Kasi sabi niya...

90 0 0
                                    

"Bessy sige na, promise last na talaga 'to. Pumayag ka na please?"

"Eh ano nga ang gagawin ko dun? Look, mag e-extend ako ng duty ngayon kasi nga may sakit ang anak ni Faye, andami pa naming admissions dito bes, buti sa inyo dalawa nalang ang naka schedule for operation. Drop the call bes, I wouldn't go."

"Please bes, i love you talaga, pumayag ka na bessy ko. Diba nga mala-late lang si Faye? Nabasa ko kaya sa cellphone mo. Love you talaga bes!"

"Ai, nakakainis ka talaga William, alam mo ba yun! Call me after 4pm kasi busy ako! Bye!"

"Bye bessy ko.. Love you bessy!"

"Whatever"

"Love you nga bessy eh..."

"Fine"

"Bessy!"

"Okey, i love you too bes."

"Better, I'm gonna see you later bessy ko..."

The usual routine when William Alfred Tan would go out and have some date with whoever girl he wanted to impress with. Ako? Syempre, sasama sa kanila. Wrong, erase that. I am required to go with them to whatever reason God knows why. Nagmumukha lang naman akong tanga na sunod ng sunod.

And today is no different.

May bagong nurse sa hospital and from the looks of it, pinormahan na naman ng walang hiyang si Alfredo at heto nga't magdi-dinner sila. Okay na sana eh kung sila lang. Pero itong may topak kung bestfriend eh talagang isasama ako. Buti nga siya eh, matumal ang inooperahan, madalang ang naka schedule sa OR ngayon. Eh kumusta naman kaming na assign sa ER Department, naku, matapos na nga lang ang shift eh nakakalimutan naming kumain sa dami nang pasyente.

I have been employed in this hospital for 5 years already. Kung experience nga lang ang pag-uusapan eh very qualified na akong mag apply abroad. Pero heto ako't nagpapakadalubhasa sa sarili kong bansa at sa hindi ko naman sariling bayan. When I graduated college, my relatives abroad offered me lots of opportunities to choose from in whichever country I like. But I chose to stay in the Philippines and I even burned my ass out makapasok lang sa hospital, sa bayan kung saan nakatira ang pamilya niya.

Pero mas pinili kong huwag umalis kasi sabi niya, malulungkot siya.

Pinili kong huwag lumayo sa kanya kasi sabi niya, baka hindi niya kaya.

Pinili kong sundan siya saan man siya mapadpad kasi sabi niya, kailangan niya ako.

Ako namang tanga, oo lang ng oo.

Kasi nga sabi niya.

Huli na ng na realize kong, buong buhay ko umikot na sa kanya.

Lahat ng desisyon ko, inaayon ko sa kagustuhan niya.

Lahat ng ginagawa ko, para sa ikasisiya niya.

Hanggang salita nga lang pala ang kahulugan ko kasi sa tinagal-tagal na magkasama kami, sa bawat salitang binibitiwan niya lang, dun ko lang nararamdaman na may halaga ako pero hindi sa ginagawa niya...

Kasi sa bawat bagay na ginagawa niya, doon ko nararamdamang pinapatay niya ako ng paunti-unti.

At ako namang isa't kalahating tanga, hinahayaan lang...

Tulad nalang ngayon, halos maduwal na ako sa dalawang tao sa harapan ko. Bakit kaya di niya nalang isubo pati kutsara sa bibig nang babaeng 'yan ng matapos na itong pesteng dinner date na'to at makauwi na ako.

i love u, bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon