“Matapos marinig ang makapanindig-balahibong palahaw ng kaibigan ay agad siyang nagtago sa ilalim ng sasakyan—““Teka nga, tama na yang mga kuwentong nakakatakot. Boring na eh.” Reklamo ni Erik na hindi na pinatapos pa ang kuwento ni Josephine.
Kasalukuyan kaming nakapalibot sa bonfire na ginawa namin upang magpainit dahil napakalamig ng hangin dito sa campsite na napili namin. Tulad ng nakasanayan, nagkukuwento si Josephine ng mga nakakatakot na istorya para daw hindi maging boring ang gabi namin.
“Asus, ang sabihin mo, natatakot ka na.” Sumbat naman ni Ryan dito.
“Pwede ba, hindi ako bakla gaya mo ‘no.” ganting pasaring ni Erik.
“Ako? Bakla? Baka gusto mong halikan kita jan?” pang-aasar pa ni Ryan na sinundan niya ng halakhak kaya naman napangiwi nalang kaming lahat.
“Eh ano nalang ang gagawin natin kung ayaw niyo na sa kuwento?” tanong ko nalang para matigil na ang dalawa sa bangayan nila.
“Ah! Alam ko na! Tutal naman ay nasa gubat tayo, at saktong may buwan pa, why not play hide and seek?” excited na sagot ni Josephine.
“Tagu-taguan eh aapat lang naman tayo. Boring ‘yan.” Salungat ni Erik kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Josephine.
“Lahat naman ata boring sayo eh. O baka nga natatakot ka talaga?” pang-aasar ko kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.
“Gago, hindi nga kasi ako bakla. Buntisin kita jan eh. Sige na nga, basta si Josephine ang taya tutal siya naman ang naka-isip.”
Nagsitayo na kaming lahat at humarap na si Josephine sa isang puno, tanda na magsisimula na siya sa pagbibilang. Kaniya-kaniya naman kaming hanap ng mapagtataguan.
“Tagu-taguan, maliwanag ang buwan,” pagsisimula niya, gaya ng kantang isinisigaw ng mga bata sa tuwing maglalaro sila ng ganito.
“Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo,” nagtago ako sa isang punong malapad, medyo may kalayuan sa kaliwang bahagi ng bonfire.
“Ang mahanap ko, ay papatayin ko,” pagpapatuloy niya pa. Sira-ulo talaga, pati ba naman sa laro eh nagbabalak pang manakot.
“Isa…”
“Dalawa…”
“Tatlo…”
“Apat…”
“Lima…”
“Anim…”
“Pito…”
“Walo…”
“Siyam…”
“Sampu…”
“Ready or not, here I come.” Pagtatapos niya sa chant na sinundan niya pa ng halakhak.
Tahimik lamang ako habang nagtatago. Mahirap na, baka ako pa ang maging taya sa next game. Naririnig ko ang mga hakbang niyang papalayo sa direksyon ko, tandang una siyang nagpunta sa kanang gawi ng bonfire.
“Bulaga!”
“AAAHHH!” rinig kong sigaw ni Erik na tila ba takot na takot. Tangina, sabi na nga ba bakla siya eh. Gusto kong tumawa ng malakas pero pinipigilan ko ng husto ang sarili ko. Baka mamaya marinig pa ako.
Muli kong narinig ang halakhak ni Josephine. Naririnig kong papunta siya sa gawing timog mula sa bonfire. Lakad lang siya ng lakad hanggang sa hindi ko na marinig ang mga yabag niya.
“Found ya!” sigaw muli ni Josephine.
“WAAG—!!“ rinig kong palahaw ni Ryan. Nanindig ang balahibo ko ng mapagtantong tila ba kakaiba ang mga sigaw nila. Para silang takot na takot, samantalang naglalaro lang naman kami.
YOU ARE READING
Hide and Seek
Mystery / ThrillerLet's play hide and seek! -- This is a oneshot story.