Chapter 2

107 4 3
                                    

"wohoooo! ay sa wakas na tapos na din tayo! halikayo guys! libre ko kayo ng quek quek!" proud na proud na sabi ni lee, yung pianist namin, hayun! tumakbo na kasama nilang angelo quekquek nga lang pagkakaguluhan pa?!                                                                                                                           nauna nalang sila samin, sinamahan ko pa kasi si ruru na nag-lolock ng studio, sa kanila kasi to, kaya sobrang caring siya pagdating sa studio. 12'00 na, 4 hours nalang pupunta na ko sa school. usually 2:00 kami natatapos, pero may project pa kasi akong gagawin kaya sinabihan ko si ruru na 12 lang kami matapos :D malakas ako nito eh!

siguro curious na naman kayo kung bakit di nag-aaral bandmates ko no?! ahahahahah. well, college na sila except ruru, sila angelo next semester pa papasok, si ruru naman, nag stop siya ngayon kasi parang epapa-lipat daw siya ng school ng parents niya, di niya alam saan. si Ruru kasi yung type na di umaangal sa parents, lalo na sa daddy niya, gnyan talaga pag mayayaman di ba?

naglalakad kaming dalawa papunta sa stall ng quekquek, nakita na namin sila  angelo na parang batang kumakain ng quekquek.

"Espren, you heard na about sa new album ng bangtan?" tanung ni Ruru sakin.

shocked kayo dun no!? ahahahahaha yeah! fanboy din si Ruru sa kpop ^_^ kaya nga naging boy best friend ko to eh, isa siya sa mga taong nakakarelate sakin. Kaya din kasi sobrang daming fans nito kasi para na ngang koreano! guitarist pa! hahay buhay! ang hirap talaga pag pogi yung ESPREN mo -_- espren yung tawagan namin, enemies+friend, hate na hate na love na love namin yung isa't isa eh.

"yeah! bakit bibili ka es?" es... short for espren.

"ahhh oo. ikaw? di ka bibili?" tanung niya sakin.

"tsk, di na! madodownload nman yan sa youtube eh! ^_^ pero, pwede mo kong bilhan! ahahahah"

"ano ka siniswerte? hoy! late ka pa nga kanina bibilhan pa kita!"

ahahahahha natawa nalang ako sa mukha ni Ruru! ang iba talaga ng attitude niya paglabas ng studio :D

"oh, heto, tignan mo es" may binigay siyang blue na paper sakin, hinihintay kasi namin sila angelo na matapos kumain, di namigay yung mga baboy! -_-

"ha? ano to?" tinanung ko siya.

"hala! di pwedeng basahin mo nalang!" naiiritang sabi niya, tumawa nalang ako.

binasa ko nalang yung nakasulat sa papel, habang nakatingin lang sakn si Ruru, ang sabi sa papel, uhmm.. bighit auditions held on.. okay.... please fill up the form.... ahh.. to submit audition peice.... ahhh audition pala... ah okay

"WAIT????? WHAT!? BIGHIT ?! AUDITIONS?! DITO?! AS IN LIVE!? NA MERON TALAGANG PUPUNTA DITO PARA MAG-AUDITION?! SERYOSO!? WEEE? DI KAYA ONLINE LANG TO?!" gulat na gulat kong tanong kay ruru, siya naman nakatakip lang sa yung kamay sa tenga niya habang tumatawa, ay, sumigaw pala ako? tumingin ako sa paligid ko, lahat ng taong dumadaan nakatingin sakin, KAHIYAAA T_T

"oo nga! kinuha ko yan sa friend ko na organizer sa mall, sa MOA eeheld ang auditions" nakangising sabi niya sakin.

"wow! seriously! thanks nito es! ba't di ko alam na mag-papaaudiotn ang bighit?" tanung ko sa kanya.

"bakit ikaw lang bang updated dito?ahahahahha di pa nga yan inannounce sa public eh! swerte ka nakunan kita ng form kaagad, sabi kasi nung friend limited lang daw yung forms kaya baka di lahat pwede makapag-audition, baka nga raw matatagalan pa bago magpa-audition ulit ang bighit dito sa philippines." sabi niya, ako naman sobrang lapad ng smile ko.

