These past few days sobra akong nacu-curious sa narinig kong pinaguusapan nina Alexander at ng mama niya. I didn't bother to ask Alexander about it. Sasabihin niya yun kung gusto na niya. At habang hindi niya pa iyon nagagawa, all I have to do is to wait.
"Kailan mo balak sabihin kay Alexander na alam mo na na may tinatago siya sayo?" Tanong sa akin ni Jacque.
Nakipagkita ako sa kanya ngayon kasi kailangan ko ng makakausap. Nababaliw na ako kakaisip sa bahay.
"Hindi ko alam. Bakit kasi hindi niya pa sabihin." Sagot ko.
Ang point ko is bakit mas pinipili ni Alexander na itago sa akin ito? Bakit ayaw pa niya sabihin?
"Hala! Baka may ibang babae si Alexander." Napatingin ako sa kanya.
"Tapos nabuntis niya at kaya hindi pa niya sinasabi sayo ay dahil pinapipili siya ng babae between sa kanila ng bata o ikaw. At dahil mabait si Alexander at alam niya na may resposibilidad siya dun sa bata ay~" Agad ko na siyang sinubuan ng cake para tumahimik. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa pinagsasabi niya eh."Wag ka ngang OA. Hangga't hindi sinasabi sa akin ni Alexander ang lahat wag muna tayong mag conclude." Ani ko. Napatango naman siya habang patuloy sa pag nguya ng cake.
"Sino nga yung bestfriend ni Alexander?" Tanong niya sa akin.
"Si Ian." Matipid kong sagot.
"Nakausap mo na ba siya? Baka may alam yun." Natahimik ako sa sinabi ni Jacque. Tama si Ian! Bakit hindi ko yun naisip?
Damn! Jacque you're so genius.
---
Agad na kaming tumungo sa condo unit ni Ian. Sana andito siya.
Kumatok na ako sa unit niya at ilang sandali pa ay binuksan ito ni Ian.
Thank God he is here!"Kate?" Halatang nagulat siya na pumunta ako dito.
"Can we talk?" Wika ko.
Pinapasok niya kami sa loob ng unit niya. Naghanda siya ng makakain at juice.
"Tungkol saan ba ang paguusapan natin?" Tanong niya.
Magulo ang kanyang buhok at halatang naistorbo namin ang tulog niya.
"May alam ka bang sikreto ni Alexander?" Napakunot siya ng noo.
Hays, mukhang walang alam ito ah. O baka nagkukunwari lang na walang alam."What do you mean?" Aniya.
"May alam ka bang hindi niya sinasabi sa akin?" Diretso kong sabi.
"Wala. Bakit may dapat ba siyang sabihin sayo?" Wika niya.
Wala ngang alam si Ian. Damn, Alexander I didn't know that you could be this mysterious.
Hindi na ako nagsalita pa.
I felt like I have to find out something, but I have no clues. What should I do? And where should I start?
---
Hinatid na ako ni Jacque sa bahay. She adviced me na wag ko masyadong isipin ang lihim ni Alexander. Para daw less stress sa akin. I wish na ganun nga kasi sobrang nababaliw na ako kakaisip.
Nadatnan ko si Papa sa sala na nanonood ng palabas. Hindi pa kami nagkakausap ng masinsinan magmula noong ipinakilala ko si Alexander sa kanila.
"Kate, tabihan mo muna ako dito." Alok niya sa akin.
Umusog siya ng konti para makaupo ako sa tabi niya.
"Sino ang humatid sayo? Si Alexander ba?" Tanong niya.
"No, Papa. Si Jacque yun ." Sabi ko.
"Invite Alexander for dinner tomorrow." Wika niya na siyang ikinagulat ko. I mean, tama ba tong naririnig ko? He is inviting Alexander for dinner?
Tumingin siya sa akin.
"Hindi naging maganda ang unang pag-uusap namin and I thought that I should give him a chance to prove himself to me. Besides I know that he wouldn't hurt you." Dugtong pa ni Papa. Napangiti ako. I can't wait to tell Alexander about this.
"Thank you so much, Papa!" Niyakap ko siya. I can see na talagang bumabawi na sa amin si Papa at yun rin ang gustong gawin para sa kanya.
Kumalas siya sa pagkakayakap ko."Ang laki na ng baby girl ko. May boyfriend na. Parang kailan lang noong una kitang nakarga sa mga braso ko, ngayon you're already a lady." Medyo naging emosyonal si Papa at ganun na din ako.
"Don't worry Papa even though I am already a lady now, I would always still be your baby girl." A tear escaped my eye. Muli akong niyakap ni Papa. I miss this so much.
Pinahiran ko ang aking mga luha ng biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Ingrid na papalapit sa amin. May dala siyang shopping bags siguro namili ng mga dadalhin niya sa London next month.
"Ate, nasa labas si Kuya Alexander. Gusto ka daw niyang makausap." Bumilis ang tibok ng aking puso sa sinabi ni Ingrid.
Buti at nandito ka Alexander kasi kailangan na talaga nating mag-usap.
YOU ARE READING
When She Finally Meets Her Match
Teen Fiction"I love him with all my heart. He changed me and what I am right now, I owe it to him. He is the reason of my everything." -Kate Malia Santiago COMPLETED.