"Daniela, Leandro!" Tawag ng isang magandang babae sa aking mga magulang. She looks like an older version of my Mom, mas mahaba ang buhok at may mga wrinkles na sa mukha. Siguro ay nasa early 50's na siya, si Mom kasi 41 pa lang.
Malaki ang kanyang ngiti nang kami'y salubungin, niyakap niya pa sila Mom bago nalingon sa akin. Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa, makikita sa kanyang mukha ang labis na pagkamangha.
"S-si Lucia na ba ito? Dalagang-dalaga kana talaga!" Hinaplos niya ng marahan ang kaliwa kong pisngi. I feel awkward, 'cause I can't even remember her name. Who is she, again? All I know is that we're going to visit my mom's province, where her cousin currently lives.
Isang maliit na ngiti na lamang ang naisagot ko sa kanya. Agad niya akong hinila para sa isang mahigpit at mainit na yakap. Matapos ay iginaya niya kami papasok sa isang malaking bahay na may kalumaan ang disenyo.
Madaling araw pa lang mula nang umalis kami from Manila but it's 3 o'clock in the afternoon when we arrived, thanks to the unending traffic and weirdo farmer, I guess? Kamuntikan na namin siyang masagasaan kanina, mabuti lang at pumreno agad si Dad. I admit na gwapo talaga yung farmer at papasang model dahil ang ganda rin ng katawan, I can't help but praise him. May pagka-marungis at weird nga lang. Tulala kasi siya habang naglalakad kaya hindi namalayan yung kotse namin.
Nuong una, ayoko talaga sumama rito. Hindi ko ma-imagine na ubusin ang vacation break sa isang probinsya lang, but now, I'm gonna take it back. This old house is very new to my eyes.
Iginala ko ang aking paningin sa paligid, hindi ko mapigilan ang pagkamangha. Para akong nag-time travel. Ang mga disenyo at kagamitan ay talagang luma na at parang panahon pa ng kastila ang dating.
"Sia, I think you should fix your things first. Your Tita will guide you to your room." My Dad said that made me stop from scanning the fascinating place.
"Your Dad is right, hija. Kukuhanin lang namin yung iba pang gamit at mga pagkain." Dagdag ni Mom, saka kami iniwan ni 'Tita' sa loob. Nginitian niya naman ako at saka sinamahan paakyat.
Sa ikalawang palapag, dumiretso agad kami sa gawing kanan. Ang unang kwarto ay ang magiging kwarto nila mama, habang ang pangalawa na nasa dulo ay ang akin. Ang sa gawing kaliwa ng palapag ay may dalawang kwarto rin, siguro kay Tita yung isa. I wonder kung kanino, or kung para saan ang isa pang silid.
When we entered my room, inilibot ko agad ang aking mga mata. Simple lang ito at sapat ang space para sakin, though it's bigger than my bedroom in Manila. The bed is at the left side and the cabinet is at the other side, may coffee table ako sa gilid ng kama at may mga painting din na nakasabit sa dingding. May maliit na booksheves sa tabi ng cabinet and there's a huge window at the center na naka-agaw ng aking pansin.
Isang malawak na taniman ng iba't ibang kulay ng bulaklak ang nakita ko. Hindi kona namalayan na nabitawan ko pala ang aking duffle bag sa sahig. Naglakad ako papalapit sa bintana at naramdaman ko ang malakas na ihip ng sariwang hangin. Napakaganda ng tanawin, I could last a whole day with just staring at this beautiful scenery.
"Sinabi kona nga ba't magugustuhan mo sa kwartong ito. O siya, iiwan na kita rito." Narinig kong paalam ni Tita. Ni-hindi kona siya nalingon, dahil sa matandang babae sa labas na nakatanaw din sa mga bulaklak.
Nakatalikod siya sa akin, kaya ang mahaba at maputing buhok niya lang ang aking natatanaw. Nakasuot siya ng isang bestida na kulay dilaw. It's very hot outside, I wonder why she's just standing there? Dapat nagpayong man lang siya o kaya nag sumbrero.
"Lucia, bumaba kana. Mag-miryenda ka muna rito!" Tawag sa akin ni Tita. I cringe when I heard it again. It's so baduy sa pandinig, kaya Sia ang mas preferred ko. Maybe, I'll tell her later.
YOU ARE READING
Lucianna's Wish
Romance"Sa susunod nating pagtatagpo, ang hindi maaari ay ipaglaban parin ng nag-aalab na mga damdamin." Lucianna's Wish Ersteal All rights reserved. 2020 The picture used on the book cover is not mine, credits to the rightful owner.