"Honestly before you, I've always felt like I was out of sync from this world" tila nalulunod ako sa nangungusap niyang mga mata habang ang nangangatog niyang kamay ay kusang hinanap ang akin.
"Pakiramdam ko hindi ako taga rito. Hindi ko maintindihan ang mga bagay bagay, sa tuwing sinusubukan kong sumabay daig ko pa 'yong insektong nagbabalat-kayo na pilit nagtatago kahit na ang ending eh mahuhuli siya"Nang maramdaman ko ang bigat na nadarama niya ay kusang gumuhit ng maliliit na bilog ang mga kamay ko sa likod ng kamay niya, kumbaga ba ay sinusubukan kong pakalmahin ang bagyo ng damdamin sa loob niya.
"Bass, ang hirap umabante nang walang kasiguraduhan. Ang hirap sumabay habang dala dala mo 'yong katotohanan na walang makakaintindi sa'yo pero lahat sila iniintindi mo. Bass, nakakapagod na palagi na lang akong kumakapit sa manipis na hibla ng mga kamalayan nila"
Sumandig siya sa balikat ko at saka pumikit. Alam kong marami pa siyang gustong sabihin ngunit hindi na niya mahanap ang mga salitang gagamitin para rito. Isa pa, alam na namin sa isa't isa na hindi na namin kailangan ng mga pagpapaliwanag tila ba may koneksyon na nagdudugtong na sa aming dalawa.
"Maybe, just maybe" ipinaling niya ang ulo niya palingon sa akin, naghihintay na maituloy ang sasabihin ko. "We don't need to be in the same pace as them. Love, it's their world and we're just living in it so why don't we just make it as worthwhile as we can?" humigpit ang kapit niya sa kamay ko nang matapos niya akong pakinggan.
"Will you stay with me?"
"Will you let me stay with you?"
Kinuha ko ang kanang kamay niya at saka ito ipinatong sa dibdib ko. Sapat na siguro ang lengguwahe ng puso ko upang masagot ang mga pagdududa niya.
"Bass" it's been four or five years. Honestly I can't even remember because I was off the track when things happened. All I know was it's been too long.
Too long to know that if I would see him again it wouldn't be my name that I wanted to hear from him.
"Hey Tangerine! You're here" hindi ko pa rin magawang paniwalain ang sarili ko sa nangyayari ngayon. Naiba ba ang ikot ng mundo oh bumalik ang oras sa mga araw na hindi pa pinapaniwala ni Tangerine ang sarili niyang hindi niya ako kailangan?
"Yeah, I tagged along with Prim eh kaso I lost her in this sea of people and I saw you" ni walang bakas ng nakaraan sa emosyon niya ngayon. Samantalang ako ay halatang halata na punong puno ng pagtataka. "I really don't want to walk around alone here you know also I think this is a good time to congratulate you" tila huminto ang oras at bumagal ang pagdaloy ng dugo sa katawan ko nang bigla siyang lumapit para yakapin ako.
"Congratulations on achieving your dreams, Bass"
Sa saglit na oras na 'yon ay napagtanto ko sa sarili ko na hanggang ngayon, iisang tanong pa rin ang paulit ulit kong isasagot sa kanya.
Will you let me stay with you?
"How's the married life treating you?"
Ang pait. Gusto kong idura ang bawat salita ng pagsisisi nang itanong ko sa kanya 'yon.
"I never married Daff, Bass. I realized I can't so I called it off"
Suddenly, I felt like I was out of sync once again.
"Bass si Tangerine nga pala! Kaibigan ko" akmang kakamayan na ni Tangerine si Bass nang salubungin ito ng binata ng isang mahigpit na yakap. Kaya kahit pa medyo nalilito ay yumakap na lang din ito pabalik.