Eto yung isa sa mga part ng buhay natin sa eskwela na hindi natin masyadong maalala kung ano nga ba ang ginawa natin ng mga panahon na nasa preschool pa lang tayo.
magsulat?
magbasa?
magbilang?
to be honest?
hindi ko talaga maalala,
kung may naalala man ako eh, yun yung unang beses na pagpasok sa school at iiyak ka pa kasi ayaw mong magpaiwan magisa, iiyak ka bigla kapag alam mong aalis na si mama, papa o kung sino mang naghatid sayo, nakakatuwa pa nga yung ibang bata kasi nagwawala na sila, samantalang ako....
wala.
di ko talaga maalala yung first day ko. hahahhaa
ang naalala ko lang is ang tawag namin sa guro namin ay...
TEACHER TEACHER!!!
hahaha makakarinig ka ng teacher teacher dito, teacher teacher duon,.
hindi ko nga alam bakit hindi nila pinauso ang mam o sir para itawag ng mga preschool students, kasi kung ikukumaparasa sa teacher na may 7 letra eh parang tanga lang na paulit ulit sinasabi, parang doctor doctor i am sick >.<
pero hindi ko pinakamalilimutan eh yung
isang araw nakita ko yung bakal na ruler ng ate ko, actually bronze ata yun kasi mabigat na kulay gold hahaha, (bronze pero gold?) basta yun na yun...
tapos pinakita ko sa kaklase ko, syempre pagbata ka, amazed ka sa mga bagay bagay na first time mo makita dba?
so nagthrending yun sa classroom namin, tapos nakita ng teacher ko yung dala dala ko, tapos sabi ni miss cataylo(preschool teacher ko na masungit)
Ms Cataylo: hihiramin ko lang muna to ha?
eh sa bata ako eh, kaya pumayag ako, sya muna nagtago nung ruler ko,
tapos everytime na may kaklase akong nagkakamali sa ng sagot, ginagamit nya yung ruler ng ate ko na bakal pampalo sa kamay ng mga classmate ko, at dahil sa matalino(kuno) ako nung bata, eh hindi pa ko napapalo dahil sa nagkamali ako...
PERO....
one day..
pagpasok ko sa school
nagchecheck ng mga kamay si ms cataylo
tapos pinapalo nya yung mga kamay ng mahahaba ang kuko
pagtingin ko sa mga daliri ko
MAHAHABA YUNG KUKO KO!!!
sa takot ko,
nagpawis ng malamig yung ulo ko pati mga kamay ko
paglapit ni ms cataylo sakin
tinago ko sa loob ng brum brum(bag na may gulong) ko yung kamay ko
tapos pinilit nyang kunin
ng makita nyang mahaba ang kuko ko
dalawang malakas na palo yung dumantay sa dalawa kong mumunting kamay :(
syempre bata pa lang ako loka loka na ko
kaya pagtalikod ni ms cataylo
lumabas ako ng room namin
since walkng distance lang naman yung school namin sa bahay
mga 70 steps skin kasi maliliit pa binti ko nun
pagdating ko sa bahay
sumuigaw ako
MAMA!!! KAUWI NA KO
tapos ni hug ko mama ko
ewan ko, di naman ako nagsumbong pero makalipas ilang araw
lumipat na ko ng ibang school :3
hahahha walang kwentang kwento noh?
well ganyan talaga pagwala kang masyadong interesting na alaala sa preschool life
pero sa nilipatan kong school
gustong gusto ko yung mga kaklaseng kong natatae sa mga pants nila >.<
ang bango kaya sa room
aircon pa naman hahahah
1st part end.
BINABASA MO ANG
Para sa mga studyante
Short StoryAng istoryang ito ay ginawa para sa mga nakatapos na ng pagaaral o nagaaral pa lang. Ginawa ito upang sariwain o alalahanin ang masasaya, malulungkot at nakakaexcite na buhay studyante :) Sana magustuhan ninyo ang maiksing kwento na ito...