I closed my eyes as I entered. I love how it feels like home. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo pero nanatili akong nakapikit. How I missed this. Ilang taon kong hinanap ang ganitong pakiramdam and now I'm here. I still remember the quietness and how relaxing it can be. It's really good to be back."Uy hala sorry." Hindi ko napansin na may pumasok pala.
"Paharang harang ka kasi sa daan miss." Tumaas naman ang kilay ko.
Ang lakas niyang manisi, siya naman tong nakabangga sa akin. Alam kong may kasalanan ako dahil nasa pinto ako pero may kasalanan din naman siya ah.
"Nabangga mo din naman ako pero di ka manlang nag sorry."
Sinira niya na yung moment ko. Nakasimangot akong pumunta sa favorite spot ko. Yung malapit sa bintana. This is supposed to be a happy day kasi nakabalik na ako dito after 4 years tapos masisira lang dahil sa isang lalaking walang manners.
Pinagmasdan ko ang kabuoan ng library. Wala paring pinagbago. Malinis at maayos ang mga libro at halatang alagang alaga, may pakunti kunting nakaupo at matiyagang nagbabasa, at nakakagaan parin sa pakiramdam tuwing nadito ako.
Lumapit ako sa hilera ng mga libro at dahan dahan kong pinapadaan ang daliri ko sa bawat librong madadaanan nito. Sinisilip ko ang mga pamagat at pumipili ng librong babasahin nang mapatingin ako sa kabila mula sa siwang ng libro. Bigla naman akong umayos ng tayo at lumipat nalang. I don't want to ruin the mood, again.
I am halfway from reading Don Quixote when an annoying, ugly creature sat in the chair in front of me. Hindi ko nalang pinansin o tinapunan ng tingin dahil alam ko na kung sino ito.
"Ay galing lang sa maynila, di na namamansin. Gah naman eh." Umirap nalang ako sa hangin at hinarap siya.
He looks neat. I mean, compared sa itsura niya 4 years ago, he became a lot more handsome. Halatang kilala niya na ang tinatawag na gel at natutunan na ang salitang workout. Gwapo naman siya noon kaso payatot tsaka mukhang dinalaan ng kalabaw ang buhok.
"May isa na namang nabighani sa kagwapuhan ko mga kababayan. Hindi na maalis yung tingin oh." Natawa naman ako sa sinabi niya. Mukhang mas tumaas din ang confidence ng isang to. Lakas magbuhat ng sariling bangko eh.
"Ayun oh, tumawa po siya mga kababayan. Maiinlove sakin to, pustahan." Pasimple ko naman siya binatukan at inirapan.
"Feeler ah. Ganyan ba nagagawa pag natuto na mag gel?" Natawa naman siya sa sinabi ko at taas noong pinagmalaki sa akin ang pagbabago niya na parang model. May nalalaman pang pag flex ng muscles sus.
"Pwede na ba?"
"Anong pwede na?"
"Pwede na ba akong mag asawa? Mas mabuti kung ikaw sana." Parehas kaming hindi kumibo at pagkatapos ng ilang segundo ay sabay kaming natawa. Nakakainis talaga itong lalaking to. Natigil lang kami sa tawanan nang sitahin na kami ng librarian.
"Ang ingay mo kasi gah. Bilib ka naman sakin niyan. Galing ko no, rhyme gah, rhyme." Mukhang hindi parin nagbabago ang kakulitan nito.
Hinila niya ako palabas ng library at dinala niya ako sa paborito naming kainan.
La Guada
"Eli, kailan ka pa bumalik? Naku alam mo ba, lagi dito si Declan, miss na miss ka na daw kasi." Pigil ang tawa ko sa sinabi ni tita Mila.
"Kahapon lang po ako nakabalik tita. Mahal lang talaga ako ni Declan. Alam mo ba tita lagi niya akong tinetext na miss niya na daw ako kaya bumalik na daw ak---"
YOU ARE READING
Querencia
Teen FictionHe walked into my life like he always belonged there. What a wonderful thought it is that some of the best days of our lives haven't happened yet.