Ara Dos
Alas-Dos ng hapon
Joana
"O, Joana maaga ka yata?" bungad sa akin ni Mama.
Matamlay ko siyang tiningnan. "May meeting po kasi ang mga teachers." Umakyat na ako sa ikalawang palapag ng aming bahay. Natigilan lang ako sa pag-akyat nang marinig ko ang taxi na minamaneho ni Papa. Nakahimpil na ang kanyang sasakyan sa aming bakuran nang bumalik ako sa maliit naming sala. "Pa, mano po," salubong ko sakanya.
"Ruben, ang aga mo yata?" Ito rin ang salubong sa kanya ni Mama.
Pawisan si Papa. Hindi niya tinugon ang tanong sa kanya ni Mama.
"Heto, Joana. Gamitin mo muna itong pambayad ng upa sa computer para sa project mo." Inabutan niya ako ng limang daan.
"Salamat, Pa." Humalik ako sa kanyan pisngi bago ako umakyat. Inilatag ko ang higaan namin na isang manipis na foam sa ibabaw ng banig. Nahiga ako room pagkatapos. Minuto lang at naigupo na pala ako ng antok. Bumangon lang ako noong hapunan na at para maghugas ng pinggan. Pagbalik ko sa higaan, ay hindi na ako dinalaw ng antok. Sila Mama naman ay nahiga na sa kabilang bahagi ng foam at nagsitulog na.
Napagtanto ko na tatlong oras na pala akong tulala. Pinilit kong makatulog na rin ulit ngunit walang nangyari. Nasa isip ko na naman kasi iyong nangyari sa bahay nila Ara, at iyong babaeng nakita ko at ni Rene. Iniisip ko pa rin kung iisa lang ba talaga ang babaeng nakita namin, at kung ano ang koneksyon nito sa bahay nila Ara.
Nilingon ko sila Papa at Mama sa aking kaliwa. Tulog na tulog talaga sila, ni wala silang kamalay-malay na gising pa ako. Pihadong puyat ako nito at mahihirapan na naman si Mama na gisingin ako bukas. Natigilan ako at napaatras. Napaluha ako at nanindig ang mga balahibo ko habang nakatingin sa kaliwa. Paano kasi--sa likuran ni Mama at may tumayong babae! Tatlo lang naman kami sa bahay na 'to!
"MA?" TINAWAG KO si Mama na ngayon ay prenteng nakaupo sa harapan ng isang may edad na babae. Kauuwi ko lang at sila na agad ang aking nabungaran pagpasok ko ng bahay.
Agad namang nadako ang tingin sa akin ni Mama "O, Joana." Tumayo siya at lumapit sa akin. Nakabaling siya nang tingin sa nakaupong matandang babae habang ipinakikilala niya sa akin ito. "Siya si Madam Lumen. Dati siyang guro sa pinapasukan kong elementary school. Isa rin siyang Paranormal Expert."
Tumingin ako kay Madam Lumen. "Kamusta po?"
Maiksi lang ang buhok ng matanda na tulad ng gupit ng isang lalaki. Matutukoy na sa balat niya ang kanyang edad na sa tantsa ko'y nasa higit sitenta. Gayunpaman, halata pa rin ang tindig niya na malakas pa siya nang tumayo siya mula sa pagkakaupo.
Nagulat ako sa reaksyon niya nang makita niya ako. "Ah, Josephine, kailangan ko nang umalis," aniya kay Mama ngunit ang mga mata niya ay sa akin nakatingin.
Weirdo siya."O! Akala ko po ba sasabay kayo sa'amin maghapunan?"
Napalunok pa siya bago muling mag salita. "Hindi na," pagkasabi'y humakbang na siya palabas ng pinto at nilampasan ako.
Tinignan pa siya ni Mama bago bumaling sa akin. "Kain ka na?" Tumango ako. Ngunit bago pa ako humakbang papasok ay nilingon ko siyang nakatingin sa akin mula sa malayo. Ano kayang problema niya? Kinukutuban ako sa mga titig niya.
"Joana, halika na," untag sa akin ni Mama.
Nang dumulog ako sa lamesa, mabilis niya akong hinainan ng pagkain.
"Joana?"
Napakurap ako ng hawakan ni Mama ang aking kamay.
"Okay ka lang?" Sinilip niya ang aking mukha.
YOU ARE READING
The Untold Story Of Ara
HorrorPapasok na sa eskuwelahan si Ara nang may makasabay itong lalaki sa jeep na may akay-akay na babae. Nakilala niyang si Roli ito, ang kanyang boyfriend. Nang sundan niya ito dadalhin ang babae--- kung saan pa si madalas mag-date! Sino ang babae sa ta...