EAST'S POV
Nasa gate palang ako panay na ang bati ng mga students sa akin, hindi ko sila pinansin dahil alam ko kung anong habol nila sakin. Akala siguro nila madali akong utuin, well, they're wrong. I won't do the same mistake again, never as in never.
Nagpapa-pansin lang naman sila sakin dahil mayaman ang pamilya ko, at dahil narin sa mga nagagwapuhan kong kuya. Tatlo sila, sina kuya West, North, and south.
Syempre, mawawala ba naman ang East?
Duh. Ewan ko ba sa parents ko, hindi ko alam kung bakit East ang ipinangalan sa akin. Ang weird lang, pero hindi naman sa nagrereklamo ako, nagtataka lang.
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa hallway ng may nakabangga sa akin, dahil sa dami ng librong dala nya aabutin sya ng syam-syam. Kaya nagpasya akong tulungan sya, sabay kaming tumayo, at doon ko lang nakita ang buong mukha nya.
My ideal guy.
Tama lang ang taba nya, chubby cheeks, mapupungay na mga mata, matangos na ilong at natural na mapupulang mga labi. Hindi ko masyadong makita ang kulay ng mata nya dahil sa makapal na salamin na suot nya.
Damn, so cute.
"I will not asked for your forgiveness because i didn't mean it." diretsang sabi nito, napatanga ako, he is too straight-forward. Tumango ako at nginitian sya, of course, he's my ideal guy.
"No problem, it's my fault too, hindi kita napansin kanina." ni wala man lang akong nakitang katiting ng reaksyon sa mukha nya.
"Okay, gotta go." agad syang naglakad papaalis, i smirked. He is too adorable for me, i like him already.
Nang makarating ako room sa 203, agad akong napangiwi ng mapansin ang masamang titig ng prof namin.
"You are late again, Miss Martinez. This is your last warning, take your sit."
I can't help to rolled my eyes, masisi nya ba ako? Ang laki kaya nitong paaralang ito, anong akala nya sa akin? Si superman? Duh.
Umupo ako malapit sa bintana, im collage yet im not interested in studying. I just want to manage our company already, but there are terms and policy that i need to obey. I need to graduate in collage so that i can take care of our company.
Well, balak kong magtrabaho mona ng two years sa sarili naming kompanya, tapos mag-iipon ako para makapagpatayo ng sarili kong negosyo.
I want to stand on my own feet, ayaw kong umasa sa pera ng mga magulang ko. Wala namang problema sila dadda at momma, supurtado din ako nang mga kuya ko.
Magsasalita na naman sana ang prof kaso bumukas na naman ang pinto, akala ko ba ako palagi ang late dito sa room namin? Bakit may---
"Everyone, please welcome your new classmate, he is a transferee from abroad. Go introduce yourself," sabi ng prof, i rolled my eyes, another wealthy students.
Ibinaling ko nalang ang paningin ko sa labas, kaya gusto kong malapit sa bintana ang inuupuan ko e, kasi kapag boring na ang klase, tumitingin nalang ako sa labas ng room.
"Hi, Im Jaze Villafuerte." when i recognized the voice, i stilled. That voice, agad akong tumingin sa nagmamay-ari ng boses. At tama nga ako, sya yung lalaking nakabangga ko kanina. Ang he's wearing his usual expression again.
Jaze huh? Nice name.
"That's it?" hindi makapaniwalang tanong ni prof sa kanya, tumango sya bilang sagot. "O...kay, take your sit. And now..." hindi na ako nakinig pa sa mga sinasabi ng prof, nakatitig lang ako kay Jaze habang papalapit sa akin... este sa katabi kong upuan.