Umuwi si Ten ng bahay ng hindi man lang nakita si Markos. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi nya mawari ang mga nangyari sa kanya sa coffee shop ni Myra.
Parang sasabog ang kanyang utak sa kaiisip kung bakit ganon na lang ang kanyang naging desisyon. Kailangan nya ng mapagsalinan ng kanyang isip. Kinuha nya ang cellphone at tinawagan ang kaibigan.
- 📲 -
Myra: Hello Ten?! Sorry, nasa meeting pa ako ngayon. Bye Ten.
Ten: Okay.
- 📲 -
Malungkot na ibinaba ni Ten ang kanyang telepono at hiniga ang sarili sa kama. Doon lang nya naramdaman ang pagod sa katawan.
Napaidlip saglit si Ten nang biglang tumunog ang hawak na cellphone.
- 📲 -
Ten: Hello? *sagot nito habang nakapikit ang mata*
Markos: Ten?
Ten: O??
Markos: Si Markos to. Lasing kaba?
Ten: Tae. Umiinom ba ako? *dinilat ang mata at tumingin sa bintana*
Markos: Galit kaba? Sorry na. Wala naman kasi akong magawa sa cancelled na flight.
Ten: Walang magawa pero bakit naisip mong nagalit ako?
Markos: Hindi, kasi ano.. baka sabihin mo indian ako. Pramis Ten sabik na talaga akong makita ka.
Ten: *ngumiti* di naman ako galit. Tinext mo naman ako kanina dba? You informed me about it and I said okay lang, uwi na lng ako.
Markos: Oo, kaya nga na praning ako kasi parang na badtrip ka? Tapos pasaway pa yong signal kanina kaya nga ngayon lang ako nakatawag muli.
Ten: Markos, parang di mo naman ako kilala nyan. Balisa nga ako kanina pa dahil nag alala ako sayo. Ilang beses ko din dinayal yong number mo.
Markos: talaga Hortencia?! *excited na sagot nito* haaay.
Ten: Okay ka lang? Nag pa-pot session kaba dyan? Parang adik lang eh.
Markos: *tumawa* Miss na talaga kita Ten!! Kita tayo bukas okay?
Ten: yes please!! Kailangan ko talaga ng makakausap. *huminga ng malalim*
Markos: Tiis lang muna, uuwi na si bespren kahit ano pang bagyo ang dala ng bukas. *evil laugh*
Ten: *napatawa sa tawa ng kausap* sira ulo! Narinig ko nga sa balita kanina, palabas na daw ng pinas ang bagyo. San ka nga pala ngayon?
Markos: Sa hotel. Chineck-in kmi dito ng airlines. Okay lang naman ang health ko kaya wag kanang mag-alala kasi kinikilig ako.
Ten: Di na ba maitago ang nararamdaman? Ha pre?
Markos: Di kana yata manhid? PRE. *with emphasis sa huling salita*
Ten: pahinga kana. Text kana lang bukas kung sure kanang magpapakita.
Markos: Okay Hortencia. Alagaan mong mabuti ang puso mo. Nalilito na eh. *tumawa ng malakas*
Ten: bwes**! Sasalubungin talaga kita ng sipa bukas. Kung alam mo lang Pre. *umarteng parang iiyak* Well, kakayanin ko na lang ipagpabukas to.
BINABASA MO ANG
ANTIPARA
Short Story🌵 OneShotStory(Completed) ●May mga panahon sa buhay na nagiging malabo ang ating paningin. Dahilan na kailangan nating tutokan upang maling desisyon ay maiwasan. -------------+ 🌵 Para hindi mawala basahin muna ang Story 1, 2, & 3 ng Your Racing He...