"teka, kailan to? ha? next saturday? wait, di ba this day yung band contest na sinalihan natin?tsaka diba MOA rin eeheld yung contest?" naku! wrong timing to ha! yumuko lang si Ruru, alam kung susupport siya sakin pag magauaudition ako, pero alam kong important din sa kanya yung contest na yun,we already considered it as "OUR BIG BREAK" sayang yung chance eh pag di matuloy yung pagsali ng band sa contest, gustong gusto ring sumali ng mag band mates namin. this contest was by far our biggest gig. Then, it hit me, alam ni Ruru na mangyayari to, alam niyang kailangan kong pumili between sa dalawa, pero binigay niya pa rin sakin to, kahit na alam niyang may chance na pipiliin ko yung audition kaysa sa contest, he still informed me about this.

Ruru, eto yung salute ako sa kanya eh. yung pagiging honest at selfless niya. kaya gagayahin ko din siya,

"hay! wag na! ikaw nalang mag-audition!" pilit kong tumawa,nagulat naman siya dahil binalik ko sa kanya yung form.

"te-teka, di ka mag-auaudition?" gulat na tanung niya.

"hay naku! may next time pa naman, tsaka mas important yung band contest para sakin" inakbayan ko siya kahit mahirap, ang tangkad kasi! hanggang balikat lang ako T_T

tumawa naman siya at inakbayan din ako, tapos sabay kaming naglakad palapit sa band members, siguro ang liit kong tignan kasama siya.

"sabi ko nga di ba? baka matagalan pa yung next audition nila? may possibility ngang di na sila magpapa-audition dito sa phils pag may nakita silang magaling na pwede gawing idol!" inexplain niya sakin.

"ay sus! it's not my loss na! magpapa-audition pa yan! sabi mo PAG may nakita silang magaling di ba? kung di ako mag-auaudition then walang magaling na sasali sa kanila, hahanapin pa rin nila ako hanggang mag-audition ako!" tumawa kaming dalawa.

"paano na yung sugababes mo?" tanung niya habang nakatingin sakin. nakaakbay pa rin siya sakin, kaya medyo yumuko siya. 

natigilan ako,oo nga? paano na yung dream ko? na maging BIG star? maging sikat katulad ng idols ko? wala na kong chance pag di ako sumali, aware naman ako na ang laking possibility na di na sila magpapaaudition, ang dami kayang magagaling! tsaka, si suga, yung UB ko? paano na yung CHANCE?

tumawa lang ako. "ay sus! mas importante yung Ruru babes ko!" biro ko sa kanya, sabay naman kaming sumigaw ng ewww yuckkss ano ba? ahahaahaha! ginulo lang niya yung buhok ko.

"kaw talaga. sana di mu ko sisihin ha? babatukan talaga kita!" tumawa siya.

"sisihin kita pag di tayo nanalo sa band contest!" 

"pwes! sinong late kanina?! di ba ikaw?!" nagtalo kami sa gilig ng kalsada, yung tipong parang ang layo ng kausap kung makasigaw!

"hoy! mga mahal na ibon! halina kayo! libre daw tayo ni lee ng Jollibee!" sigaw ni angelo samin, tumigil naman kami sa kakatawa at kasisigaw.

"anong mahal na ibon? at anong jollibee di ba kakakain niyo lang?" tanung ni ruru habang papalapit kami kay angelo.

"mahal na ibon as in love birds?" nag goof smile siya samin.

"di ko gets" sabi ko.

"same here" sabi rin ni ruru.

"Ay basta! tara na sa jollibee akala niyo mabubuhay kami na puro quek quek lang?" sabi ni angelo

tumawa naman kami ni Ruru habang sumusunod kay angelo,                                                                 sayang yung chance, pero, alam kong di masasayang yung sacrifice ko dahil alam kong my band mates wont let me down... as our band name says "

***********************************************************************************

wohoooo ang taas ng chapter na to ha? 

a picture of our Ruru portrayer at the side ------> Rupert Manalili

hope you like it guys :D

xoxo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected love (BTS-SUGA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon