sapat
Damang-dama, mga sugat, mahirap mawala
Hanggang sa pumatak na lang ang mga luha sa lupa

Na tila ba nabubulagan bakas ng nakaraan
Na di na dapat balikan sa laki ng kamalian
Tuloy ang buhay at pangarap sa bawat segundo
Tao lang naman ako
At dakilang macho


[Chorus]
Parang ihip lang ng hangin ang panahon
Maraming tatahakin sa bawat yugto
Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo
Tao lang naman ako
Na tulad mo


[Chorus, higher]
Parang ihip lang ng hangin ang panahon
Maraming tatahakin sa bawat yugto
Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo
Tao lang naman ako
Na tulad mo


[Chorus]
Parang ihip lang ng hangin ang panahon
Maraming tatahakin sa bawat yugto
Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo
Tao lang naman ako
Na tulad mo
Na tulad mo
Na tulad mo
Na tulad mo

Music Paradise ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon