In The Beginning

5.4K 76 9
                                    

1970

Kumatok muna ako sa pinto ni Ara bago pumasok sa loob ng kanyang kuwarto. Nadatnan ko siyang nakaupong nanunulay  kaharap ang lumang salamin. Matagal na akong naninilbihan sa kanila at dito na ako halos tumanda, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang mangatog sa tuwing mapapalapit sa kanya. Kahit sino namang katulong sa tahanang ito o kahit sa buong baryo ay may takot sa dalagitang ito--dito sa dalagitang walang mga kuko. Oo, wala siyang kuko dahil ugali na niyang ngatngatin ang sariling mga daliri hanggang sa mabulok na ang mga kuko nya at hindi na muling mabuhay pa.

May hindi ako magandang pakiramdam. Bihira magpatawag si Ara sa kanyang kuwarto, at lahat ng ipinatawag niya ay--- ipinilig ko ang aking ulo. Hindi dapat ako magpadala sa takot. "S-senyorita, may kailangan po ba kayo?'' mahinang tanong ko habang abot-abot parin ako kaba.

Hindi sya tumugon. Patuloy lang siya sa kanyang ginagawang pagsusuklay sa mahaba at tuwing niyang buhok. Baka hindi niya ako narinig kaya bahagya pa akong lumapit.

"S-senyorita Ara ipinatawag niyo raw po ako?"

Huminto siya sa paghagod sa kanyang buhok. Nakita ko sa repleksyon ng salamin na nakatingin na siya sa akin. Ngumiti siya. Napakaamo talaga ng kanyang mukha. Parang anghel ang mukha ng batang ito bagamat may kaputlaan siya. "Maaari niyo ho ba akong ilipat sa kama?''

Tumango ako bagamat kabado parin. Mahina ko siyang pinangko at mula sa kanyan kinauupuan ay inilipat ko siya sa kama na ilang hakbang lamang ang layo sa amin. Hindi naman sya gaanong kabigat sa edad niyang maglalabing-walo. Payat kasi talaga si Ara.

"Salamat ho."

"M-may kailangan pa po ba kayo, Senyorita Ara?"

"Mayroon pa ho sana kung inyong mamarapatin, Manang."

"A-ano po iyon. Senyorita?" Pinagpawisan na ako ngayon. Mukhang tama ang kutob ko na may masamang mangyayari.

"Maaari niyo ho bang suklayin ang aking buhok?"

Napatango ako bago ko kunin ang suklay. Dali-dali akong dumulog sa kanyang kinauupuan at agad ko siyang sinuklayan. Napaatras ako nang makitang naglalangis ang kanyang buhok. At habang sinusuklayan ko siya at may kakaiba akong naamoy.

Ano iyon? Bakit ganto ang amoy niya?

Malansa

Masangsang

Nakaaamoy ako ng--

--dugo?!

"M-may ipag-uutos pa po ba kayo, Senyorita?" tanong ko sa kanya matapos ko siyang suklayan.

"Maaari niyo po bang kunin ang isang kahon sa ilalim ng aking kama?"

"M-masusunod po, Senyorita..." pagkasabi ko'y tumungo na ako at sinilip sa ilalim ng kanyang kamang kinauupuan niya ang isang lumang kahong gawa sa kahoy. Heto ito at hawak ko na. Ibinigay ko iyon sa kanya.

"Salamat ho." Nakangiti pa rin sa akin ang maamo niyang muka.

"M-may ipag-uutos pa ho---"

Nagsalita muli si Ara ngunit hindi siya nakatingin sa akin. "Maaari niyo ho bang ibigay sa akin ang mga kuko niyo sa paa?"

Tumingin siya sa akin. Nakangiti ang kanyang maputlang labi gayon rin ang kanyan misteryosong mata. "Maaari niyo ho bang ibigay sa akin ang mga kuko niyo sa paa?" ulit niya sa inosenteng tinig.

Hindi agad ako nakakilos. Masisiraan yata ako ng bait sa kanyang ipag-uutos. Totoo ba ang narinig ko? Gusto niyang ibigay ko sa kanya ang mga kuko ko sa paa? Ang batang ito---baliw ang batang ito! Tama sila. Demonya ang batang ito!

"Ngunit, Senyorita---" napatigalgal ako at nahinto sa pagsasalita nang buksan niya ang kahon na nasa kanyang kandungan.

Gusto kong maluha at magsisisigaw ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Wala rin namang mangyayari kung magpapakita ako ng kahinaan sa kanya. Hindi ko pwedeng pasamain ang loob ni Ara dahil maaaring manganib ang buhay ng aking pamilya kung magagalit siya sa akin. Pikit-mata ko na lamang na pinigil ang aking damdamin kahit pa nais ko nang mawalan ng malay dahil sa nakita kong  laman ng kahon.

