Makabagong Mundo

16 2 0
                                    

Nanlalamig ang gabi
Inaalala ang sandali,
Sandaling panahon ng kasiyahan
Sisimulan ko sa nakaraan
At tataposin ko sa kasalukuyan

Ang Nakaraan
Nakaraang panahon na ang lumisan
O pwedi rin nating sabihing panahon ng nalipasan
Mga panahong tayo ay nagkasiyahan
Panahon ng ating kabataan
Panahong malayo sa sakuna
Panahong malayo sa droga
Ito ay panagon ng ako'y bata pa

Tinanong ko si Ina'y
'Inay pwedi ba akong maglaro?'
Maglaro kasama ng mga kaibigan ko
Larong tagu-taguan, luksong tiniik, at tumbang preso
'Inay pwedi po ba?'
Kasalukuyan
'Anak kumain kana'
'Inay mamaya na naglalaro pa akong Ml'
'Anak mga kaibigan mo naglalaro'
'Nay hayaan mo sila nagti tiktok ako'

Hay, mundong ibabaw
Bahay kubo, tagu-taguan, piko, patintero langit,-lupa, taya-tayaan
Ay tuluyan ng kinalimutan
Ano ng mangyayari sa hinaharap?
At sa susunod na henerasyon naman kaya?
Bilang isang kabataan
Nakakabahala sapagkat,
Kaya ng ipakita ang mga
maseselang bahagi ng katawan

Namulat ako sa makabagong mundo
Ang pagtatalik ay hindi na isang banal
Ang pagiging birhen ay naging malaking isyu
Namulat ako sa makabagong mundo
Ang pagiging may magandang mukha ang naging batayan
Kumpara sa may bukal na kalooban
Namulat ako sa makabagong mundo
Na ang kamalian ang mas pinapahalagahan
Kaysa sa katotohanan

Ito ang makabagong mundo na unti-unting
Winasak ng sangkatauhan
Na kung dati, lahat ay tahimik
Na kung dati ang mga tao'y
Walang nararamdamang inggit
Na kung dati sa Diyos
Lahat ay nanalig
Ngayon ay napalitan na ng teknolohiya
Bagong mundo
Modernisadong mundo
Magulong mundo
Kaya pa kaya nating ibalik ang tahimik
At masaya nating mundo?
O hahayaan na lang na ang mga tao ay
Wala ng paki sa mga kapwa nila tao
At nalimot na ang turo ng Diyos
Na magmahalan ng totoo?
Sana kaya pa. Sana

Qoutes, Poems, and PoetryWhere stories live. Discover now