02

5 1 0
                                    

Bestfriends

"Sige, kita na lang tayo bukas, grabe pagod na ako," sabi ko kay Janaia, bestfriend ko.

Galing kaming UKB Congressional kanina, bundat pa nga ang tyan ko sa sobrang dami naming kinain.

Nagpahinga muna ako bago ako maglinis ng katawan. Hinihimas himas ko pa ang tyan ko na akala mo buntis kung titignan.

Napatawa ako at biglang pumasok sa isip ko si Felix, crush ko. Sa totoo lang matagal ko na siyang gusto, pero kahit kanino hindi ko kinukwento. Hindi ko kasi gusto na asarin kami, baka lumayo ang loob niya sa akin.

HumSS student si Felix at top sa strand niya, kaya super plus pogi points 'yon para sa akin.

Nang makapagpahinga ako ay naligo na ako at nagpalit ng pajamas. Inumpisahan ko na rin gawin ang activity namin sa Accounting.

Pero sa sobrang bored ko mag-analyze ay kinuha ko na lang ang cellphone ko at nagbrowse sa TikTok.

*Pop

"OMAYGHAD! SHIT, SI FELIX. PUTCHA."

Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang chat niya. Ito na ba 'yung bunga sa pagpapapansin ko sa kan'ya tuwing may Student Council meeting kami?

Tinawagan ko muna si Janaia para ibalita ang nalalapit na pagharot ko!

"Oh b!tch, bakit ka napatawag?" Walang ganang sabi niya.

"SHIT NAIA! SI FELIX, NAGCHAT SA AKIN. PUTCHA, ITO 'YUNG CRUSH KO SA HUMSS!" Excited na sabi ko sa kan'ya.

"Sinong Felix 'yan, wala akong kakilala sa HumSS girl," walang ganang sabi niya.

"Ito parang wala namang pake. Wait, send ko sa'yo profile niya. Shit ang gwapo talaga!"

Kaya naman sinearch ko siya agad sa Facebook at ini-screenshot ang wall niya.

"Ayan check mo, gagi ka!" Parang uod na binudburan ng asin kong sabi.

Bigla siyang nag request ng video call, kaya sinagot ko kaagad.

"Oh ano? Gwapo diba?!" Tanong ko.

"Hala ka. Ano na bakla, na-reply-an mo na ba?" Excited na rin niyang tanong sa akin.

Kaya naman napangiti ako sa sobrang kilig, suportado ako nito sa kalandian ko.

"Hindi pa nga e, ano kaya ire-reply ko?" At gumana na ang malanding utak ko. "Baby kaya agad itawag ko," sabi ko at sabay kaming humalakhak.

"Hayop ka, ang landi mo talaga!" Sabi niya at lumakas pa ang tawanan namin.

Nagulat ako kasi nagchat nanaman siya.

"Sis, nagchat nanaman. Bye na muna, mag-uusap na kami ng boyfriend ko," sabi ko at maharot sa tumawa.

Pagkababa ng tawag ay tinignan ko agad ang message niya.

Felix:

Hello Gia, I requested the President na ikaw na lang makasama ko sa presentation sa Team Building natin. Is that okay with you?

Ako:

OO NAMAN, MAKASAMA MO PA HANGGANG TUMANDA, PWEDENG PWEDE!

Pero syempre, hindi ko sinend. Lowkey landi lang dapat tayo, dalagang pilipina e.

Tinignan ko pa ang isang message niya.

Felix:

Uhm pinapasabi rin na si Janaia raw ang gagawa ng slides for the presentation. Wala kasi akong contact, kaya pasabi na lang. Thank you.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One ShotsWhere stories live. Discover now