"Maaari niyo ho bang ibigay sa akin ang mga kuko niyo sa paa?" tanong niya muli. Ngayon ay may diin na ang kanyang tono at bakas na rito ang pagkainip.

Awtomatikong kumilos ang aking katawan dala ng matinding kaba at dahan-dahan akong yumukod upang tungkabin ang mga kuko ko sa paa. Hindi ako maaaring mamatay. May pamilya pa akong binubuhay.

Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago ko kinapitan ang aking kuko at buong lakas ko iyong hiniklat. Dinig ko ang napunit na laman nang humiwalay iyon sa aking balat at ramdam ko ang hapdi nang tuluyan ko na iyong natanggal. Napaiyak ako. Isa pa lang ang natatanggal ko pero pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa sakit.

Siyam na kuko pa...

Ganoon muli ang aking ginagawa. Tumalsik ang ilang dugo sa aking mukha nang madamay na mapunit ang ibang lamang nakadikit sa buto ng aking daliri sa paa.

Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagtulo ng aking laway.
Diyos ko, walo pa! Walong kuko pa ang tatanggalin ko. Akma ko nang tatanggalin ang isa ko pang kuko nang awatin niya ako. "Sapat na ho iyan, Manang."

Nakahinga ako nga maluwag. Nanlalambot na inabot ko sa kanya ang dalawang kukong natanggal ko sa aking paa.

"Salamat ho." Inilagay niya iyon sa loob ng kanyang kahon.

"M-may ipag-uutos pa po ba kayo, Senyorita?" nangangatog kong tanong.

Pumikit muna siya bago sumagot. Pagdilat niya, iba na ang kanyang mga mata. Mula sa maamong anyo ay nakakahindik na ito. "Maaari niyo ho bang ibigay sa akin ang inyong kanang--- mata?"

Natutol ko ang aking bibig.

"Maaari niyo ho bang ibigay sa akin ang inyong kanang mata?" gagad niyang tanong.

Napayuko ako at halos panawan ng ulirat mula sa kanyang ipinag-uutos. Paano ko susundin ang gusto niya? Paano ko iyon ibibigay sa kanya? Parang hindi ko kaya ngunit mamamatay ako at ang aking pamilya kapag hindi ko siya sinunod.

"May problema ho ba sa aking ipinag-uutos?" malumanay na untag niya sa akin.

Napapikit ako ng mariin bago ko siya tinugon. "M-masusunod po, Senyorita."

Maya-maya nga'y kinapa ko ang aking talukap at madiin kong dinukot ang aking mata. Napahiyaw ako. Napaluhod. Napahagulgol. Habol ko ang aking hininga. Damang-dama ko ang unti-unting pagpatod ng maliliiit na ugat ng aking mata sa kalamnan nito.

Kapag hindi ko ito ginawa, papatayin ako ng ama ni Ara---hindi lang ako papatayin niya---pati ang pamilya kong nagtatrabaho rito sa mansykn ay uubusin niya.

Dumaloy ang dugo sa aking mukha na nagmumula sa dinukot kong mata. Nagdidilim na rin ang paningin ng kaliwa kong mata. Nanghihina ang aking katawan at ako'y nasusuka. Para na akong mababaliw. Kakaiba ang sakit na sumasaakin. Ang naiisip ko lang aa nga oras na iyon ay kung gaano ko kamahal ang pamilya ko. Ano ba ang mata ko kapalit ng kaligtasan ng aking mahal na pamilya?

Pagapang kong inabot sa kanya ang hinihiling niya.

"Salamat ho." Kinuha niya iyon at inilagay muli sa loob ng hawak niyang kahon. Napaisip sya.

Parang nababasa ko na ang iniisip niya. Animo'y sinasabi ng kanyang ekpresyon na---may kulang pa aa koleksyon niya. Kinutuban  a ako, ngunit naglakas-loob pa rin akong mag tanong. "M-mayyy ipag-uutosh poppp baa k-kayoo, S-senyorita?" Hindi na ako halos makapag salita. Ramdam ko na anumang oras ay babagsak na ako.

Humarap siya sa akin. Madilim na ang kanyang mukha. Pumaling iyon sa sumungaw sa kanyang mga labi ang nakasisindak na pagngiti.

Sabi na nga ba, tama ang iniisip ko. Sa loob kasi ng kahong iyon, ay may mga parte ng tao. Mayroong daliri, paa, kamay, dila, at may ulo---na mukhang ang ilang parte ko na ang kukumpleto.

Umamo muli ang mukha ni Ara. "Maaari niyo ho bang ibigay sa akin ang inyong---

---ATAY?"

"END"

The Untold Story Of AraWhere stories live. Discover now